Reason no. 1: Smile |
Paano ko nga ba sasabihin? Yung ngiti niya na hindi naman gaanong kahanga-hanga. Hindi naman siya kagwapuhan. Pero kakaiba kasi yung ngiti niya. Ang ganda lang talaga. The way his lips curve upward and eventually turned into a smirk. His smile with a bright teeth—brighter than my future (charot!)
When he smiles, that's when I remember why I fallen in love with him. His smile that brings butterflies—the whole zoo in my stomach. His smile that brightens up my day.
I wonder if I ever see that smile again. Oh wait, I already saw that smile. The same smile I adore. The same smile I've fallen in love with. But, the reason is; I am not the reason of that breathtaking smile anymore.
August, 2014.
Nakapangalumbaba ako sa corridor namin. Nasa third floor kami ngayon. Ang nga kaklase ko ay parang nakawala sa zoo. Mga nag wawala, sumisigaw, nagbabatuhan ng papel, nag tatawanan at mga nag hahabulan. Lunch namin ngayon.
Bumaba ang tingin ko. Nakita ko sa baba ang mga studyante. Masaya silang kasama ang kanilang mga girlfriend at boyfriend. May masaya naman na kasama ang kani-kanilang mga kaibigan.
Napabuntong hininga ako. Hinayaan ko na isayaw ng malamig na hangin ang mahaba kong itim na buhok. Kulot ang mga ito mula roots to tips. May kaonting highlights ng brown pero nakikita kapag nasisinagan ng araw. Ang mga mata ko ay ganoon din, kulay brown. Pero kahit hindi nasisinagawan ng araw ay kulay brown parin.
Napatingin naman ako sa katabing building namin. Building ng mga Seniors. Grade eight lang ako habang ang nasa tabi namin ay mga Grade eleven—Seniors na. Napangiti ako namg makita ang mga crush ko doon.
Nakangisi sila at tumatawa habang may hawak na bola ng basketball. Pinapaikot nila ito sa daliri nila. Nakatutok lang ang tingin ko sa isang lalaki. Crush ko iyon simula elementary pa lang ako. Si Aj.
Tumatawa siya habang may kinukwento sa mga katropa niya. Naputol ang mga iniisip ko nang may umakbay sa akin. Nilingon ko kung sino iyon pero napairap ako. Si June, kaibigan ko. May humawak naman ng braso ko at humilig sa akin. Tumingin naman ako sa kabilang side ko. Si April, kaibigan ko rin. Yup, they're both girls.
"Hay. Grabe ang gwapo nila no? Ang swerte ng mga girlfriend nila." Ngisi ni April.
June gigled. "Oo nga, e! Sana ako nalang ang girlfriend nila."
Umiling nalang ako sa dalawa. Ang hindi nila alam ay palihim akong may gusto sa mga Seniors—kagaya nilang dalawa. Pero hindi kami nag aagawan. Dahil sa sobrang daming gwapo sa Seniors ay maraming pagpipilian ang dalawa. Kaya wala akong kaagaw kay Aj. Well, meron naman. Pero hindi si April saka si June.
Inangat ni June ang hintuturo niya. "Desteen! Tingnan mo si Kuya Ethan!"
Sinundan ko ang hintuturo niya. Hanggang sa tumapat ito sa isang pigura ng lalaki. Nakapangalumbaba rin siya kagaya ko. Nasa corridor din siya gaya ng mga katropa niya. Ang kanyang buhok ay ginugulo ng hangin. Nakatingin siya sa baba, sa mga studyante sa first floor.
Sinundot ni April ang tagiliran ko. "Hoy! Ang ganda ng ngiti niyan, 'no? Kita lahat ng ngipin. Tapos ang laki pa ng ngiti. Ang linis linis pa! Nakakahawa rin. Ang gwapo niya talaga hay."
Humalakhak ako. "Anong gwapo sa kanya? Masyado siyang playboy saka friendly. Kawawa ang magiging girlfriend niyan—"
Tinanggal ni June ang braso niya sa akin. Humalukipkip siya at tinaas ang kilay sa akin.
"Palibhasa ang gusto mo lang ay si Kuya Aj! Fine. We will push you to like Kuya Ethan!" Hamon niya sa akin.
Pumalakpak si April. "Tama tama! Ipagtulakan natin siya kay Kuya Ethan! Siya lang ang natatanging hindi nagwagwapuhan sa baby natin."
Umirap ako. "Oo gwapo siya, okay? Pero ayoko ng personality niya. Yup, captain ball siya sa basketball. Oo lahat ng babae rito ay nahuhumaling sa kanya. Hindi niyo ba napapansin? Gustong gusto niya yung atensyon na nakukuha niya. I-I just hate him—his personality, that's all."
"Oh, Desteen! Ano naman kung ganoon siya? I mean, hindi naman sa sinasabi kong attention seeker siya. Pero deserve niya ang atensyon na nakukuha niya. Saka hindi siya attention seeker! He's just um...friendly." Pagtatanggol ni April.
"Saka kita mo ba yung biceps niya? Geez! Lalo na yung collarbones niya kapag pawisan kapag naglalaro siya ng basketball? Saka balita ko. Kahit pawis niyan ay napaka bango!" Kinikilig na saad ni June.
I shivered. Kahit kailan ay hindi ako aamoy ng pawis! Nakakadiri. Mas manyak pa itong si June kaysa sa mga lalaki, e.
Sumigaw siya at tinawag si Kuya Ethan. What the hell? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko ng malagutan ng hininga. Noong tumama ang mga mata namin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa akin siya nakatingin. Sa akin lang. Parang tumigil ang mundo ko dahil doon.
Pinagpapawisan narin ang kamay ko. Wala akong naririnig. Kumunot ang noo niya sa akin. Hanggang sa hindi ko inaasahan. Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
They're right. Ethan has the most breathtaking smile. It was just that the way he smiled crookedly, half-smiled and half-smirked, the corner of his lips quirking upward with that glint in his eyes...it made me damn crazy!
And everytime he did it. I was torn between wanting to stay or running away to save my heart from beating too rapidly.
— And now I remembered the reason why I had fallen in love the first time.
BINABASA MO ANG
13 Reasons Why
Short StorySadly the red strings were not meant for Desteen and Ethan, but there were thirteen reasons why Ethan was unforgettable. ✿❀✿❀ This is a short story of how Desteen fell for him, and how Ethan let everything fall apart. Enjoy reading!