VII

26 5 3
                                    

Chapter: Six

Halos mapabalik kami sa pinanggalin namin ng marating namin ang San Lorenzo University at nakita namin na ang magandang building na nakatayo lang nong pumasok kami dito ay ngayon para na syang isang ruins.

Wasak ang mga bintana at nagkalat ang mga sirang parte sa baba. Masyado na rin madilim at mabigat sa pakiramdam ang loob.

"Walang hihiwalay kung maaari." matigas na sabi sa amin ni ate Gabby.

"P-pero ano po ang ginagawa natin dito. Nakikita naman natin ang nangyari kay Cassy diba?" naguguluhan na kasi talaga ako kaya di ko na mapigilang magtanong. Sila ang mas nakakaalam pero heto kami ngayon kasama sila at pinasok ang lugar na ito ulit!

"Sumunod ka nalang pwede. Sa ngayon hindi pa kailangan ang matitigas nyong ulo dito." sagot naman sa kanya ng isang lalaking Mark ata ang pangalan. Iyon ang tawag sa kanya ni Tita Eula e.

"Iyon na nga eh, diba kayo na rin ang nagsabi na delikado ang lugar na ito pero anong ginagawa natin dito."

"Iyon naman pala e, alam mong delikado edi sana hindi ka nalang sumama. We did this not just for your cousin we did this just for ourselves. Naintindihan mo?" inis na sagot sa akin nong Andrew. The way he look at me nagtatagis na yung panga nya at yung mga mata nya kulang nalang mag apoy sa sobrang intense.

Natahimik ako nang hawakan ni Bryan ang kamay ko. Binigyan nya lang ako ng isang ngiti at tango. Napatingin din ako kay Tita Eula na nakahawak din sa kabilang kamay ko.

"Tawagan nyo na si Aileen." utos ni Tita at agad nag dial ang isang lalaking Josh ang pangalan. Sya ang pinakatahimik sa lahat. Para lang syang ordinaryong lalaki. Kung iisipin mong hindi kayang sumabak sa ganitong klaseng adventure ng buhay. In short matatakutin pero ang mga mata nya, doon mo mismo makikita ang tapang nya.

"Hello. Oh andito na kami.  Yes. Ikaw nasaan ka na? Ok. Ok. Sige sige. Ikaw din mag iingat ka. Pagnakita mo na text ka lang. Ok. Sige bye." rinig naming sabi nya. Pagkatapos tumingin sya sa amin bago kay Kuya Mark.

"Sa kwarto daw ni Dean matatagpuan."

"W-what? Is she serious? Nahalughog na natin ang lahat ng parte ng office ng Dean pero wala tayong napala. Kahit kaninong office ng school na 'to pinuntahan na rin natin pero wala pa rin." sigaw nani Tita Eula.

"Helen subukan pa rin natin. Baka ngayon mahanap na natin." mahinahong sabi ni Ate Gabby.

"Hindi ko alam, hindi ko na alam." pa iling iling na sagot nito.

"Tara na, bago maging huli ang lahat." napatingin nalang kami kay kuya Mark na nauna ng maglakad sa amin.

Sumunod nalang kami sa kanya ng tahimik pero bago kami umapak sa main building humarap ulit sya sa amin at deretsong nakatingin sa aming dalawa ni Bryan.

"Listen. Whatever you saw. Whatever you heard just don't mind them. Deretso lang ang tingin. Walang hihiwalay. Walang sisigaw. Nagkakaintindihan tayo?"

Nanlaki naman ang mata kong napatingin sa kanya. Sino ba naman ang hindi dahil sa pinagsasabi nya. Para na rin nyang sinabi na 'kahit anong mangyari sayo sarilinin mo nalang wag ka nang mandamay ng iba.' gago ata iyon e.

"Tara na. Pag di mo kaya ang nakikita mo. Ipikit mo nalang." bulong sa akin ni Tita. Isang tango lang ang sinagot ko sa kanya bago nya bitawan ang braso ko at naiwan kaming dalawa ni Bryan sa likod.

Humimto kami sa isang malaking double door na opisina. Na may nakasulat na Dean's office. Dahan dahang tinulak ni Kuya Josh ang pinto. Napahawak ako sa bibig ko para mapigilan ang pagsigaw ng bumungad sa amin ang isang dugaang katwan na nakahandusay sa harap mismo ng pinto.

PamahiinWhere stories live. Discover now