IF 10

215 30 16
                                    


Fate 10





Kung nakakamatay lang ang titig, paniguradong ngayon ay may isang hitad ng pinaglalamayan. Tss!

Sa nakalipas na isang linggo ay patago kaming nagkikita at nagsasama ni Jequn. Madalas ay sa Hexers kami tumatambay at kumakain. Pag-uwian naman ay hinihintay n'ya ako sa parking lot. Pero kahapon lang ay nagreklamo na si Darce, kung saan daw ako nagsusuot. Kaya ngayon, ay pinili muna naming maghiwalay. Kasama n'ya ang ibang mighty kings, samantalang ako naman ay si Darce.

Pinagpapasalamat ko rin na hindi na kami ginulo pa ni Zandro. Pansin ko nga na sa tuwing nagkakasalubong kami ay s'ya na mismo ang umiiwas. Nakapagtataka pero hindi ko nalang pinansin.

Pero kung meron man akong ikinagagalit ay ang mga babaeng, dikit ng dikit kay Jequn. Araw-araw yata ibat-ibang mga babae ang nakikita kong nakasunod sa kanya. Tho, hindi na tulad dati na pinapansin sila ni Jequn ay hindi ko parin mapigilan na mainis. Manhid yata ang mga hitad na 'to. Hindi na nga pinapansin, pinipilit parin.

Matalim ang titig na binibigay ko kay Jequn at sa babaeng pilit na sinusubuan s'ya. Alam kong wala s'yang kasalanan pero nagagalit parin ako. Napasulyap s'ya sa gawi ko at biglang nasamid ng makita ang klase ng titig na meron ako. Marahas n'yang tinabig ang kutsarang hawak ng hitad at lumipat ng puwesto. Umupo s'ya sa gitna nila Zachary at Carter.



Pansin ko rin ang pagpipigil tawa ng ibang mighty kings. Bukod sa aming dalawa ni Jequn ay silang apat lang ang may alam sa relasyon namin. At ang mga loko-loko ay mukhang inaasar pa yata kami lalo ni Jequn. Ibat-ibang babae ang sinasama nila na may gusto lahat kay Jequn. Maliban kay Fancy, ay meron pang Summer, Angel, Kacey, at ngayon naman ay narinig kong tinawag nilang Shantal ang babaeng wagas, kung lumambitin kay Jequn. Ugh! Ang sarap pumatay ng malandi!




Ibabagsak ko talaga sa marketing ang apat na mighty kings, 'kala nila!


"Kawawang pork chop, plano mo pa yatang dikdikin at pulbusin. Chill ka lang, bes. Hindi 'yan lalaban." Natatawang sabi ni Darce. Napatingin ako sa plato ko at namilog ang mga mata ko ng makita ang itsura ng pork chop. Mukha na s'yang pork grind.


Napamura ako sa isipan. "Singilin mo nalang kasi mamaya, Icelle. Sa ngayon chill ka lang d'yan. Baka may makahalata. Kanina kapa titig na titig sa kabilang table."


Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at napalunok. Alanganin akong napatingin kay Darce na ngayon ay nakatitig din sa akin. "Paanong.."


Ngumiti s'ya at umiling. "Sa loob ng mahigit kalahating taon nating pagkakaibigan, kilala na kita. Tsaka masyadong obvious sa mga mata mo. Una pa lang, pansin ko na. Isa pa, nandoon ako last time na nagtalo sina Zandro at Ryo."


"Hinintay kong sabihin mo sa akin pero mukhang gusto mo talagang ilihim. I respect that, pero medyo nagtatampo ako. Wala ka yatang tiwala sa akin?"


Nakagat ko ang labi ko at napayuko. Nahihiya ako kay Darce at the same time, nagi-guilty. "Sorry, ah. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin at nahihiya ako." Mahinang sabi ko.


"Ano ka ba? Nagbibiro lang ako. Naiintindihan ko naman. Support ko kayo, basta pag may problema kayo, sabihin n'yo lang sa akin. Malay n'yo makakatulong ako." Nakangiting sabi n'ya. Napangiti din ako. Ang swerte ko para magkaroon ng kaibigan na tulad ni Darce.

"Salamat, Darce."

"Sus! Ikaw pa ba." Aniya at bumungisngis.





"Are you mad?" Kagat labing tanong ni Jequn. Hilaw s'yang ngumisi at sinilip ang mukha ko pero umiwas ako ng tingin.


Ignited Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon