IF 3

234 30 18
                                        

Ignited Fate 3





"Hoy, okay ka lang?" Napapitlag ako ng magsnap ng daliri n'ya si Darce sa harapan ko. Natigil ako sa malalim na pag-iisip at napatingin sa kanya. "Huh?"


Napailing s'ya at malalim na bumuntong-hininga. Para bang hindi makapaniwala sa naging asal ko. "Seriously, ganyan ba ang epekto after mo magturo? Kanina, hyper na hyper kapa. Ngayon, lutang kana."

Napaayos ako sa pagkakaupo ng marealize na kanina pa pala ako nakatunganga. Dinampot ko ang tinidor sa plato ko at sinimulang iikot ang carbonara.

"Ano ba kasing nangyari? Kamusta ang first meeting mo sa Marketing major?"

Umiling ako at sumubo ng spag. "Wala naman akong maikwento. Pinagpatuloy ko lang naman ang discussion ni Ma'am Esguerra. What would you expect?" Walang ganang sabi ko.


Hanggang ngayon ay lumilipad pa din ang isip ko kay Jequn. After ng sampong taon na hindi kami nagkita ay sobrang laki na ng pinagbago n'ya. Napapaisip tuloy ako kung natatandaan n'ya pa ba ako? Hindi ko alam kung s'ya parin ba ang dating Jequn na kababata ko.

Gusto ko sana s'yang kausapin at kamustahin pagkatapos ng klase, pero hindi ko nagawang lumapit dahil sa babaeng kalampungan n'ya. Tsaka marami pa s'yang mga lalaking kasama. His bestfriends i guess.

"Hey, pinuntahan kita sa office mo. Nandito kana pala." Bahagya akong nagulat ng bigla nalang may tumabi sa akin. Saglit akong napatitig sa nakangiting mukha ni Zandro bago ulit binalingan ang pagkain ko. Hays.



"Hi, Ma'am Darce. Makikisabay ako ulit ah?"

Tumawa si Darce at mapanuksong sinulyapan ako. Tss! "Ikaw naman, sir Zandro. Sanay na ako, lagi ka namang sumasabay sa amin ni Icelle eh."


Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong napahawak sa sariling batok si Zandro at napatingin sa 'kin. "Nakukulitan na nga yata sa akin si Ma'am Icelle, eh. Pero ewan ko ba at nandito parin ako." Mahina s'yang tumawa na sinabayan naman ni Darce. Great! Gulong-gulo na nga ang isip ko, dadagdag nanaman 'to.


"Ano ka ba naman sir Zandro, ganyan talaga. Sabi nga nila kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may itinanim, may aanihin. Tiyaga lang." Nakangising sabi ni Darce. Palihim ko s'yang inikutan ng mata pero tumawa lang ang loka. Sige lang, encourage mo pa s'ya. Wala namang magbabago.

"Thank you sa support, ma'am. Sana talaga, bigyan na ako ng chance nitong kaibigan mo." Masiglang sabi ni Zandro habang nasa akin ang atensyon. Sheez.
Manhid yata ang isang 'to. Sarap lang minsan sigawan. But then, i think-- that would be too harsh. At hindi naman ako 'yong tipo ng taong ganyan.


Napabuga nalang ako ng hangin at tinuloy ang pagkain. Bahala silang mag-usap d'yan. Basta ako, kakain ako.


Nagtaka ako ng bigla nalang tumahimik ang buong cafeteria. Ang kaninang malalakas na usapan at tawanan ay unti-unting nawala. Naguguluhang nag-angat ako ng mukha at nilibot ang paningin sa paligid.

Halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa iisang direksyon lang--
Sa bandang likuran ko, kung saan ang entrance ng cafeteria.



"The Mighty Kings."
I heard someone murmured.


Dahil sa curiosity at kalituhan ay lumingon din ako sa entrance ng cafeteria. Nakita ko agad ang limang lalaki na kasalukuyang naglalakad papasok. They're walking gracefully as if-- they owned the whole place.

Ignited Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon