IF 12

224 29 15
                                    

Ignited Fate 12

Note: This is a short update and probably the last chapter. Brace your self, guys. Next will be the epilogue.




"Makikiraan sa taong in love." Nakairap na sabi ni Ellis at pabirong binunggo ang balikat ko. Natawa ako sa kanya.

"Iba talaga ang epekto ng love. Blooming na blooming oh." Nakangising sabi ni Harlyn at pinatong ang pisngi n'ya sa nakatukod na kamay sa mesa.

Mula ng malaman nila na nagpropose na sa akin si Jequn ay halos hindi na nila ako tigilan sa pang-aasar.

"Sa sobrang pagmamahal. Halos masaulo kona lahat ng pinagbibilin sa akin ni Ryo. Naging instant driver pa ako." Nakasimangot na sabat ni Jess. Natatawang napailing ako. Paulit-ulit daw kasi s'yang pinaalalahanan ni Jequn na ihatid ako sa tamang oras. 'Wag papagabi at diretso uwi agad. Mag-iingat sa pagmamaneho at kung anu-ano pa.

"Halos hindi ko na talaga makita ni anino ni Ryo. Baka naman sa sobrang pagre-review nun, maging magna-cum laude na." natatawang ani Harlyn.

"Pagsabihan mo nga, Icelle. Hinay-hinay lang kamo."

Halos mahigit dalawang linggo na kasing hindi ako sinusundo ni Ryo. Sa loob ng panahon na iyon ay tatlong beses lang s'ya bumisita sa apartment ko at madalang rin s'yang tumawag o mag-text. Naisip ko nga rin na mukhang napasobra ang pagre-review n'ya pero hinayaan ko nalang. Mas mabuti nga at talagang focus s'ya sa pag-aaral.




Kasalukuyan akong nag-eencode ng income statement for this month ng mag-vibrate ang phone ko sa tabi. Napangiti ako at excited na sinagot iyon ng makitang si Darce ang tumatawag.



"Hey! Ang dalang mo nalang tumawag ah? Kamusta kana?" Bungad ko rito.

"I-Icelle.. Nasaan ka ngayon?" Kumunot ang noo ko ng mapansin na may kakaiba sa boses nito. Parang nanginginig.

"Nasa Gemini's, bakit? May problema ba?"

"Alam mo ba.. Ang nangyayari dito ngayon sa NTU?" Napatayo ako at parang sumikdo ang puso ko sa kaba.

"B-bakit? Anong meron?"

"Pumunta ka dito ngayon, Icelle. Si... Si Ryo."

"W-what?! Anong nangyari kay Jequn?!"

"I don't really know.. But i saw him vomiting a blood. Nagkakagulo ngayon dito sa NTU dahil sa nangyari."


Naibagsak ko ang cellphone ko. Nanginig ako sa kaba at takot. Nanlamig ang buong katawan ko. Parang wala ako sa sarili ng sabihin kong ihatid ako ni Jess sa NTU.

Habang tumatakbo ang kotse ni Jess. Kasama rin namin sina Ellis at Harlyn ay nagsimula na akong umiyak. Naisubsob ko ang mukha ko sa palad ko. Hindi ko alam ang gagawin. Nakakabigla. Para akong wala sa sarili at umiiyak nalang.

Halos kumaripas ako papasok sa entrance ng NTU ng huminto ang kotse ni Jess. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako. Dire-diretso ang takbo ko hanggang sa makarating ako sa restroom ng BA department. Bumagal ang pagtakbo ko at nag-alangan kung tutuloy pa ba. Lalo na ng makita ko ang nagkakagulo at nagkukumpulang mga estudyante at professors.

Kahit nanginginig ay tumuloy ako. Nakisiksik ako at hinawi ang mga tao doon. Nadatnan ko sina Carter at Hensly na nakaharang sa pinto ng restroom upang walang makapasok.


Nang makita nila ako ay tumabi sila para padaanin ako. Nahihirapan akong lumunok. Nanghihina ang buong katawan ko.

Una kong nakita ay si Zachary na palakad-lakad at tulala. Sunod naman ay si Devon na sumisigaw sa kausap nito sa telepono. "Make it faster, damnit! Kapag hindi kayo dumating sa loob ng limang minuto dito ay papatayin ko kayo!"


Napasinghap ako at napatakip sa bibig ng mapansin na nagkalat ang dugo sa puting tiles ng banyo maging sa sink. Bumaba ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader habang nakapikit. Nakapatong ang braso nito sa isang tuhod. Awang ang labi at para bang nahihirapang huminga. Maraming dugo ang puting uniform na suot n'ya.

Para akong tatakasan ng kaluluwa sa nakikita. Bakit? Bakit wala akong alam? Girlfriend n'ya ako! Magkasama kami sa loob ng apat na buwan pero hindi ko manlang napansin. Napakawalang-kwenta ko!

Sunod-sunod na hikbi ang kumawala sa bibig ko. Walang pasabi na bumuhos ang luha ko. Tinakbo ko ang distansya namin at lumuhod ako sa tabi n'ya. "J-Jequn." Nanginginig na sambit ko sa pangalan n'ya. Hindi ko alam kong hahawakan ko ba s'ya.

Unti-unti s'yang dumilat at para akong sinaksak sa puso ng makita ko ang sakit sa mga mata n'ya. Para bang hirap na hirap s'ya. Marahan kong inihilig ang ulo n'ya sa dibdib ko at niyakap s'ya. "Nandito na ako, Jequn. Ano ang masakit? Ano ang nararamdaman mo? Baby nandito na ako." Humagulhol ako at pinaulanan ng malalambing na halik ang mukha n'ya. God please, Save him. Parang awa mona. Kahit ito na po ang una at huling kahilingan ko.


"Jequn please, 'wag mong gawin sa akin 'to. Alam mong mahal na mahal na mahal kita. Wag namang ganito." Pinagsalikop ko ang daliri namin at paulit-ulit na hinalikan ang kamay n'ya.


Umangat ang isang kamay n'ya at pinahid ang luha ko. "I-Icelle, baby.. I'm sorry, naging selfish ako para mahalin ka kahit alam ko namang mangyayari 'to. A-alam kong masasaktan ka pero ginawa ko parin. Gusto lang naman kitang makasama, lumaban ako. I tried really hard, but i think.. I can't fight this anymore, i'm done fighting." Sunod-sunod akong umiling. Hindi ko kayang tanggapin. "I'm sorry, baby. The p-pain is unbearable.. A-ang sakit na.. I can feel it. It's time for me to rest.. I'm really sorry if i can't fulfill my promise anymore. God knows, i.. I don't wanna leave you, but i've already fought hard enough."

"No.. No.. Jequn, wag mong sabihin 'yan. Parating na ang tutulong sayo. 'Wag kang bibitaw parang awa mona." Gusto kong sumigaw at magwala. Hindi ko kaya.

"M-mahal na mahal kita, Icelle.. You made me realize that everyday is such a wonderful gift from God. T-thank you for making me happy even in a short period of time.. Mawala man ako, patuloy parin kitang mamahalin at poprotektahan. I-I'll be beside you always... W-wag kang masyadong umiyak kapag wala na ako.. Hindi kona magagawa pang punasan ang mga luha mo. P-patawad, Queen.. Sa kabilang buhay ko nalang ipagpapatuloy ang pagmamahal ko sayo.."

"No.. Baby, no Jequn, please.. Ano bang pinagsasabi mo?" Hirap na hirap na akong huminga at magsalita. Nang pumikit na ang mga mata n'ya at lumuwag ang pagkakahawak sa kamay ko ay para na rin akong binawian ng buhay.



Bakit? Bakit ang lupit mo sa amin?


Halos hindi kona naintindihan ang sunod na nangyari. Namalayan ko nalang na may nagsidatingan ng mga nurses at isinikay si Jequn sa stretcher bed.











Unedited.

Ignited Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon