Reason no. 7: Calls |
Naalala ko pa yung unang beses na tumawag ka sakin. You really love to make a phone call, video call, Skype. Gustong gusto mo na palagi tayong magkausap. Gustong gusto mo na nakikita mo ako. Nakakatawa ngang isipin. Para tayong LDR. Kahit na araw araw naman tayong magkasama.
Last week of January, 2017
"You roll your eyes too much when you're jealous, huh?" He chuckled. "Desteen...we're just friends. Okay? Dori is my childhood friend."
Niliko niya ang sasakyan sa aming gate. Hindi ako kumikibo sa kanya. Paano ba naman kasi yung Dori ay grabe makakapit sa kanya. Kinakagat pa siya sa braso niya. Like really? Hindi ko nga kinakagat itong si Ethan tapos siya ay kakagatin niya ang boyfriend ko?
The hell with that woman! I hate her!
Pagkatigil ng sasakyan niya ay agad kong binuksan ang pintuan. Lalabas na sana ako ngunit bumagsak ang likod ko pabalik sa upuan dahil hinila niya ako sa braso.
"Tell me, baby. Are you jealous?" He asked, tumaas na ang kilay niya.
I glared at him. Humalukipkip ako at nag iwas ng tingin. Hindi ko alam kung paano magalit sa kanya. Ito ang unang beses na nagselos ako. Ngumuso ako at napapikit.
"Oo! Nag seselos ako!"
I opened my eyes. Sumulyap ako sa kanya at pinanliitan siya ng tingin. Bumaba ang tingin niya sa aking labi. Napalunok ako dahil doon. He smiled devilishly. Marahan niya akong binitawan.
"I'll call you when I get home. Alright? Let's talk about everything later..."
I licked my lower lip. "Paano kung nandon na naman yung Dori na 'yon sa inyo? Pwede siyang magtago sa camera mamaya!" Nag iwas ako ng tingin.
Humagalpak siya ng tawa. Uminit ang pisngi ko. I pressed my lips together. Ayoko ng magsalita pa ulit. Baka bumigay na ako sa kanya.
"What do you want then, hmmm?" Humilig siya sa aking leeg. "You wanna install a cctv camera to my room?"
Kumunot ang noo ko doon. Sinakop ng isa kong kamay ang mukha niya. Inilayo ko ang mukha niya sa leeg ko. Hinahabol ko ang hininga ko doon. Nakangisi lang siya sa akin. Tila'y natutuwa sa inaasta ko ngayon. Padabog kong isinarado ang pintuan ng sasakyan.
Pero bago ko naisara ang pinto. Narinig ko pa ang pahabol niyang halakhak. Mas lalo lang uminit ang pisngi ko. Nagmartsa ako patungo sa loob ng bahay.
Nakarating ako sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis ng pang tulog ko. Humiga ako sa kama. Ang tanging ilaw sa kwarto ay ang nasa lampshade. May mga stars iyon na umiikot sa ceiling.
I hugged my pillow tightly. Hawak ko ang aking cellphone. I bit my lower lip. Hindi ako makapaniwala na hinihintay ko ang tawag niya.
Galit dapat ako, e. Galit dapat ako!
Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. Sumigaw ako doon at pinakalma ang sarili. Kaya natutuwa si Ethan sa galit-galitan ko ay dahil alam niya na hindi talaga ako marunong magalit.
Halos malaglag ako sa kama nang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong binuksan at tiningnan.
Bebe ko is calling...
Umupo alo sa aking kama at agad na sinagot ang tawag. Then I saw him on my screen. His hair is slightly messy. May kakaonting hibla ng kanyang buhok na nahaharangan ang kanyang mga mata. Naka puting tshirt siya. Humikab siya at ngumiti sa akin. Nakapangalumbaba siya sa kanyang kama. Panigurado ay nakadapa ito.
Pinakita niya ang nasa tabi niya. Unan lamang ang mga nandon. Ipinakita niya ang buong kwarto niya at walang ibang tao kundi siya lang.
"No one's behind the camera. Don't worry..." Humalakhak siya ulit.
Dumapa narin ako at hindi kumikibo. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kailangan galit ako. Okay?
"Don't fool me, Ethan! Baka nasa ibang kwarto o nasa ilalim ng kama mo..."
Mas lalo lamang siyang tumawa doon. "Wala nga! Mag isa ako sa kwarto ko ngayon."
"Nasaan si Dori?" I asked.
Kita ko ang pagpungay ng mga mata niya. He licked his lower lip and bit it. Napabuntong hininga nalang ako at pinagmasdan siya.
"Nandito siya kahapon dahil galing siyang Manila. It's been years since the last time we reunited. Pero hindi siya dito natutulog. Ikaw lang ang papatulugin ko dito..." He chuckled. "Seriously, baby. I'm all alone..."
I rolled my eyes. "Fine! I'm sorry! Paano naman kasi hinayaan mo siyang kagatin ka niya. Hindi nga kita kinakagat tapos siya makakakagat sayo—"
"Hey...Stop thinking about her. Kinakabahan ako baka magka virus ako." He laughed. "You know what? You're so adorable when jealous. I love you so damn much, Desteen. And I don't have any choice to replace you. I will never hurt you, remember that. Stop thinking about Dori." Malambing niyang sabi sa akin.
Hanggang sa napangiti na lamang ako. "I love you too, Ethan. I'm just scared. Baka biglang marealize mo na mas mahal mo pala siya—"
Pinaglaruan niya ang labi niya. Ngumiti siya at pinilig ang kanyang ulo.
"Desteen, listen to me. I don't know how much I love you. But I know that it is a lot. I don't want to ever lose you. You can be mad and yell at me all you want. You can even bite me." He chuckled, ngumuso siya. "But don't ever think of leaving me. I want to be with you forever. You're so amazing. Desteen, I will always love you. Only you."
Lalo pang uminit ang pisngi ko. Pansin ko rin ang pamumula ng kanyang pisngi. Pero wala siyang pakealam. Kita ko ang pagka sincere niya sa sinabi niya.
"You will never lose me, Ethan. And I will never leave your side. I love you to the moon and back." I giggled. Hoping I could hug him right now and kiss him!
"You okay now?" He asked me hesitantly. Feeling a bit guilty.
I laughed. "Yeah, matulog na tayo. Good night!"
He smiled widely. "Good night, Desteen."
— I'm not mad at you. For telling me that sweet words to me that night. I'm just mad at myself for how things turned out.
BINABASA MO ANG
13 Reasons Why
Short StorySadly the red strings were not meant for Desteen and Ethan, but there were thirteen reasons why Ethan was unforgettable. ✿❀✿❀ This is a short story of how Desteen fell for him, and how Ethan let everything fall apart. Enjoy reading!