Chapter 1
Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa akin ngayon. Hayss ang sarap talaga pag summer walang pasok walang stress at bakasyon lang ang iisipin. Wala na rin ang alarm clock mong maaga pa lang nambubwisit sayo. Pero nakakalungkot nga lang dahil walang baon. Pero keri na din basta may unli WiFi naman kaya unli facebook twitter at instagram at may unli TV pa. Wohooooo!!!
"Amanda ano pang ginagawa mo dyan. Bumangon ka na't tanghali na." dinig kong sigaw ni Nanay. Ito rin ang ayaw ko sa lahat. Iyong manggigising ng maaga kahit wala namang lakad at sasabihing tanghali na kahit alas syete pa lang naman talaga ng umaga. Ewan ko ba sa mga Nanay may sarili ata silang relo. Tsk.
"Opo andyan na. Saglit lang." bumangon na rin ako dahil wala naman akong choice, seriously dahil pag di ka bumangon hindi ka talaga nila titigilan, sasakit lang ulo mo. Pumasok muna ako sa banyo at ginawa yung mga morning routine ko saka bumaba.
Nakita ko silang nag aayos ng gamit sa kusina. Si kuya naman busy sa mga pag papa-pack ng mga pagkain at nilalagay nya sa mga basket.
"Para saan iyan?" nagtataka kong tanong sa kanila nong makalapit na ako.
"Ohh mabuti naman at bumaba kana. Mag ayos ka ng mga gamit mo at aalis na tayo." sabi naman sa akin ni Nanay habang abala sa pag sasanduk ng kanin sa isang lalagyan.
"Bakit? Saan tayo pupunta?"
"Uuwi tayong probinsya dahil namatay daw ang tiyo berting mo."
"Pwede bang dito nalang ako sa bahay? Di ko naman kilala yun e,"
"Oy Amanda umayos ka nga. Si Tito berting ang tiga padala sayo ng pera pag wala kang pang tuition. Mahiya ka nga." galit namang sabi ni kuya.'Mahiya ka nga nye nye.'
"Pero hindi ko talaga sya kilala e, di ko pa nga sya nakikita." inis ko na ring katwiran sa kanila. Talaga naman e, wala pa akong nakikilala sa mga kadugo ni Nanay na nasa probinsya aside nalang siguro sa iba nyang kapatid na nasa abroad ngayon at yung nandito sa Maynila
"Ah basta umakyat ka na doon at mag empake ka na ng gamit mo para di tayo gabihin sa daan." sabi pa ni Nanay na mas lalong nakakapagpainis sa akin. Pag ganitong usapan wala ka nang magagawa kundi ang sumunod nalang.Kaya padabog akong naglakad ulit pabalik sa kwarto ko at nakasimangot na nag ayos ng gamit. Bahala kayo dyan.
Tamad na tamad akong kinuha ang maliit kong maleta.Dahil hindi ko naman alam kung saang lupalop ng kabihasnan ang probinsya nina Nanay ay kung ano nalang ang pinaglalagay kong damit sa bag ko. Basta ang importante ay may maisuot. Pagkatapos bumaba na ako. Nakaayos na rin ang iba pa naming dadalhin kaya pagkaraan ng ilang minuto may narinig na agad kaming bosena ng sasakyan sa labas.
At buti naman noh at hindi kami mag co-commute! Nakakahagard pa naman ang ganung eksena, ang dami dami mong dala dala tapos ang siksikan pa at wala nang kakabog sa init ni haring araw. Gosh baka bago ka makasakay lantang gulay ka na.
Hinakot na agad nila kuya at Nanay ang mga dadalhing gamit. Hinihintay ko lang silang matapos para makasakay na din ako. Si Tita Cathy pala yung sumundo sa amin. Kapatid din sya ni Nanay na nagtatrabaho sa isang law firm dito sa Manila. Sya ang bunso nila Nanay pero walang pang asawa kahit lagpas trenta na yung edad nya.
"Ano pang tinutunganga mo dyan Amanda. Kumilos ka naman. Wag ka ngang pa prinsesa dyan?" puna sa akin ni kuya nong ma pansin nyang naka upo lang ako. Hello! Sino ba naman kasi ang nag sabi na magdala sila ng maraming gamit. May balak ba silang tumira sa bundok habang buhay? Inirapan ko lang sya saka ko hinila yung mga maleta nilang maliliit sa labas.
YOU ARE READING
Pamahiin
HorrorSome people called it superstitious belief.In our generation today doesn't believe if that thing really exist. Really? Who would have thought if it's really true if hello we're livin in 21st century full of high-tech things. Who would have though...