Ignited Fate 5
Napahikab ako habang tinatahak ang corridor papuntang collecting office. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kay Jequn.
Pagkatapos naming kumain ng lunch kahapon ay sabay kami ulit na bumalik sa NTU. Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na normal lang iyong mga kinilos n'ya ay hindi ko parin magawa. Ang daming pumapasok sa isip ko na hindi dapat.
Siguro naman ay baka nasanay lang s'ya na walang malisya sa amin noon ang magyakapan. Pero noon iyon, ang awkward naman yata kung hanggang ngayon ay tulad parin kami ng dati. Lalo pa't sampong taon na kaming hindi nagkasama.
Pagkatapos kong mailagay ang ibang gamit ko sa collecting office ay dumiretso na ako sa BA department. Wala akong klase ngayon sa section nila Jequn pero may klase ako sa ibang section.
Patungo na ako sa room ng Human resources major ng matanaw ko si Zandro na kausap si Darce malapit roon. Nataranta ako at mabilis na umatras para makapagtago sa pader. Naman! Bakit kaya nandito nanaman s'ya? Ang layo kaya ng engineering department dito? Hindi ba pwedeng matapos ang araw na 'to na hindi n'ya ako kukulitin?
Nang sumilip ako ay nandoon parin silang dalawa sa tapat ng pinto ng HR major. Napabuntong-hininga ako at sinulyapan ang pambisig kong relo. 15 minutes pa naman bago magsimula ang klase ko.
Imbis na tumuloy ay bumalik ako sa pinanggalingan ko. Naisip kong tumungo nalang muna sa comfort room para makapag-ayos. Nagmadali kasi ako kanina dahil ayoko ng ma-late ulit. Ayan tuloy, napasobra.
Itinukod ko ang dalawang kamay sa sink at tinitigan ang mukha ko sa salamin. Magulo ang pagkakaipit ng buhok ko. Hindi rin ako nakapaglagay ng lipbalm, tanging pulbo lang. Hindi naman maputla ang labi ko, natural ang medyo pinkish na kulay nito kaya ayos lang.
Tinanggal ko ang pagkakaipit ng buhok ko at sinimulang suklayin. Medyo basa pa kaya ilulugay ko nalang muna siguro.
Nangunot ang noo ko at napalingon sa isang cubicle ng makarinig ako ng kalabog roon. May multo ba rito? Bahagyang tumayo ang balahibo ko sa isiping iyon.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa cubicle kung saan narinig kong may lumagabog. Nilapit ko ang tainga sa pinto nito at tuluyan na ngang nanayo ang balahibo ng makarinig ng isang hindi magandang tunog.
Pero sigurado akong hindi iyon galing sa multo. Napabuga ako ng hangin at pinameywang ang isang kamay.
Malakas kong kinatok ang pintuan ng cubicle. Huminto ang mga ungol sa loob pero walang bumukas ng pinto. Inulit ko ulit ang pagkatok at mas nilakasan ko pa.
"Lalabas ba kayo o irereport ko kayo sa OSA?" Banta ko sa kung sino mang gumagawa ng milagro sa loob ng cubicle. My ghad! Teenager nowadays, masyadong mapusok. Sa CR pa talaga?
Naiiling na dumistansya ako sa pintuan ng cubicle at kinuha ang cellphone ko. Kung ayaw nilang lumabas, OSA na ang bahala sa kanila. I wont tolerate this kind of act.
Akmang ida-dial ko na ang numero ng OSA ay bumukas ang pintuan ng cubicle. Unang lumabas mula roon ay babaeng pilit sinusuklay ang nagulo n'yang buhok. Maganda, makinis, maputi. Medyo lukot din ang uniform nito.

BINABASA MO ANG
Ignited Fate (Completed)
Historia Corta"Why does it felts like.. We are asymptotes in math. We can get closer and closer but will never be together..." I sighed and let out a fake smile. "Fate has a cruel sense of humor, don't you think?" Icelle Samonte, sa edad na bente uno ay isa na s'...