Reason no. 2: Eyes

102 11 0
                                    

Reason no. 2: Eyes |

Akala ko...Akala ko ang mga ngiti niya lang ang makakapagpahulog sakin sa kanya ng sobra. Ngunit nagkamali ako. Ito parin ang iba pang rason kung bakit ako nahulog sa kanya. Ang mga mata niya. There was just something behind his eyes that got me wondering. It was the way they seemed to twinkle like a star when he smiled. Either way, I found that pair of two brown stars my favorite.

But sadly, those eyes aren't made for me. It was made for someone else. I remember the way you looked at her. I knew then, that you truly love her. Because that's the way you look at me before. I see nothing in your eyes. No sign that you loves me. But then I realize, we were never really meant to be.

January, 2017

Mariin kong binabasa ang libro na nasa kamay ko ngayon. Medyo maingay ngayon ang Library. Dahil Intrams ngayon! May iilan kasi dito sa loob ay mga maglalaro ng Chess. Sa loob lang din iyon ng Library pero may harang kaya hindi sila nagugulo ng mga iba pang studyante.

Pero hindi naman gaanong kaingay. Walang sumisigaw o naghahabulan. Normal lang na ingay, ingay na nang gagaling sa mga mararahan na pag uusap. Walang Librarian ngayon dahil may kalayaan kami ngayong gawin ang kahit na ano.

Kakatapos ko lang maglaro ng Table Tennis. Championship narin ang susunod kong lalaruin. Medyo hindi naman ako kinakabahan dahil matagal na iyon ang nilalaro ko. Dalawa ang events ko, Table Tennis saka Badminton. Tapos narin ako sa Badminton. Kaya ako tumatambay sa Library ngayon ay dahil may aircon dito. Sa labas kasi ay sobrang init dahil tanghaling tapat.

May mga naglalaro rin sa quadrangle—Volleyball naman doon. Habang sa Gym sa baba ay Basketball.

Hinihintay ko nalang na matapos si Ethan sa Chess niya. Napabuntong hininga ako habang binabasa ang bawat talata sa libro. Hanggang sa may nagtakip ng mata ko. Nagpanic ako at agad na hinawakan ang dalawang pares na kamay na nasa aking mga mata.

"Sino 'to? Tanggalin mo itong kamay mo!" Hinahawi ko ang kamay niya.

Nakasimangot na ako dahil hindi siya sumagot. Nagpasya akong hulaan kung sino ito. Pinagapang ko ang kamay ko mula sa kanyang kamay hanggang sa kanyang pulso. Nakapa ko agad ang relo niya. Sa kabilang kamay naman ay nakapa ko ang bracelet niya na parang rosary.

Napangisi ako, kilala ko na kung sino ito.

"Ethan!" I giggled like a kid, "Ethan!"

Humalakhak siya at tinanggal ang kamay sa akin. "You got me there."

Tumingala ako at nakita siya. Nakangiti siya sa akin at hinigit ang upuan patungo sa harapan ko. Naamoy ko agad halimuyak niyang bango. Dalawa rin ang events niya, Basketball saka Chess.

Kita ko agad ang pagod sa kanya. Pawisan siya sa kanyang noo. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan iyon. Marahan siyang tumawa at hinawakan ang kamay ko. Iginaya niya ito sa kanyang dibdib.

"Desteen, masyado akong napagod. Kamusta laro mo? Panalo kaba? Championship ako sa dalawa. Sa Chess saka Basketball." Hinihingal niyang sabi.

Lumaki ang ngisi ko. "Championship din ako sa Badminton at sa Table Tennis!"

Inilapit niya ang upuan sa harapan ko lalo. Ang kamay ko ay iginaya niya sa pag pupunas sa kanyang noo. Uminit ang pisngi ko doon. Kahit na kami na ay hindi ko kaya na hindi namumula sa mga ginagawa niya. Sobrang sweet, caring at thoughtful niya lang talaga.

"Yan ang girlfriend ko." He smiled widely. Napabuntong hininga siya, "Matutulog muna ako. Sobrang pagod ko, magkasunod kasi ang laro ko ngayon."

"Okay. Saan ka matutulog?" I licked my lower lip, "Gisingin nalang kita kapag Championship mo na."

Tumayo siya at hinalikan ang kamay ko. Lalong pumula ang pisngi ko. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Tumawa siya doon. Nakakainis talaga ang lalaking ito! Papakiligin ako tapos kapag kinilig ako ay tatawanan niya ako.

"You're so adorable when you're blushing." Humalakhak siya, inangat niya ang baba ko. "You don't have to be shy, okay? I'm doing it on purpose. Gusto ko lang talagang makita ang mapula mong pisngi. Mga pag iwas mo ng tingin kapag kinikilig ka. Nabubuo ang araw ko, Desteen." Ngumiti siya.

Ngumiwi ako at tinulak siya. "Stop it! Matulog kana lang. Nakakainis ka!"

Humakbang na siya patungo sa bawat shelves ng mga libro. Pinagpag niya ang sahig at kumuha ng mga apat na libro at pinagpatong-patong. Ginawa niya itong unan. Humiga na siya doon at ipinikit ang mga mata.

Napangiti ako. Kahit na sobrang pagod siya ay hindi niya parin nakalimutan na pasayahin ako. Ibinalik ko ulit ang tingin sa libro. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Hanggang sa nag daan ang thirty minutes. Championship na niya sa Basketball. Kailangan ko na ulit siyang gisingin.

Tumayo ako at inilapag ang libro sa lamesa. Huminga ako ng malalim at humakbang palapit sa kanya.

Umupo ako sa tabi niya. I was about to wake him up. Pero natigilan ako. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Ngayon mas nalalaman ko pa lalo kung bakit siya pinagkakagaluhan ng mga babae. Maswerte lang ako dahil ako ang napili niya.

Mula sa kanyang matangos na ilong, mapulang labi at kita mo agad ang lambot nito. Ang kanyang mahabang pilik mata na lalong nadedepina ang kanyang mga mata. Ang kilay niya na laging nakakunot kapag seryoso.

Hindi ko alam ang kung ano ang gumapang sakin. Pero nakita ko nalang ang sarili ko na bahagyang hinahawi ang kakaunting hibla ng kanyang buhok. Nakaharang kasi iyon sa nakapikit niyang mga mata. Habang ginagawa ko ito ay napapangiti ako. Nababaliw na yata ako.

Ang aking daliri ay pinasadahan ang bawat detalye ng kanyang mukha. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag tawa o makagawa ng ingay. Gusto ko munang namnamin ang oras na ito. Gusto ko pang pagmasdan ang maamo niyang mukha. Hindi gaya na kapag gising na siya ay mukha siyang innocent devil.

Inilapit ko ang labi ko sa kanyang tainga. And then I whispered softly. "I love you."

Inimulat na niya ang mga mata niya. I just saw the most beautiful pair of eyes in front of me. Dazzling pair of brown eyes are now staring back at me. Mapupungay parin ang mga ito. Nakakalasing ang mga titig niya.

Mabilisan niyang hinalikan ang tungki ng aking ilong. Tumaas pa ito sa aking noo. Natigilan ako sa mabilisan niyang galaw. Hindi ako makapag salita. Nasa loob kami ng Library for Pete's sake! Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Naramdaman ko na naman ang mga paru-paro sa aking tiyan.

Dahil sa pag pula ulit ng aking pisngi ay mabilisan akong nag iwas ng tingin. I couldn't see him but I swear I could feel him blush as well. And the corner of my eyes caught his smirk as he leaned closer to me and said between his amused or laughter.

"I love you too."

Dumampi ang tungki ng kanyang ilong sa aking pisngi. Napangiti ako ng wala sa sarili at hindi parin magawang tumingin sa kanya.

I know from the very start, the moment he opened his eyes to me. I'm captured, he given me another reason why I fell in love with him.

13 Reasons Why Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon