Ignited Fate 11
"Oh my, my.. Mas lalo kang gumanda, girl." Malawak ang ngiti na sinalubong ako ni Jess. Kasunod n'ya rin sina Harlyn at Ellis.
Nakipag-beso silang tatlo sa akin at saglit akong binigyan ng yakap. Mga kababata namin silang tatlo ni Jequn. Kasama ko silang tatlo mula elementarya hanggang high school. Nagkahiwalay lang kami ng mag-kolehiyo na. Nanatili ako sa probinsya, samantalang sila naman ay sa isang sikat na academy dito sa siyudad.
Hindi nawala ang kumonikasyon naming tatlo at kahapon ay bigla nalang kami nagkayayaan na magkita. Pumayag naman ako agad, kesa naman magkulong lang ako sa apartment.
"It's been what? Since that last time we've met?" Nakangiting tanong ni Ellis.
"Hmm. More than three months, i guess." Sagot ko. Tumango naman sila.
"So, kamusta kana ba? Ikaw lang ang nahiwalay sa aming tatlo, eh." Nakangusong sabi ni Harlyn. Napangiti ako. Parehong culinary ang tinapos nila Jess at Harlyn. Samantalang pareho naman kaming dalawa ni Ellis na marketing. Sa pagkakaalam ko rin ay pareho silang tatlo ng pinagtatrabahuan.
"Ano ang maitutulong namin sa problema mo?" Seryoso ang mukha na tanong ni Jess. Napabuntong-hininga ako at napayuko. Naikwento ko sa kanila ang nangyari sa akin sa NTU. Alam na rin nila ang relasyon naming dalawa ni Jequn.
"Gusto mo bang sumama nalang din sa amin? Para magkasama-sama na tayong apat. Saktong-sakto dahil umalis ang assistant manager ko." Ani Ellis at uminom ng milk tea na kakaorder lang. Napatingin ako sa kanya at parang nangislap ang mga mata ko. "T-talaga? P'wede ba ako do'n?" Hindi makapaniwalang-tanong ko.
Ngumiti si Ellis at tumango. "Oo, naman. Kaibigan at schoolmate namin ang may-ari ng Gemini's."
Gemini's? Ilang beses ko ng narinig ang tungkol doon. It is one of the well-known pastry and beverages shop in this country. Mahigit dalawang taon pa lang, simula ng itayo ito pero namamayapag na sa industriya. Napag-alaman ko rin na sikat na writer at painter ang owner nito. Napaka-gifted n'ya at talagang napaka-swerte n'ya sa buhay.
"Kailan kaya ako p'wedeng pumunta doon?" Tanong ko.
"Anytime. Kahit ngayon pa. Ang sabi naman kasi sa akin ni Gemini, ako na ang bahalang maghanap ng assistant ko." Masiglang sabi ni Ellis. "Omo! Thank you talaga, girls. Maraming salamat sa tulong." Gusto kong magtatalon sa tuwa. Ang bilis kong nakapaghanap ng bagong trabaho.
"Ikaw pa ba? Malakas ka sa amin eh. Anyway, pareho kaming chef ni Harlyn doon." Nakangiting sabi ni Jess.
"Magkaiba tayo, 'wag kang pa-humble. S'ya ang head chef namin." Sabat ni Harlyn. Natawa nalang ako.
May magandang ibabalita na ako kay Jequn. Sobra s'yang nag-alala sa akin mula ng umalis ako sa NTU, kulang nalang ay hindi na s'ya pumasok kung hindi ko pa pipilitin.
"So, ano? Gusto mo bang pumunta sa Gemini's ngayon? Mga half hour lang naman ang travel. Kumpleto ka naman siguro sa requirements d'yan?"
Nakangiting tumango ako. "Oo, naman. May dala akong resume dito. Gusto ko rin makilala ang may-ari."
"Good. So let's go." Excited na sabi ni Ellis at tumayo. Nagsitayuan din kami at magkakasamang lumabas ng coffee shop.
May dalang kotse si Jessamy kaya nakisakay nalang kaming tatlo. Iwas hassle din, dahil hindi na kami mag-aabang ng bus at makikipagsiksikan.
Gaya ng sinabi ni Ellis ay agad akong natanggap sa Gemini's. Mabait ang may-ari at kaedad lang namin. Para ngang kaibigan lang ang turingan nila at hindi employer at employee. Sa kanyang pangalan mismo ipinangalan ang pastry shop. At talagang napakaganda n'ya kahit anong ekspresyon sa mukha ay parang inosente at mabait parin kung tingnan. Isa rin sa mga ibinilin n'ya na wag s'yang tatawaging ma'am kundi Gemini lang.

BINABASA MO ANG
Ignited Fate (Completed)
Historia Corta"Why does it felts like.. We are asymptotes in math. We can get closer and closer but will never be together..." I sighed and let out a fake smile. "Fate has a cruel sense of humor, don't you think?" Icelle Samonte, sa edad na bente uno ay isa na s'...