Reason no. 12: Hate |
Bakit nga ba ako nagkagusto sa kanya? Kahit na una naming kita ay sobra na ang galit ko sa kanya. Well, sa Chapter 1. Inasar ako at pinagtulakan sa taong pinaka ayaw ko—si Ethan. Sa Chapter na ito. Aalalahanin ko kung saan at paano ko siya unang nakita at kung bakit ako galit na galit sa kanya.
June, 2016
Hawak ko ang schedule ko para sa bagong school na ito. Damn it! Bakit ba kasi ako palipat-lipat ng school? Natigilan ako sa paghahanap ng classroom ko. Tumunog ang bell. Pansin ko ang mabilisan na pagtakbo ng mga studyante sa kani-kanilang lockers and heading towards their classes.
Darn it! Male-late pa ako sa first day! I still have no idea where my classroom for this subject is.
Wala talaga akong pakealam sa paligid ngayon. Until, I notice a group of teenage boys walking in my direction. Kumunot ang noo ko. Kung makapag lakad sila ay parang sila ang may ari nung school. Sakop nila yung buong hallway!
Umiling na lang ako at binalik ang tingin sa schedule ko. Hanggang sa napabangga ako sa dingding. Nabitawan ko ang bag ko pati ang mga laman non. Napangiwi ako nang tumama ang pang-upo ko sa sahig.
Pinanlisikan ko ng tingin yung inosenteng dingding. Paharang harang kasi!
Tangang dingding!
Iginala ko ang tingin sa paligid. Tumaas ang kilay ko na makitang tumatawa ang mga studyante sa pagkakabunggo ko. Agad kong pinulot ang mga gamit ko. Inilagay ko iyon sa bag ko before quickly turning around.
Wala pang ilang segundo. History repeats itself as I collide again with something hard. Pero tao syempre kahit na matigas...matigas ang dibdib! Nalaglag ulit ang schedule ko sa sahig.
"Tingnan mo yung dinadaanan mo. Hindi mo ba nakikitang naglalakad ako dito?" Mariin na sigaw sa akin.
Tumingala ako at nakita ang isang gwapong lalaki. Napalunok ako dahil sa mga public na napasukan ko ay walang ganitong kagwapo. Isa siya sa kasama ng mga teenage boys kanina na sinakop yung hallway. Matangkad may pitch black na buhok with broad shoulders and a scowl plastered on his face.
Pero una sa lahat. Hindi ko na nagustuhan yung ugali niya. Saka hindi ko kasalanan kung nabunggo siya. Like what the hell? Kung nakita niya ako sa harapan niya ay umiwas siya. Saka bakit ba kasi nag hiwa-hiwalay sila ng katropa niya sa hallway? Kanila ba yung school? Ha? Ha? Kanila? Nakakatuwa yun?
"Sorry ha?" I sarcastically said. Pinulot ko ulit yung schedule ko.
"Bulag kaba? Hindi mo nakita na may tao na dadaan dito?" Umigting ang kanyang panga.
"Bago lang kasi ako dito. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta." I rolled my eyes. "Alam mo ba kung anong classroom yung 8A?"
Kinain ko na lahat ng kahihiyan. Kinapalan ko na mukha ko. Ayoko talagang malate lalo na yung introduce yourself. Paulit-ulit nalang sa bawat first day may ganoon. Saka medyo nagustuhan ko rin titigan pa ang perpekto niyang mukha bago ako umalis sa harapan niya.
"Bago ka dito pero hindi ka bulag. Wag kang gumawa ng excuses mo. Umalis kana nga muna sa harapan ko habang hindi pa nag iinit ang ulo ko." Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok.
"You have a problem with me?" Tanong ko. Medyo naiinis na sa lumalabas sa bibig niya. Binabawi ko na yung sinabi ko. Hindi na siya gwapo!
"I might," Humalukipkip siya.
I stared at him, nag iinit na talaga dugo ko. "Okay. Listen here, kid—"
Humalakhak siya. "Me? Kid? You barely passed my chin."
BINABASA MO ANG
13 Reasons Why
Historia CortaSadly the red strings were not meant for Desteen and Ethan, but there were thirteen reasons why Ethan was unforgettable. ✿❀✿❀ This is a short story of how Desteen fell for him, and how Ethan let everything fall apart. Enjoy reading!