CHAPTER: TWELVE
"Ayos ka lang ba talaga Gab?" tanong sa akin ni Helen. Tumango lang ako kahit pati sa sarili ko hindi ko alam kung ayos lang ba ako.
Naiwan kaming dalawa dito sa kwarto namin dahil ang iba pumunta ng University para maghanap ng panibagong clue para magkaroon na ng lead ang kaso.
"Palagi ka nalang tulala. Minsan tahimik na umiiyak. Hindi ko na alam kung anong ganap sayo. Meron ka bang hindi sinasabi sa amin?"
Marahan akong napatingin sa kanya. Nakatingin din sya sa akin. Makikita mo sa mga mata nya ang pag-aalala nya. Hindi ko mapigilang hindi maiyak.
"Ayan umiiyak ka na naman. Saan ka ba kasi galing nong nawala ka? Bakit nagkakaganyan ka na? Ano ba ang ibig mong sabihin sa mga sinasabi mong 'hindi iyon totoo'?"
Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig nya. Baka mahalata nya ako. Hindi pa ako handang aminin sa kanila ang lahat. Hindi ko kaya.
"M-masakit lang yung ulo ko. Don't mind me. I'm sorry." ani ko at lumabas na ako ng kwarto. Walang lingong likod kong tinungo ang basement.
Oo sa basement ko natagpuan ang sarili ko. Hindi ko nga alam kung paano ako nakalabas ng kwartong iyon. Basta ang alam ko lang pagkatapos kong makita ang mga picture na iyon ay agad akong tumakbo sa pinto. Hindi ko na naisip kong ano ang sasalubong sa akin basta ang gusto ko lang na mangyari nong mga oras na iyon ay makatakas sa katotohang hindi ko kayang tanggapin. Saka ko nalang na isip iyon pa ang basement. Front lang pala yung pintong maraming lock.
Napatingin muna ako sa kaliwa't kanan ko bago ko hawiin ang isang malaking salamin at mabilis na pinihit pabukas ang pinto.
Ilan ulit na akong patagong pumapasok sa kwartong ito pero sa tuwing pumapasok ako parang first timer pa din ang emotiong nararamdaman ko. Hanggang ngayon hirap na hirap parin akong tanggapin na kasama ang isang taong hindi ko inaasahang kayang gawin ang ganitong krimen.
'So hindi ko na kailangang hanapin pa ang bangkay nya kung ganun. Hindi ko na kailangang maghanap ng hustisya dahil hustisya ang dahilan ng pagkamatay nya?'
Napatakip nalang ako sa bibig ko para pigilan ang paghagulhol ko habang hawak ang picture nyang puno ng dugo.
"I-Ito ba ang dahilan kaya ka laging wala pag gabi? Ito ba ang dahilan kaya lagi kang tulala?.. Ito ba ang dahilan kaya lagi kang umiiyak?.. Ilang gabi na kitang sinusundan pero lagi ka nalang nawawala bigla yun pala sa likod pala ng salamin ang daan." manghang sabi nya.
Parang biglang huminto ag mundo ko ng marinig ko ang boses nya. Inaasahan ko na baka masundan nya ako pero hindi ko lang alam na lagi nya na pala akong sinusundan.
"At ano 'to? Paano mo nalaman ang lugar na ito?" hindi ko alam kung bakit takot ang naramdaman ko sa nga tanong ni Helen
"N-No. No, hindi iyon ganun. I'm not doubting in all of you. It's just..."
"It's just what Gab?!" pasigaw nyang tanong sa akin. Napaigtad nalang ako sa lakas ng boses nya. "Kaya ka may lead na ganito! Dahil iniisip mong may connection tayong lahat sa krimeng ito?! Kaya inumpisahan mong maghanap sa bahay ng pamilya ni Mark? Ganun ba?!"
Kitang kita ko sa mga mata nya ang galit.. lungkot at kung ano pang emotion na hindi ko na alam.
"I'm sorry.. That's not what I meant. Sasabihin ko dapat sa inyo kaya lang hindi ko kaya. H-Hindi ko matanggap. Kahit sa sarili ko hindi ko matanggap."
"Ang alin!?" galit nyang tanong na mas napahagulhol sa akin.
Dahan dahan kong inabot sa kanya ang hawak kong picture. Nanginginig man ang kamay ko ay kinuha ko ang isang kamay nya at nilagay na doon ang hawak ko dahil tiningnan nya lang ito.
YOU ARE READING
Pamahiin
HorrorSome people called it superstitious belief.In our generation today doesn't believe if that thing really exist. Really? Who would have thought if it's really true if hello we're livin in 21st century full of high-tech things. Who would have though...