Reason no. 6: Sweatshirt

54 9 0
                                    

Reason no. 6: Sweatshirt |

Naalala ko dati. Palagi mong ipinapasuot sakin yung sweatshirt mo. Minsan, tshirt mo, Nike slippers, Nike socks na pambasketball mo, ballcap mo, halos lahat ng gamit mo ay ipinapasuot mo sakin.

Pero alam mo na ang pinaka nagustuhan ko? Iyong sweatshirt mo. I just love wearing it and sniff your scent. Ang laki pa ng sweatshirt mo sa akin. Tuwang tuwa ka pa dahil nagmumukha akong bata doon.

January, 2017

Kinagat ko ang labi ko at niyakap ang sarili. Kahit hindi umuulan ay ang lamig parin. Bakit ba kasi nakalimutan kong magdala ng jacket? I tightened the shirt around my body, shivering slightly.

Iginala ko ang tingin sa paligid. Mukhang tapos na ang game. Finally, he walked away from the crowd—towards me.

"Hey." He sighed. Umupo siya sa tabi ko. Nasa bench kami ngayong dalawa. He tightened the grip of his sweatshirt.

"Hi." I said back. Pinilit kong tanggalin ang lamig sa akin pero hindi ko kaya. "How's the game? You tired?"

Hindi siya sumagot. Sumulyap ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya at biglang tumayo sa harapan ko. Pinilig ko ang ulo ko. "Anong gagawin mo?" I asked.

Umiling siya at hinubad ang sweatshirt niya. Pinagpag niya ito at inilahad sa akin. He smiled. "Wear this. I don't want you to catch some cold."

Napaawang ang labi ko. "P-Pero...Paano ka? Malalamigan ka." Sa sobrang panginginig ko sa lamig. Pati ang pananalita ko ay ganoon narin.

He laughed. "Desteen. You don't have to worry about me, alright?" Inilapit niya sa akin ang sweatshirt niya. "Itaas mo ang braso mo. Ako na magsusuot sayo."

Tumango ako at sinunod ang gusto niya. Tinaas ko ang braso ko at marahan niyang idinausdos ang sweatshirt sa akin. Hanggang sa nagawa nga niyang isuot sakin iyon. Napangiti ako dahil papaano ay nawala ang lamig sa akin. Pero hindi nawala ang pag aalala ko sa kanya.

"Ethan. Ayos lang naman sakin—"

He pressed his finger to my lips. "It's okay. Saka malaki ang katawan ko. Kaya ayos lang sakin ang malamigan. Basta 'wag lang ikaw ang magkasakit."

Namula ang pisngi ko at hindi malaman kung saan titingin. Nakakainis kasi ang lalaking ito! Walang araw na hindi niya ako napapakilig.

Tumabi siya ulit sa akin. Humilig siya sa balikat ko at hinapit ang baywang ko sa kanya. Ang isa niyang kamay ay pinaglalaruan ang daliri ko.

He sighed. "Sorry we didn't win the game. I'm sorry if I disappointed you. I mean, I know you don't really love sports. But, you still watched my game—"

"Ayos lang 'yon, Ethan. Saka wala kang kasalanan, okay? Hindi mo ako nadisappoint. Ang galing mo kaya kanina. You know, failures will make you stronger. May iba pang chance. Cheer up!" Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

He chuckled, shaking his head. "Thank you, Desteen. I just...I didn't expect that they're strong."

"Malakas ka rin naman." Panunuya ko sa kanya. "Kaso nga lang ay mas malakas sila sayo."

We stood up and held out my hand to him. He stared at it for a moment before returning his gaze to my eyes and grinned as he tool my hand. Pinagsiklop niya iyon at tumayo narin siya. Dahil malaki ang sweatshirt niya sa akin. Naipapasok niya rin ang kamay niya sa braso ng sweatshirt.

We walked side by side. But as much as he tried to hide it. Naramdaman kong hindi tama ang paglalakad niya.

"Anong problema?" Tanong ko, napatigil sa paglalakad.

Mabilis siyang umiling. "Wala lang, Desteen. Let's just keep walking baka magkasipon ka pa." Humalakhak siya.

Binalewala ko iyon. "Ano nga kasi? May nasakit ba sayo? Nasaan?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"It's nothing. Habang nag d-dribble ako ay may nakasipa ng binti ko. Pero ayos lang sanay na ako doon."

Kumunot ang noo ko at humalukipkip. "That's not an excuse! Let me see, Ethan. Saka anong ayos lang? Hindi ayos 'yon."

Umiling lang siya. Ayaw na ipakita sa akin. Hanggang sa pinanliitan ko siya ng tingin. Napabuntong hininga siya at tinuro ang kanan niyang binti. Yumuko siya ay ibinaba ang kanyang medyas.

Dahan dahan kong hinawakan ang pasa niya doon. Marahan lang ang ginagawa ko. Natatakot ako na baka masaktan ko siya doon. "Does it hurt?"

"A bit..." He whispered huskily.

"Ngayon mismo? Habang hinahawakan ko?" Tanong ko. Inalis ko ang daliri ko doon sa pasa niya.

Napansin ko ang pagkadisappoint niya doon. "No, no, no. It's fine. Hindi masyadong masakit. I'm alright."

Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan. Mabilis niya akong inakbayan at hinapit palapit sa kanya. Siguro ay giniginaw narin dahil wala siyang jacket o sweatshirt.

Kahit na naglalakad na ulit kami ay hindi ko parin maalis sa utak ko. Nag aalala parin ako sa kanya. Hindi ko naman pwedeng patigilin siya sa paglalaro niya. Dahil hindi pa kami magkakilala ay iyon na ang nagpapasaya sa kanya. Pero nag aalala lang talaga ako. Sinabi niya narin kanina na sanay na siya. Ibig sabihin ay nararanasan niya iyon dati pa.

Tumingala ako at tinitigan siya. Mas matangkad siya sa akin dahil hanggang dibdib niya lang ako. Bumaba ang tingin niya sa akin.

"What is it, baby?" He asked. Pumungay ang mga mata niya at inilagay ang takas kong buhok sa likod ng aking tainga.

I smiled. "Come here."

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Kinagat ko ang labi ko at hinawakan ang kanyang pisngi ng dalawa kong kamay. Hinanap ko ang mga mata niya. Bumilis ang kabog ng puso ko. Nasilayan ko na naman ng ganitong kalapit ang mga mata niya.

"I love you!" Parang bata kong sabi sa kanya. "I love you! I love you!"

He smirked and licked his lower lip. "I love you so much, Desteen."

I brushed the tip of my nose to his. Parehas kaming nakapikit habang ginagawa ko iyon. I giggled and hugged him tightly. He wrapped his arms to my body—pulling me closer to him.

— Parang dati ako lang ang nagsusuot ng mga gamit mo. Pero ngayon iba na, ang bilis ng panahon. Parang magkasama lang tayong dalawa kahapon. Tapos ngayon ay iba na ang kasama mo. Masyadong mabilis...

13 Reasons Why Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon