Chapter: Nine
Nilibot ko kaagaad ang paningin ko pagkapasok namin mismo sa loob ng secret room.
Tatlong araw na rin kaming pabalik-balik dito at ganun ang ginagawa ko lagi. Tiningnan ko bawat sulok at parte ng silid kong meron bang nagbago o nawala na kahit ano habang wala kami.
Sa loob ng mga araw na lumipas wala pa ring pinagbago. Wala pa kaming bagong ganap sa case. And even the situation with the two cousins ay ganun pa rin. Mas lumala pa ang kalagayan ni Cassy. Pero may mga oras na bigla nalang nawawala ang ano mang sugat sugat nya sa katawan. Si Amanda naman para lang naman syang natutulog aside nalang sa palagi syang umuungot at umiiyak tapos bigla nalang sisigaw na para bang may iniinda syang matinding karamadaman.
Magkasama pa rin kaming anim sa paghahanap. There's only one thing unusual. Sa loob ng tatlong araw namin pabalik-balik dito wala na kaming nadadatnang patay o bangkay o kahit anong naghihingalong bubungad nalang sa amin.
Hindi ko alam kung may kinalaman ba ito sa nalaman naming petsa o kapanganakan to be exact.
"Oh Sh*t!" agad kaming nagkatinginan ni Helen ng may marinig kaming malutong na mura.
Nandito kami sa isang maliit na silid sa likod ng kwartong hinihigaan ng Dean. Agad kaming nagtakbuhan palabas at nakita namin ang kamang nakatimbawang na at namumutlang mukha ni Andrew.
Sabay pa kaming nakalapit sa kanya nila Mark na kasama rin Aileen.
"Anong mer--" agad akong natahimik dahil sa aking nakita. It's a white vintage dress full of blood stain. Pero hindi lang iyon ang ikinagulat ko. May mga nilamukos na papel na nagkalat sa katabi ng damit na nag yellowish na ang kulay siguro dahil na rin sa katagalan.
Maingat na pinulot ni Mark ang dalawang papel at dahan-dahan na binuklat sa harap namin. Kunot noo naman nyang hinarap sa amin ang papel. Pag tingin ko doon ko na intindihan kung bakit ganun ang reaction nya.
Hindi ko maintindihan ang nakasulat. Hindi naman sya naka alphabet o guhit na matino. Puro lang dot and dash.
-/...././-.--|--/---/.-.././.../-/./-..|--/.|-/...././-.--|-/---/.-./-/..-/.-././-..|--/.|-/---|-.././.-/-/....|
Kahit hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no'n tinupi ko pa rin ito ng maayos. Gusto kong maintindihan ang lahat.
Ang kasunod namang papel ang tinitingnan nila. Gaya ng mga na una kunot noo pa rin ang reaction nila. Hindi na ako naghintay na iabot nila sa akin ang papel dahil ako na mismo ang lumapit sa kanila.
your Soft skin Angelic face of yours is like a passage way for me to heaven
your Mourn and how you Utter plea was like a beautiful song that they sang for me
Each day had passed that you always begged was like my winning card in Lotto that happiness is my price.Kahit hindi ko man naintindihan ang magulong sulat na 'to hindi ko pa rin mapigilan ang mga luhang kumawala nalang sa mga mata ko. Although halata naman na hindi maganda ang ginawa nila kay Mercedes. Ang duguang damit palang sapat na. Pero ang tanong bakit. Bakit kailangang ganito. Bakit humantong sa ganito?
Napatingin nalang ako kay Mark ng bigla nyang hablutin ang papel sa kamay ko.
"Parang nakita ko na ito." naguguluhan nyang sabi. Napakamot pa sya sa sentido nya. "Para syang code na hindi ko maalala. Pamilyar sa akin ito. Pero sh*t! Utak gumana ka please." iritado pa nyang sabi.
Kahit ako pamilyar din sa akin ang sulat na yan. Parang may na encounter na akong code na ganyan.
Nabaling ang tingin namin kay Josh na bigla nalang bumalik sa nakabuyang-yang at wasak na kama. Napatakip na lang ako sa bibig ko sa ginawa nyang eksina.
YOU ARE READING
Pamahiin
HorrorSome people called it superstitious belief.In our generation today doesn't believe if that thing really exist. Really? Who would have thought if it's really true if hello we're livin in 21st century full of high-tech things. Who would have though...