Ignited Fate 4
Panay ang sulyap ko sa suot na relo habang naghihintay ng jeep na masasakyan. May mga kasama rin akong mga estudyante pero wala akong nakita na taga-NTU kahit isa manlang. Siguro ay dahil lahat ng mga nag-aaral doon ay may kaya sa buhay.
Nang matanaw ko ang jeep na papalapit ay napabuga ako ng hangin. Muli kong tiningnan ang oras. Hindi na ako aasa pa. Late na talaga. Kung bakit kasi hindi tumunog ang alarm clock ko. Asar lang!
Bago ako tumuloy sa klase ko ay dumaan muna ako sa faculty room para kumuha ng projector. Almost half hour na akong late!
Mabilis na nagsitahimik ang section nila Jequn pagkapasok ko. May isa pang estudyante ang tumayo para tulungan ako sa pag-aayos ng projector.
"Good Morning, class. Sorry i'm late. Medyo na overslept kasi ako. Babawi nalang ako sa susunod." Paliwanag ko sa kanila at ngumiti. Agad naman silang sumagot na "Okay lang" ano pa nga ba ang aasahan ko? Mas ikakatuwa pa nga siguro nila, kung hindi ako dumating.
Sinulyapan ko ang bandang likuran kung saan ang p'westo ni Jequn at ng mga kaibigan n'ya. At parang may sarili silang mundo. Napailing ako.
Imbis na punain ay binuksan ko nalang ang folder ng attendace sheet nila. "Say present if you're here."
"Alarcon"
"Present"
"Anisco"
"Ma'am, over here."
"Barerra"
"Present"
"Buenaflor"
"Buenaflor" ulit ko at nag-angat ng mukha.
"Hoy! Fancy! Tawag ka ni ma'am." Pasigaw na sabi ng isang babae sa unahan. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nila at lahat sila ay nakatingin sa babaeng katabi ni Jequn.
"Ay, ma'am. Present!" Aniya at ngumisi.
Hindi ko tuloy napigilan ang mapataas ng kilay. Busy masyado sa landian, huh? Kaya hindi na napapansin na tinatawag ko ang pangalan n'ya. Hindi ko maintindihan pero parang uminit ng sobra ang ulo ko.
Pinigilan ko ang mapapikit.
Tiningnan ko ang lalaking mukhang nerd sa first row. "You're name is?"
Mukhang nagulat ito at napalingon kung s'ya nga ba ang tinutukoy ko, kaya diretso ko s'yang tinitigan sa mga mata.
"K-kenneth Zamora po." Mahinang sagot nito.
"Okay, Mr. Zamora, exchange your seat with Ms. Buenaflor." Seryosong sabi ko.
"What?! Why?" Matinis na sigaw ng babaeng katabi ni Jequn. "Ganito na po ang sitting arrangement namin mula pa kay ma'am Esguerra. Bakit kailangang baguhin?" Maarte tanong nito.
To the highest level na ang pagpipigil ko na 'wag s'yang batuhin ng attendance sheet.
Sarkastiko akong ngumisi at mariin s'yang tinitigan sa mga mata. "I'll tell you why, Ms. Buenaflor. Once and for all, you're busy doing some UNNECESSARY and USELESS THINGS over there and you're not LISTENING to me. You didn't even heard that i was calling your name for 2 times around. Simply means-- You. Are. Distracted." Gigil mo ako, ha! Buti nga lang at hindi ko sinabing "you're busy flirting there." Pero naisip kong medyo unprofessional 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/149097778-288-k878038.jpg)
BINABASA MO ANG
Ignited Fate (Completed)
Kısa Hikaye"Why does it felts like.. We are asymptotes in math. We can get closer and closer but will never be together..." I sighed and let out a fake smile. "Fate has a cruel sense of humor, don't you think?" Icelle Samonte, sa edad na bente uno ay isa na s'...