Reason no. 9: Dreams

43 8 0
                                    

Reason no. 9: Dreams |

He had his dreams—the vision of his future spread out widely before his eyes. He was so into it, so determined, so passionate about it—he really is committed to his dreams. I adored him so much for it.

Early September, 2016

"What do you want to be when you grow up?"

Hindi siya agad nakasagot. Siguro ay napaisip siya kung ano ang mga plano niya sa future. Nakadapa ako kanina pero humilata rin ako habang hinihintay ang sagot niya. Napatitig ako sa kisame na may mga glow in the dark na stars. Kakauwi ko lang galing school. Pagkatapos kong mag bihis mula sa aking school uniform. Agad niya akong tinawagan like we usually do everyday.

He's a good friend after all.

"Ano? Ang tagal mong sumagot." I laughed. Tinanong ko siya ulit dahil halos dalawang minuto na ang nakalipas.

"Hmmm. Iniisip ko pa masyadong marami, e." Pabulong niyang sabi with a light chuckle at the end of his sentence.

"Ano ba 'yan! Napaka dali lang naman ng tanong ko. What do you want to be! Your dreams? Mga wish mong maging?"

"To marry you." He whispered huskily. Kahit na nasa kabilang linya siya ay alam kong nakangiti siya ngayon. "Well, that's one of them."

"Ethan." May halong panunuya iyon. "Kung ako ang tatanungin? Gusto kong maging Architect. Tapos idedesenyo ko yung magiging bahay namin ni mommy. I want to be a successful Architect—hindi lang basta Architect. And travel the world!"

Kung magkasama lang kami ngayon. Alam kong makikita ko ang saya sa mukha niya. Dahil sa pangarap ko. "I'm sure you'll be a successful Architect, Desteen."

"Alam ko na 'yon matagal na." May halong biro kong sabi and then laughed. "Ikaw naman. What do you want to be?"

There was another silence until. "An international athlete in basketball. An Engineer, you know; I just love Mathematics." Napangiwi ako doon, he continued. "Travel the world just like you. I can't leave basketball. It makes me happy, Desteen. Hearing the crowd's screams, winning the game, holding the ball...It's wonderful. It's what I want to do for the rest of my life."

Wala akong alam sa basketball sa totoo lang. Basta ang alam ko lang ay magkalaban ang dalawang teams doon. Kailangan ipasok ang bola sa ring para sa puntos. That's it. Kaya halos hindi ko maintindihan yung part na tungkol sa basketball. Hindi ako makarelate. Saka napangiwi ako dahil siya lang ang natatanging gusto ang Mathematics. Kahit na gusto kong maging Architect. Kahit na mataas ang grade ko doon. Ayaw na ayaw ko parin ang subject na iyon. Nakakadugo ng utak!

Kinuwento niya sakin yung mga players sa basketball na idol niya. Napapapikit na lamang ako habang sinasabi niya ang mga pangalan. Bigla akong inantok sa dami. I just hummed letting hik know that I was listening. Yup, nakikinig ako yun nga lang ay hindi ko maintindihan.

"Gusto ko pa sanang magkwento pa ng mas madami. Pero alam kong hindi mo maintindihan. Ang maging isang basketball player is my biggest dream. Being a good in basketball runs in our blood, Desteen." He proudly said.

Oo tama siya. Kasi kung hindi naman siya magaling maglaro. Hindi siya magiging captain ball. Saka palaging panalo ang laro nila palagi. Nakikibalita lang ako at naririnig ko lang sa school. Hindi ko kasi talaga pinapanood yung laro nila.

I giggled. "Okay, okay! Oo na ikaw na ang magaling..." I smiled. "Ethan, I hope your dreams will come true."

"Thanks, Desteen. I hope your dreams will come true, too."

A successful Engineer and Achitect sounds like a pair. Parehas kaming magaling sa Math. Pinagkaiba lang ay favorite niya iyon. Ako naman ay hate na hate ko.

"Hoy!" Sigaw ko.

"Hmmm?"

"Ethan!"

He chuckled. "Yeah?"

"Pwede ba akong sumama minsan sayo kapag maglalaro kayo sa ibang school? Kahit isang beses lang." Kinagat ko ang labi ko. Nag dadasal na sana ay pumayag siya. Panigurado ay nagulat siya ngayon dahil alam niya rin na ayoko ng sports. Pero manonood ako ng laro niya one day.

He paused in disbelief. Hindi makapaniwala na tinatanong ko ang bagay na iyon sa kanya. "Syempre! Pwedeng pwede!" He replied, dinig ko ang excitement doon. "Ang huli naming laro ay sa January pa. Sunduin kita d'yan?"

"Okay, okay." I laughed. "I'll watch your game. I'll be the one who screams the loudest in the crowd!"

"Awesome! Hindi na ako tulo'y makapag hintay." I smiled to myself, enjoying the sound of joy in him.

"Yup, ako rin. I can't wait to watch your game and scream your name." Tumawa ako. Humikab ako. "I'm already sleepy. Can we sleep now?"

"Good night, Desteen. See you tomorrow." He said softly.

Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko at napangiti ng wala sa sarili. "Good night, Ethan. See you!"

And because of that, that's the biggest thing reason why I fell in love with him. It was because of his dreams.

13 Reasons Why Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon