Chapter: Ten
Isang madilim na silid ang na alimpungatan ko. Wala akong ni ano mang liwanag na naaaninag. Hindi ko alam kong nabulag na ba ako o sadyang sobrang dilim lang talaga nitong kinasadlakan ko. Dahan dahan kong kinakapa ang anumang nasa harapan ko pero wala akong makapa kundi puro alikabok. Hindi ko maintindihan ang nakakasulasok na amoy. Para syang dugong na parang hayop na nabubulok.
Pilit kong inaalala ang kung ano ang huling nangyari bago ako mawalan ng malay. Kahit sumasakit na yung ulo ko sa mabahong amoy ng lugar na ito. Ang pagkakatanda ko nag sauli ako ng mga gamit panlinis sa bodega tapos--- napamura nalang ako ng maalala ko lahat kung paano naging si Mercedes ang itim na pusa at yung mukha nyang naliligo sa dugo at pasa. Kung paano nya hawakan ang kamay ko at pilipitin. Kung paano bumaon ang matutulis nyang kuko sa balat ko at sa pagpag-agos ng dugo ko. Shit!
Tumayo ako ng dahan dahan. Kahit parang jelly yung mga tuhod ko paunti-unti habang inaalisto ang isip at tenga sa mga pwedeng mangyari. Pa unti-unti hinahakbang ko ang mga paa ko at nasa harap ko ang dalawa kong kamay.
Kailagan kong makakapa ng kahit pader man lang para may clue ako kahit papaano. Kahit nangingig ang mga tuhod ko ay nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa may makapa akong parang likido na medyo malapot.
'Yuck!'
Pikit matang inamoy. Halos masuka ng malaman kung dugo. Shit anong klaseng dugo 'to? Bumitaw ako sa pagkakahawak dahil baka ano pa ang kasunod kong makapa pero bago ko magawa iyon ay may parang bakal na sumagi si paa ko.
Mas lalo akong nanginig sa takot dahil paano kung lion yung tinali dito tapos ako ang alay. Tragis na buhay to!
Na paupo na lang ako sa sahig. Hindi ko na kayang tagalan ang pagtayo dahil baka mas lalong akong makagawa ng ingay at wala pa sa oras nalapa na ako. Diyos ko naman po.
Hindi ko alam kung gaano na 'ko katagal nakaupo. Tahimik na lumuluha. Kinakagat ko nalang yung labi ko para hindi ako makagawa ng ingay sa paghagulhol ko. Sobrang tahimik ng lugar na ito kaya malalaman mo kung may nag iingay.
Gulat akong napa usog sa gilid ko nong may narinig akong isang hikbi. Kung hindi ako nag kakamali ay parang babae yun. Kinakapa ko ulit ang pader na sinasandalan ko at dahan-dahang tumayo. Kailangan kong tapangan ang loob ko para malagpasan ko kung ano man ito.
Hawak ang dalawang kamay sa pader at pa isa-isang hakbang na sinusundan ang ipit na pag iyak.
Tagaktak na ang pawis ko sa noo at basa na rin ang mga palad ko sa nerbyos pero parang ang layo pa rin ng boses na naririnig ko. Gusto ko ng sumuko dahil habang patagal ng patagal ang paglalakad ko ay palala ng palala ang mabahong amoy na naaamoy ko.
Napakahaba naman ng pader na ito. Mga sampung minuto na akong naglalakad pero ganun pa rin ang naririnig ko. Parang bumubulong lang yung umiiyak. Hanggang sa may makapa akong door knob.
Nakakadagdag pa lalo sa nerbyos ko ang lamig ng knob. Shit ano ang nasa likod nito. Yung puso kong parang kabayo sa karera sa sobrang bilis ng tibok.
Dahan dahan kong inikot ang knob. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o kabahan ng mapagtanto kong bukas ang pinto. Unti unti kong siniwang ang pinto sapat lang para magkasya ang magkabilang tenga ko.
Para akong binuhuasan ng malamig na tubig at na freeze sa kinatayuan ko dahil sa naririnig ko.
Ang pag hagupit at pagtama ng latigo. Kahit hindi ako sigurado kung sa katawan o kung saan man ito tumatama basta isa lang ang sigurado ako at ito yung sa bawat tama ay kasabay ang isang pag igik ng isang babae.
Gusto kong takpan ang tenga ko para wala akong marinig pero nakatatak na sa isip ko ang boses ng parang naghihingalong umiiyak.
Ilang hagupit pa ang narinig ko bago mapalitan ng sigaw ng isang babae at ang pagungol ng isang baritonong boses ng lalaki. Shit! Ano to?
YOU ARE READING
Pamahiin
HorrorSome people called it superstitious belief.In our generation today doesn't believe if that thing really exist. Really? Who would have thought if it's really true if hello we're livin in 21st century full of high-tech things. Who would have though...