Reason no. 5: Arms

56 8 0
                                    

Reason no. 5: Arms |

I still remember that night. The sky was dark and raining. The sky is crying, just like me that night. And then, you came along. You put your arms around me and you hugged me tightly. I buried my face and cried on your chest. You made me feel safe and secure, that also made me feel warm on the outside and inside.

In just wrapping your arms to my body. You reminded me that everything will be okay.

Naalala ko pa nung gabing iyon. Noong paalis kana—pauwi kana ay niyakap mo ulit ako ng mahigpit. Pero bakit nung umalis ka ulit, bakit hindi mo ko niyakap? Bakit? Yung alis mong iyon ay 'yun bang wala ng balikan. Sana ay niyakap mo manlang ako ulit. Kahit...Kahit hindi na ako.

Second week of December, 2017

Naulan ngayong gabi. Nakisama ang langit sa akin. Patuloy na lumalandas ang luha sa aking pisngi. Hawak ko ng mahigpit ang payong ko. Tumakbo ako kahit na umuulan. Hanggang sa nakita ko si Ethan hindi kalayuan sa bahay namin. Wala siyang payong at basang-basa siya ng ulan.

I gritted my teeth because of my sudden anger. Bakit wala siyang dalang payong? Pumunta siya biglaan dito para i-comfort ako sa problema ko. Isang sabi ko lang sa kanya na hindi ako ayos. Hindi na siya nagdalawang isip at pumunta para sakin.

Ang kanyang buhok ay natatakpan ang kanyang mata. Nakakunot ang kilay niya at mukhang seryoso. Blanko ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Bumakat ang kanyang muscles sa kanyang tshirt. Basang basa siya!

Nang nakalapit na ako sa kanya agad ko siyang sinalo ng payong. Hinawakan niya yung payong para siya ang mag dala. Nagkatinginan kami kita ko agad doon ang pag aalala niya para sa akin. Ngumiti ako sa kanya para sabihing ayos na ako dahil nasa harapan ko na siya. Parang biglang nawala sa paningin ko yung mga taong napapadaan sa amin. Para bang kaming dalawa lang ang nasa mundo.

Nakakatakot dahil mukhang nahuhulog na ako sa kanya.

I was about to open my mouth. Pero wala siyang pasabing niyakap ako ng mahigpit. Nanlaki ang mga mata ko doon. Tumama ako sa kanyang dibdib. Hanggang sa lalo akong naiyak.

Hinaplos niya ang buhok ko. "I'm here, I'm here. Everything will be alright." Malambing niyang sabi sa akin.

"My dog just died, Ethan! Iniwan na niya ako." Patuloy kong pag hikbi sa kanyang dibdib.

"Shhh." Hinalikan niya ang ulo ko. "Ayaw ni Lucho na umiiyak ka."

"Lucho just died, Ethan! Hindi ko yata makakaya." Tumataas baba ang balikat ko dahil sa pag hikbi ko. "Wag mo kong iiwanan, ha? I'm a bad owner! Hinayaan ko siyang—"

"No, Desteen. You're not a bad owner, okay? It's not your fault. Lucho will be happy if you'll stop crying. Nasa heaven na siya ngayon. Stop worrying about him. Saka sino may sabing iiwanan kita?" Patuloy niyang pag bulong sa akin.

Hindi rin nagtagal ay gumaan ang pakiramdam ko. Humaba pa ang usapan naming dalawa. Kahit na nakatayo kami sa gitna ng ulan. Magkasalo sa iisang payong. Nakangiti lanh kami habang nagkwe-kwentuhan.

He never fail to make me feel better.

Ngumiti siya at pasimpleng hinawakan ang daliri ko. Gaya ng dati ang lambot ng kamay niya. Naalala ko na naman ang una naming paghawak ng kamay noong birthday ko sa Amusement Park. Napangiti ako hindi dahil naalala ko parin. Kundi dahil iyon ang unang may nakahawak ng kamay ko. That's the best day that happend to me so far. 

"Bading ka talaga kahit kailan," Tumawa siya, "Hawak ko na naman ang kamay mo." Dahan-dahan niyang hinawakan ang buo kong kamay.

Napatawa ako hawak niya muli ang kamay ko. Sumulyap siya sa kamay naming hinahawakan niya. Marahan niya itong pinagsiklop. Nang pinagsiklop niya na ay ibinalik na niya ulit ang tingin sa akin. Wala akong nagawa kundi ang mapangiti na lamang. He smiled back at me too. Naramdaman ko na naman ang kiliti sa aking tiyan.

Ano ba ang nakakakiliting bagay na iyon? Sa kanya ko lang talaga nararamdaman iyon.

"Ikaw nga naka una dyan humawak nung nasa Amusement Park tayo." Halakhak ko sa kanya.

Napangiti siya at biglang napaiwas ng tingin. Napansin ko ang biglang pagpula ng kanyang pisngi. Namamalik mata lang ba ako? Pumula ang kanyang pisngi. Malinaw na malinaw sa akin iyon.

Did Ethan Suarez just blushed in front of me?

I want to be in your arms again. Where you hold me tight and never let me go. And go back to the beginning and start all over again. Is it possible?

13 Reasons Why Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon