Ignited Fate 7
Napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga habang nagtutupi ng mga damit ko. Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Sobra akong nag-alala kay Jequn pero hindi ko na s'ya nagawang hintayin na magising. Nandoon na rin kasi ang apat na mighty kings. At siguradong magtataka ang nurse sa clinic kapag napansin n'yang halos manginig ako sa pag-aalala.
Sinubukan kong tawagan ang numero ni Jequn ngunit naka-off na ang phone n'ya o baka naman hindi nai-charge. Nag-aalala talaga ako, eh. Hindi ko alam kung magaling na ba s'ya.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga damit ko sa closet ng marinig kong may kumatok sa pintuan ng apartment ko. Nangunot ang noo ko, dahil wala naman akong inaasahang bisita. Sinulyapan ko ang nakasabit na wall clock sa itaas ng mini divider.
Ala siyete pa lang ng umaga.
"Good morning, ma'am." Namilog ang mga mata ko ng makita ang dalawang mighty kings, pagkabukas ko ng pintuan. What on earth these two are doing here? If i am not mistaken, the one with chinky eyes is Hensley. While, the other one who's wearing an eyeglasses is Zachary.
Malawak ang ngiti nila pareho na para bang tuwang-tuwa na nakita ako. Okay, this is weird. Tumikhim ako bago nagsalita. "May kailangan ba kayo?"
"Definitely, yes ma'am." Nakangiting sagot ni Zachary. Bahagya akong napataas ng kilay. Wala naman akong naalala na maaaring pag-usapan namin. "And what is that?"
Mas lalong lumawak ang ngisi ni Hensley. 'Yong tipong may kalokohang naiisip. "Kailangan po kayo ngayon ni Ryo, ma'am. Hindi parin s'ya gumagaling. Choosy ang mokong, ayaw magpadala sa hospital at hindi rin kami marunong mag-alaga ng may sakit. Plus na wala rito sina tita Kaith at tito Lawson dahil nasa convention sa Bohol."
Huh? A-ano daw?
Ni hindi pa nakapagproseso sa utak ko ang sinabi ni Hensly ay kinuha naman ni Zachary ang kamay ko at may nilapag na card. "Kaya kayo na po ang bahala kay Ryo, ma'am. Alam naming aalagaan mo s'ya. Ayan po ang card sa condo n'ya. 14th floor, unit 108."
Napatitig ako sa card at pilit na pinroseso sa utak ang mga sinabi nila. Ang bilis kasi nila magsalita. "W-what?"
"Wag po kayong mag-alala, ma'am. Hindi nangangain ang kaibigan namin, nangangagat lang." Nakangising sabi ni Hensly at kumindat. Tumawa naman si Zachary at nagsalute pa sa akin.
Nang mapansin kong naglalakad na sila palayo ay doon lang ako nakahuma. "Hoy, t-teka! Bakit ako?!"
Sabay silang lumingon sa akin. "Dahil ikaw lang ang papayagan n'yang mag-alaga sa kanya. So pa'no, ma'am? Goodluck ah." Natatawang sabi nila at patakbo ng lumayo. Halos magtulakan pa silang dalawa.
Nang mawala sila sa paningin ko ay napaingos nalang ako at napapadyak. Seryoso ba sila? Ako ang mag-aalaga kay Jequn? Eh, gusto ko na nga 'yong iwasan. Hindi naman problema sa akin ang pagpunta sa condo n'ya, dahil dati pa iyong nasabi ni tita Kaith sa bahay. Hindi ko naman nakakalimutan ang lahat ng tungkol kay Jequn.
Pero teka, hindi pa raw magaling si Jequn at walang nag-aalaga sa kanya. Shit! Sa susunod kana mag-inarte at magdrama, Icelle. Kumaripas ako ng takbo pabalik sa kwarto ko at mabilis na nagbihis. Nagbaon narin ako ng gamot kung sakaling walang gamot doon si Jequn.

BINABASA MO ANG
Ignited Fate (Completed)
Conto"Why does it felts like.. We are asymptotes in math. We can get closer and closer but will never be together..." I sighed and let out a fake smile. "Fate has a cruel sense of humor, don't you think?" Icelle Samonte, sa edad na bente uno ay isa na s'...