Reason no. 10: Memories

53 8 0
                                    

Reason no. 10: Memories |

He's good at remembering everything. Especially when it comes to us. How it all started. But sometimes, he forgot the little things he'd done that made me fall in love. It made me feel sad how I was the only one who remembered—detailed by detailed. But really. I didn't mind retelling him our history and slowly falling back in love all over again.

Early March, 2018

"I still remember it, all of it actually." I said, sighing as I leaned my back on the tree behind me.

Sumandal din siya sa puno. Katabi ko parin siya, then he folded one of his legs and brought it up to his chest and rested his hand on his knee. "Remember what?"

Sumulyap ako sa quadrangle ng school. Bigla kong naalala lahat ng mga nangyari dati. Maraming studyante doon na nagtatawanan habang naglalakad. Pero kami ni Ethan ay nagpapahinga muna sa puno dahil lunch naman namin. "Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay lahat."

"Like what?"

"Like...like the first time I bumped into you that day?" Tumawa ako, ngumisi naman siya doon—naaalala narin. "Mainit ang ulo ko non dahil sa ginawa ni April at June sakin. Nung time na 'yon ay may crush naman ako kay Carbine. Tapos pinalapit nilang dalawa si Carbine sakin. Edi syempre naasar ako non. Hanggang sa kasama mo mga katropa mo. Kasama mo rin yung isa ko pang crush na si Kuya Aj—"

Humalakhak siya. "Ang dami mo namang crush!"

I rolled my eyes. "Kaming mga babae normal na yung marami kaming crush. Pero kapag nagmahal kami. Iisa lang talaga ang mahal namin. Well, kahit na may mahal kami. Hindi parin mawawala yung mga crush namin." I chuckled.

"See? I don't get it." He smiled. "Okay, baby. Continue..."

I took a deep breath. "Tapos sinigawan parin kita non. Kahit na ako ang may kasalanan sating dalawa. Pero instead na makipag sigawan ka sakin. Tumawa ka lang at ngumiti sakin. Tinulungan mo pa akong tumayo. Pero anong ginawa ko? I just rolled my eyes on you. I don't know I just hate you...hindi pa tayo nagkakausap talaga non. Hindi pa tayo close."

He laughed. "Yeah. I remember now. Pati yung mukha mo na nakasimangot! Ako rin diba ang unang nag dm sayo sa Twitter diba?"

"Yup. I even have the proof here on my iPad." I said, "Medyo nakakagulat din dahil alam mo ang username ko doon. Private na private kaya ako sa account ko. Medyo ang creepy mo non." Humalakhak ako.

Nanlaki ang mata niya dahil sa gulat. "What? Ang dami nating conversation! Nasave mo 'yon lahat?"

"Yeah, pero hindi naman lahat. Yung mga pinaka nagustuhan ko lang. It's kind of stupid but...I knew someday they'd be important to me." I rolled my eyes to the fact that I was blushing. "Saka natatawa ako kapag binabasa ko."

"Do you remember the first time I told you I loved you?" Ethan questioned softly.

"Aba'y syempre."

"Can you remind me?"

Something hit my chest at the thought of Ethan forgetting something that I would never forget crossed my mind. Pero ngumiti lang ako sa kanya. "Sure. Why not?"

Iginaya niya ako sa balikat niya. Humilig ako doon. Marahan niyang kinuha ang kamay ko at hinawakan iyon. Sinimulan niya uling paglaruan ang mga daliri ko doon. Kinagat ko ang labi ko habang inaalala lahat. Inihilig niya din ang ulo niya sa ulo ko.

Napabuntong hininga ako, "It all started when..."

Last week of December, 2017

"Grabe ang sakit ng tiyan ko sa kabusugan!" Sabay haplos ko sa tiyan ko. Birthday kasi ngayon ni mommy. Inabot narin kami ni Ethan, April, saka ni Kiel ng gabi. Kaming apat ang magkakasama ngayon.

13 Reasons Why Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon