IF 1

428 38 12
                                    

Ignited Fate 1

"Ilang beses ko bang dapat sabihin, Icelle, na hindi pinagsasabay ang sibuyas at bawang sa paggisa." Napanguso ako ng kunin ni mama ang sandok mula sa 'kin at s'ya na ang nagpatuloy sa pag-aadobo ng manok.

"Eh, pareho lang rin naman po 'yon. Ano ba ang pinagkaiba kung mauunang ilagay ang bawang sa sibuyas? Mas sasarap ba ang adobo? Hindi naman 'di ba?" Pangangatwiran ko. Tama naman ako, eh. Sa gusto kong mas mapabilis.

"Hay, Tigilan mo na nga iyang pangangatwiran mo ng wala sa lugar. Magtimpla ka nalang ng juice d'yan at dalhan mo ang tita Kaithlyn at tito Lawson mo sa sala." Utos ni mama ng hindi manlang ako tinitingnan. Agad naman akong tumalima at naglabas ng pitsel mula sa loob ng fridge. Sakto lang, dahil malamig na ang tubig na laman nito.

Kumuha ako ng isang pack ng juice na grapes flavor at binuhos sa loob ng pitsel.
"Ma, paabot nga ako ng isang sandok." Ani ko at nilahad ang palad sa kanya. Nasa tabi n'ya lang kasi ang sabitan ng mga sandok namin. Tahimik naman iyong inabot ni mama sa akin.

Bago ako tumuloy sa sala ay dumaan muna ako sa refrigerator at kinuha ang isang supot ng tinapay. Alangan namang magbigay lang ako ng juice tapos wala manlang makain.

Ngumiti ako habang papalapit kina tita Kaith at tito Lawson na nanonood ng TV.

Hindi namin sila kapamilya pero alam kong magbestfriend sila nila mama at papa mula pa high school. Halos magkakasosyo rin sila sa bawat negosyo. 

I admired their friendship actually. Mahigit dalawampung taon na silang magkakaibigan at hanggang ngayon ay walang nagbago. Salitan kami sa pagpunta ng bahay. Mayroong kami nila mama at papa ang pumupunta sa kanila at tulad nito, sila ang pumupunta rito sa bahay. Madalas ay tungkol sa negosyo lang naman ang pinag-uusapan nila. Hindi kailangang mag-kamustahan pa dahil lagi naman silang nagkikita.

"Meryenda po muna kayo. Tita, tito." Aya ko sa kanila pagkalapag ko ng tray na naglalaman ng juice at tinapay.

"Salamat. Mag-meryenda ka rin." Nakangiting sabi ni tita Kaith. "Kayo nalang po. Hindi pa naman po ako gutom." Magalang na sagot ko.

"Ano nga pala ang sabi ni Cooper, gagabihin ba sila ni Messiah sa kabilang branch?" Tanong ni tito Lawson habang nagsasalin ng juice sa baso.

Saglit akong napaisip. Hindi kasi ako nakikinig no'ng nagbilin si papa kay mama kanina.

"Ah, parang gano'n nga po." Sagot ko at hilaw na ngumisi. Gusto kong batukan ang sarili ko. Sa susunod kasi makinig sa pinagbibilin. Hays.

Pero malay ko ba namang itatanong nila sa akin iyon. Ang bata ko pa oy!

"Teka, nasaan nga pala si Ryo? Nando'n lang 'yon kanina naglalaro ng robot sa sulok ah." Biglang sabi ni tita at napatayo. kaya natigil rin ako sa pakikipag-usap sa inner self ko.

"Aish.. Ang likot talaga ng batang 'yon. Saglit lang tayong nalingat, nawala na." Napakamot sa ulo si tito at mukhang hahanapin na ang nag-iisang anak n'ya.

"Ako nalang po ang maghahanap kay Jequn. Magmeryenda nalang po kayo rito." Awat ko kay tito bago pa man s'ya makaalis.

"Sigurado ka ba, Icelle? Napakakulit ng batang 'yon. Baka hindi makinig sayo."

Ngumiti ako at tumango. "Opo, nakakalaro ko naman ng madalas si Jequn tsaka friends po kami."

"O sige. Kapag ayaw makinig, tawagin mo nalang ako ah." Paalala ni tito.

Ignited Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon