III

46 2 0
                                    


  Chapter: Two

  
Nagising ako kina-umagahan dahil sa ingay sa kabilang kwarto. Hindi ko alam kong paano ako nakatulog kagabi sa dami nang tanong na pumapasok sa utak ko kaya siguro ganito nalang ka sakit ang ulo ko. Napatingin ako sa pinto nong bumukas ito at pumasok si Nanay.

 
"Amanda tumayo ka na dyan at magbihis. Andito na ang mga pinsan mo." sabi nya sa akin. Nakabihis na rin sya ng maayos na damit. Hindi na sya kagaya ka gabi na sobrang haggard dahil sa dami ng niluto at tinitimpla nilang kape.

"Opo."

  
Bumangon na ako. At kumuha ng tuwalya para maligo. Walang kibo akong tumalikod kay Nanay. Wala rin naman akong sasabihin sa kanya kaya maliligo nalang ako para makilala ko na din ang iba ko pang mga pinsan.

Pagkatapos ng halos kalahating oras na tapos din ako sa aking pag ligo. Nag suot lang ako ng isang faded jeans at isang plain white t-shirt. Dito lang naman ako sa bahay so why do I have put some effort para mag bihis ng ayos.

  
Nakita ko si Nanay na nag aayos ng gamit ni kuya. Napangiti nalang ako sa kanya. Ganyan ka alaga si Nanay kahit malalaki na kami wala pa ring nag bago.
Inaasikaso nya pa rin kami ni kuya.

"Nay ikaw ba'y nagpahinga na? Ako na po ang mag-aayos ng gamit ni kuya, magpahinga na muna kayo. Mamaya nalang ako bababa para makita ang iba ko pang pinsan." napangiti naman si Nanay sa sinabi ko.

  
"Salamat anak ah. Busy kasi ang kuya mo sa pag tulong sa iba pang kailangang asikasuhin." na upo na sya kaya kinuha ko yung mga t-shirt ni kuya na nagkalat at kinuha ko rin ang bag nyang parang pinasabog sa sobrang gulo. "Pasensya ka na rin sa kuya mo kagabi." napabuntong hininga naman ako sa huli nyang sinabi. Ano ba talaga ang meron at ganun sila ka affected? Music lang yun pero kung makapag react sila para bang end of the world na. Magtatanong pa sana ako kay Nanay pero di ko na natuloy dahil sabay na kaming napatingin sa may pintuan ng bigla nalang bumukas.

   
"Pinsan!!!" napangiti naman ako ng biglang pumasok ang kikay kong pinsan. Patakbo nya akong sinalubong ng kanyang mainit nayakap. Natawa naman sa amin si Nanay dahil na out balance pa kami kaya para kaming tanga na nagyayakapan sa sahig.

 
"Hindi mo naman ako ganun ka miss Cassy no?" natatawa kong tanong sa kanya pero sumimangot lang sya. Tatayo na sana kami kaya lang may bigla ulit dumamba sa amin kaya balik ulit kami sa napakakinis na sahig.

  
"Ano ba Bry! hindi ka nakakatuwa! Ang bigat mo! Tayo ka nga!" maarteng sabi sa kanya ni Cassy. Tinawanan lang sya ni Bryan dahil sya kasi nasa pinaka ilalim kaya talagang kawawa ang situation nya. Na pa ayos lang kami ng biglang mag fake cough si Nanay. Andami na palang nakatingin sa amin kaya agad kaming napatayo at nag ayos ng damit. Nakatayo na sina Tita Krizz, Tita Cathy, Tita Xandra at Tito Kevin pati na rin si Nanay.

  
"I expect the three of you to behave." seryosong sabi sa amin ni Tito Kevin. Si Tito kasi ang pinaka strict sa kanilang lahat at Papa sya ni Cassy. Halos kaming lahat takot sa kanya. At dahil kami ang tinaguriang hard-headed-trio ng pamilya kaya kami ang lagi nyang napapagalitan. Sabay pa kaming napatango sa sinabi nya habang nakayuko. Yes, no one dared to look up on how serious he was. Even our Titas or even Nanay hindi nag angat ng tingin kay Tito. Ganyan sya kung makakuha ng respeto sa amin. Pagkatapos ng ilang minuto hindi na sila nagsalita ulit saka kami tumingin sa kanila.

  
"Bumaba na kayo para makapag almusal. Wag kayong pasaway dahil hindi birthday tong event sa pamilya natin ngayon. Have some consideration." malamig na sabi ni Tita Xandra saka sila naglakad palabas ng kwarto namin. Nanatili lang kaming nakatungo hanggang makalabas na silang lahat. Pagkatapos ng halos dalawang minuto saka kami nag smirk at napatalon pa kami sa tuwa at nag yakapan ulit.

PamahiinWhere stories live. Discover now