Ignited Fate 9
Pinag-review ko lang sila saglit tungkol sa mga nakaraang discussions namin at nagbigay ng long quiz. Mabuti nalang talaga at walang nakapansin sa aming dalawa kanina ni Jequn o sadyang nagpatay malisya lang sila.
Kinakabahan ako sa naging kilos ni Jequn, dahil baka anong masabi ng mga nakakita sa amin. Lalo na si Zandro, paniguradong may nabubuo ng ideya iyon sa loob ng isip.
Habang hinihintay ko silang matapos sa pagsagot sa test paper ay nakaupo lang ako sa unahan at pinagmamasdan silang lahat. May iilan akong napansin na pasimpleng nagtatanungan pero hindi kona pinuna pa. Okupado ang isip ko sa possibleng mangyari sa amin ni Jequn, oras na may makaalam sa kung anong meron kami.
Matapos ang isang oras ay nag-announce na akong ipasa ang test paper nila. Hindi naman gaanong mahirap ang exams ko, basta ba't nakapag-aral lang sila. Huling nagpasa ang mighty kings at parang gusto kong batukan sina Hensly at Zachary ng mapansin ko ang mapanuksong ngisi sa mga labi nila, lalo na't si Jequn ang pinakahuling nagpasa sa lahat.
Seryoso lang ang mukha n'ya ng iabot n'ya sa akin ang test paper n'ya. Agad rin akong nagbaba ng tingin at tinuon ang atensyon sa mga test paper. Heart naman, p'wede bang kumalma ka muna d'yan? Bakit ba sa tuwing nalalapit o nakikita ko si Jequn, halos lumabas kana sa ribcage ko? Mas OA kapa magreact sa akin. Hays.
Napabuntong-hininga ako at inayos ang pagkaka-arrange ng mga test papers. Pero nangunot ang noo ko ng makitang nakabaliktad ang test paper ni Jequn. Babaliktarin kona sana paharap ng mapansin ko ang maliit na nakasulat sa itaas ng bond paper.
"I'll see you in Hexers."
Kumabog ang dibdib ko at mabilis na nag-angat ng mukha pero nakita ko na silang lima na naglalakad palabas ng classroom. Pero bago pa man sila tuluyang makalabas ay lumingon si Jequn at nagawa pa akong kindatan, dahilan para lumukso ang puso ko. Ramdam ko ang unti-unting pag-akyat ng dugo sa mukha ko.
Shit! Malala talaga ang tama ko sa mokong na 'yon.
Kinagat ko ang labi ko at nagmadaling lumigpit ng mga gamit. Para akong lumulutang sa excitement habang tinatahak ang corridor. Nasa kabilang building pa kasi ang Hexers floor, kung saan nandoon rin ang library, OSA at ROTC office.
Lumabas ako sa department ng BA at tumawid sa hallway patungo sa kabilang building. Pangiti-ngiti pa ako sa mga estudyanteng bumabati sa akin. Papasok na sana ako sa entrance ng building ng biglang humarang sa daan ko si Zandro. Seryoso ang mukha n'ya at makahulugang nakatitig sa akin.
Bigla akong kinabahan at parang bula na naglaho ang excitement ko. Bakit ko nga ba s'ya nakalimutan?
"Hindi mo yata kasama si Ma'am Darce. Sa library mo ba s'ya hihintayin at sabay kayong magla-lunch?" Tanong n'ya ng may ngiti sa labi. Pero alam kong hindi lang iyon simpleng ngiti.
Napalunok ako at napaisip sa building na papasukan ko. Library nga lang ang p'wede kong puntahan dito. Wala namang dahilan para pumunta ako sa OSA at mas lalong walang dahilan para pumunta ako sa ROTC office.
Tumikhim ako at pilit na ngumiti. "Oo, dito kasi ang gusto n'yang magkita kami. Ikaw ba?"
Bahagya s'yang tumawa at humakbang palapit sa akin. Gusto ko sanang umatras pero hindi ko ginawa. "Wala na akong klase, sasamahan nalang kita at sasabay na ako sa inyong kumain."
BINABASA MO ANG
Ignited Fate (Completed)
Short Story"Why does it felts like.. We are asymptotes in math. We can get closer and closer but will never be together..." I sighed and let out a fake smile. "Fate has a cruel sense of humor, don't you think?" Icelle Samonte, sa edad na bente uno ay isa na s'...