IF 8

213 28 11
                                    

Ignited Fate 8




Nagkukulay-kahel na ang langit ng magising ako. Hinawi ko kasi kanina ang isang kurtina dito sa loob ng kwarto ni Jequn at pinatay ang lampshade. Nangawit ang leeg at braso ko. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na ang pagbabantay kay Jequn. Kinapa ko ang noo at leeg ni Jequn at napangiti ako ng mapansin na bumaba na ang lagnat n'ya. Hindi na s'ya gano'n kainit pero tulog parin.

Tumayo ako at nag-inat inat ng katawan. Sinulyapan ko ang suot na relo at nakitang lagpas alasingko na. Lumabas ako sa kwarto ni Jequn at napagpasyahan na magluto na muna. Hindi ko alam kung kakayanin na ba ni Jequn, pero nagdala ako ng extra na damit in case na hindi ako makauwi.

Pinakialaman ko ang mga gamit n'ya sa kusina at laman ng ref. Nagsaing ako ng kanin at hinanda ang mga ingredients na gagamitin ko sa pagluto. Dalawang putahe lang ang lulutuin ko. Baked Salmon and Potatoes with cheese and sausage.

Mag-aalasiyete na ng matapos ako sa pagluluto. Mabuti nalang talaga at nag-aral akong magluto. Kung hindi ako nakinig noon kay mama, aba! Ewan ko nalang.

Sa mesa ko inihain lahat ng niluto ko. Gigisingin ko nalang si Jequn dahil wala narin naman s'yang lagnat. Kasalukuyan akong naglalagay ng tinidor at kutsara sa plato ng may yumakap sa akin mula sa likod. Namilog ang mga mata ko at nanigas sa kinatatayuan ko. Sunod kong naramdaman ay ang pagsubsob ni Jequn ng mukha n'ya sa batok ko. Para akong dinaluyan ng boltaheng kuryente sa katawan ng maramdaman ko ang init ng hininga ni Jequn.

"I thought you already left." Paos ang boses na sabi n'ya. Humigpit ang pagkakayakap n'ya sa bewang ko. "Akala ko nga nananaginip lang ako. But you're really here. Thank you for staying and taking care of me, Icelle." Sumilay ang ngiti sa labi ko ng marinig ang napakalambing n'yang boses. Umikot ako paharap kay Jequn nang hindi n'ya binibitawan ang bewang ko.

Mas lalo akong napangiti ng makita ang namumungay n'yang mga mata at magulong buhok. Titig na titig s'ya sa akin na para bang ako lang ang nakikita n'ya. Itinaas ko ang isang kamay ko at inayos ang buhok n'ya. "Totoo ako, ano ka ba? Talagang nandito ako, dahil nag-aalala ako sayo." Hinaplos ko ang pisngi n'ya at tuluyan na ngang nawala ang lagnat n'ya. Pero possible pa s'yang mabinat.

"Wala ka ng lagnat. Kamusta pakiramdam mo?" Malumanay na tanong ko. Imbis na sumagot ay yumuko s'ya at siniksik sa leeg ko ang mukha n'ya. Para namang lumukso ang puso ko. Napapikit ako ng mariin.

"Masama pa pakiramdam ko, 'wag ka munang umuwi." He murmured. Muli akong napangiti at hinaplos ng paulit-ulit ang buhok n'ya. "Hey, i'm not leaving. Hindi ba't sinabi kong aalagaan kita?" Natatawang sabi ko. Marahan akong humiwalay sa kanya. "Tara na, kumain na tayo."

Tinitigan n'ya pa ako saglit bago tuluyang humiwalay sa akin at umupo. Naghila rin ako ng upuan at umupo sa tabi n'ya. Kahit alam kong kaya n'ya naman ay ako parin ang nagpresintang maglagay ng kanin at ulam sa plato n'ya. Sunod ko rin na nilagyan ang sa akin.

Hinintay ko s'yang makapagsubo muna. Hindi ko alam kung magugustuhan n'ya ba ang niluto ko. "So, how does it tastes?" Nag-aalangan na tanong ko. Kinakabahan ako habang nakatitig sa kanya at naghihintay ng sagot. Noon naman ay lagi akong confident sa kakayahan kong magluto. Pero ngayon, parang naglaho lahat.

Naku! Major turn off pa naman yata sa lalaki ang babaeng hindi marunong magluto.

Nang sumilay ang ngiti sa labi ni Jequn ay para akong nabunutan ng tinik. "You're amazing at this. It tastes really good." Aniya at sumubo ulit. Para naman akong may napanalunan sa sobrang saya na nararamdaman ko. "Tinuruan kasi ako ni mama, mabuti nalang talaga at natuto ako."

Ignited Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon