Ignited Fate 2
"Icelle!" Saglit akong natigilan at napangiwi ng marinig ang pamilyar na boses. Binilisan ko ang paglalakad at halos tumakbo ako palapit sa sakayan ng jeep.
"Icelle, wait!"
"Geez." Mas binilisan ko pa ang paglalakad at halos magpasalamat ako sa langit ng makita ang paalis na jeep. Humabol ako kahit paandar na ito.
Pasimple ko s'yang tiningnan at nakonsensya naman ako ng konti ng makita ko s'yang hinihingal na nakatanaw sa jeep na sinakyan ko. Pinilig ko ang ulo ko at umayos sa pagkakaupo.
Kasalanan n'ya naman kung bakit ko s'ya iniiwasan. Sabi na ngang hindi ako interesado sa pakikipagrelasyon. Patuloy parin s'ya sa panliligaw kaya umiiwas na ako tuwing nakikita ko s'ya. Tho, alam kong hindi ko s'ya maiiwasan buong araw dahil sa iisang university lang kami nagtatrabaho.
Dapat ko lang ipagpasalamat na nasa collecting office lang ako at tuwing tanghalian lang lumalabas. Samantalang si Zandro naman ay belong sa Engineering department. Napakalawak ng Northern Titan University kaya madalas ko parin s'yang naiiwasan. Unless, sasadyain n'ya nanaman ako sa office ko.
Napatigil ako sa pag-iisip at napasinghap ng muntik na akong masubsob sa unahan ng jeep. Halos lahat ng pasahero ay napatili at napasigaw sa biglaang pagpreno ng jeep. Mabuti nalang at mabilis akong nakahawak sa hawakan pero naglaglag naman ang mga folders kong hawak.
Napuno ng reklamo at murahan ang loob ng jeep. May mga sinisi pa ang driver na hindi raw nag-iingat pero obvious naman na hindi n'ya iyon kasalanan. May bigla kasing kotse na nag-overtake sa amin at sobrang bilis pa ng takbo nito.
Sayang lang at hindi ko nakuha ang plate number nun. Walang modo, ang sarap ireport. Tanging ang kulay at itsura lang ang natandaan ko.
Bumuga ako ng hangin at dinampot ang mga folders ko na nalaglag.
Mga kinse minutos lang naman ang biyahe papuntang NTU pero dahil siksikan sa loob ng jeep ay pinawis na ako. Pinunasan ko agad ng panyo ang pawis ko pagkababa ko sa labas ng University. Inayos ko rin ang medyo nalukot kong slack uniform bago naglakad papasok ng gate.
"Good morning, ma'am." Bati sa akin ng guard sa entrance. Ngumiti lang ako at tumango.
Maglilimang buwan na rin akong nagtatrabaho dito sa NTU. Medyo nag-alangan pa akong mag-apply dito dahil bali-balitang napaka-pihikan nila sa pagpili ng empleyado, lalo pa't galing ako sa isang university sa probinsya.
Maswerte lang na isa akong dean lister at matataas lahat ng grado. Pumasa rin ako sa interview kaya natanggap ako dito.
BA major in marketing ang kurso kong tinapos pero kumuha ako ng board exam para makapagturo at sa gabay ng Panginoon ay nakapasa ako. Medyo nakakadisappoint lang dahil sa collecting office nila ako nilagay, mas gusto ko sanang magturo ng kursong tinapos ko.
Tapos na ang enrollment para sa second semester ngayong taon, kaya halos wala na rin akong magawa sa collecting office. Nag-eencode nalang ako ng mga RF sa computer.
Mga ilang oras din akong nakipag-one on one sa harap ng computer. Ramdam kong nangalay na ang mga braso, leeg at daliri ko kaya tumayo muna ako at nag-unat unat ng katawan. Tinanggal ko rin ang reading glasses ko at pinatong sa tabi ng computer.
Saktong inaayos ko ang bahagyang nalukot na long sleeve ko ng marinig kong may kumatok sa pinto. Sunod na sumilip mula roon ay ang nakangiting mukha ni Darce.
"Oh, what brings you here?" Medyo gulat na tanong ko. Madalas kasi ako ang pumupunta sa kanya sa faculty room para sabay kaming mag-lunch.
Si Darce ang pinakaclose kong professor dito sa NTU. Pareho kaming nagtapos ng kursong BA, accounting nga lang ang major n'ya.
BINABASA MO ANG
Ignited Fate (Completed)
Historia Corta"Why does it felts like.. We are asymptotes in math. We can get closer and closer but will never be together..." I sighed and let out a fake smile. "Fate has a cruel sense of humor, don't you think?" Icelle Samonte, sa edad na bente uno ay isa na s'...