Chapter: Three
Maaga pa lang ginising nakami nila kuya. Para tumulong sa paggawa ng kape at mainit na sabaw para sa mga naabutan na ng umaga sa paglalamay. May iba na ring mga kapitbahay si Tita Krizz na nandito na rin para tumulong.
Simula pagkababa namin walang Nanay o Tita at Tito na pumansin sa amin. Tiningnan lang kami ni Tita Cathy. Nag tungo kami sa kusina para kunin at ipamigay ang mga kape para sa mga tao. Si Bryan naman kasama ni kuya at kausap ang mga magluluto ng mga pagkain para sa bisita.
"Iha ito ring sopas paki dala doon sa mga naglalaro." ani sa akin ni Aling Bebe kapit bahay ni Tita. Tumango lang ako sa kanya at kinuha ang tray ng nga pagkain at dinala sa mga naglalaro ng bingo.
"Kain na po muna kayo. Para po mainitan ang mga tyan ninyo." sabi ko sa kanila. Tiningnan lang nila ako at wala na back to game na ulit. Ni lapag ko nalang sa kanila bawat isa ang mangkok ng sopas saka umalis at bumalik sa kusina.
"Ate may problema tayo." natigilan kami ni Cassy nang narinig ko si Tita Xandra na kausap si Tita Krizz.
"Tsk wag nyo nang problemahin yun. May tatlong matitigas ang ulo diba? E di sila ang utusan nyong magsundo. Malamang matutuwa pa ang mga iyon dahil gagala na naman sila." malamig na sabi ni Tita Cathy. Kinabahan naman kami ni Cassy sa narinig namin.
Pagkatapos ng mga nakita namin sa daan kagabi? Hindi na ata masaya maggala sa lugar na ito. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy na ako sa pag aayus ng puto sa plato at mga kape.
After an hour of helping nagtanghalian muna kami pagkatapos kami na rin ang naghugas ng mga plato at mga tasang ginamit. Ito na ang parusa sa amin. Hindi ka nga uutusan pero tititigan ka naman hanggang sa magkusa ka. Uupo na sana kami kanina kaya lang ang mga tinginan ni Tita Cathy ay di talaga nawala sa amin kaya tumayo na kami ni Cassy para maghugas ng mga kailangang hugasan.
Pagkatapos nagpahinga muna kami saglit saka tumulong na ulit sa mga magluluto sa kusina. Alas tres na nang hapun ng tinawag kami ni Tita Xandra. Pwede na daw kaming magpahinga dahil marami pa daw kaming gagawin mamaya.
Cassy's POV
Habang busy silang lahat sa loob lumabas muna kami ni Amanda. Hindi na rin kami nagpaalam dahil wala naman kaming balak lumayo. Masarap ang simoy ng hangin sa labas hindi katulad sa loob ng bahay na para bang ang bigat bigat sa pakiramdam.
Nakarating kami sa may puno ng Nara meron ditong duyan kaya sabay pa kaming na upo. Sinandal ko lang ang ulo ko saka ako pumikit. Dinadama ang sariwang hanging tumatama sa mukha ko. Ganun din si Amanda. Pagkalipas ng ilang minuto ay napabalikwas nalang ako ng tayo dahil sa bigla nalang may dumaplis sa akin na malamig na hindi ko alam kung ano. Pagtingin ko sa likod ko wala naman. Napatingin ako kay Amanda na nagtatakang nakatingin din sa akin. Na ngingig ang kamay ko sa hindi ko malamang kadahilanan. Dahan dahan akong tumingala sa taas ng puno. .
"Ahhhhhhhh!!!" halos di ako makahinga sa nakita ko. Naiiyak ako sa takot dahil sa kagimbal-gimbal na sitwasyon ang nasa harap namin ngayon. Halos lahat ng mga manok na kanina lang pinapakain ni Bryan ay nakabigti at warak halos lahat ng katawan. Makikita mo kung paano binaboy ang katawan nila.
"Holy shit! Oh my god! Tito! Tita!" sigaw ni Amanda nang sya naman ang tumingin. Napatakip nalang kami ng bibig at halos mahimatay kami sa takot ng dahan dahan ding lumitaw ang mukha ng babae.
"Ahhhhhhh!" sabay naming sigaw. At nagtata-takbo kami papasok sa bahay. Agad din naman kaming sinalubong nila Daddy.
"Anong na naman ang nangyari sa inyong dalawa hah?! Ano na naman ang ginagawa nyo at nagsisigaw na naman kayo?" hindi na naman pinansin ang sinabi ni Tita Cathy. Napagulhol lang kami ni Amanda.
YOU ARE READING
Pamahiin
HorrorSome people called it superstitious belief.In our generation today doesn't believe if that thing really exist. Really? Who would have thought if it's really true if hello we're livin in 21st century full of high-tech things. Who would have though...