Ignited fate 6
Pasakay na ako sa escalator ng matanaw ko si Jequn kasama ang mga kaibigan n'yang nag-uusap sa corridor. May kung anong sinasabi iyong lalaking singkit, dahilan upang tumawa silang magkakaibigan.
Natigilan ako at napatitig sa maaliwalas na mukha ni Jequn habang tumatawa. Parang bigla ring nawala ang mga isipin ko. Nakakahawa ang sayang nakikita ko sa mukha n'ya.
Kumalabog ang dibdib ko ng bigla s'yang tumingin sa direksyon ko. Namilog ang mga mata ko. Shit! Nahuli n'ya akong nakatitig sa kanya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng ngumiti si Jequn at naglakad palapit sa akin.
Bigla akong nataranta. Hindi na ako nakapag-isip pa. Tinakbo ko paakyat ang escalator. Nagdesisyon na akong iwasan s'ya dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko tuwing nalalapit s'ya sa akin.
Nang tuluyan na akong makaakyat ay dire-diretso akong naglakad. Ni hindi na ako lumingon pa. Napasapo ako sa sariling noo at napailing.
Iniwasan ko s'ya ngayon pero magkikita parin naman kami. Sa iisang classroom lang ang tungo namin. Hindi ako gano'n ka ignorante para hindi maintindihan kung ano itong nararamdaman ko.
Inaamin kong hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa loob ng dalawampu't-isang taon kong pamumuhay. Pero nagbabasa at nanonood naman ako ng mga love stories.
Kahit saang angulo tingnan, mali itong nararamdaman ko! Hindi dahil parang younger brother ang turing ko noon kay Jequn, kundi dahil professor ako sa university na ito at estudyante ko s'ya.
This feeling is forbidden.
Kakaunti nalang ang bakanteng upuan pagkapasok ko sa classroom. May iilang minuto pa ang natira bago magsimula ang klase ko kaya umupo nalang muna ako at hinintay ang mga estudyanteng wala pa.
Nang mapansin kong pumasok na ang isang kaibigan ni Jequn ay mabilis kong binuksan ang librong dala ko at nagkunwaring nagbabasa. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang mariin na pagkakatitig sa akin ni Jequn na para bang may malaki akong kasalanang nagawa.
Hindi ko nalang iyon pinansin at pilit na ipinukos ang sarili sa pagbabasa. Kahit napag-aralan kona ito kagabi ay paulit-ulit ko pa ring binasa.
Habang nagle-lectures ako ay iniwasan ko talaga ang mapatingin sa gawi ni Jequn. Ramdam ko ang paninitig n'ya sa akin kaya halos mamali-mali ako sa mga sinasabi ko.
Damn! This feeling is getting out of hand.
Mabilis kong tinapos ang klase at kinolekta ang mga reaction papers nila. Gusto ko nang matigil ang pagkalabog ng dibdib ko at panghihina ng mga binti ko. Pero mukhang nagkamali ako sa naging desisyon.
Huli kona ng malaman, na ako lang pala ang klase nila ngayong umaga kaya pagkatapos ko silang mai-dismiss ay agad silang nagsilabasan. Gusto ko rin sanang makisabay pero inayos ko pa ang mga reaction papers na ipinasa nila.
Ang gulo kasi! Magpapasa na nga lang, hindi pa maayos.
Para akong kinukulang sa hangin ng maramdaman ko paglapit ng presensya ni Jequn sa mesa ko. Pilit kong tinatagan at kinalma ang sarili ko.
"Why are you still here, Mr. Castaneda?" Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi nanginig ang boses ko.
Inangat ko ang tingin sa kanya at nakita kong seryoso lang ang mukha n'ya habang nakatitig sa akin. Pero saglit lamang iyon dahil agad rin s'yang napangisi.
BINABASA MO ANG
Ignited Fate (Completed)
Short Story"Why does it felts like.. We are asymptotes in math. We can get closer and closer but will never be together..." I sighed and let out a fake smile. "Fate has a cruel sense of humor, don't you think?" Icelle Samonte, sa edad na bente uno ay isa na s'...