Reason no. 3: Hands

73 9 0
                                    

Reason no. 3: Hands |

Have you ever had a one person where your hands just seem to fit perfectly like puzzle pieces—made for each other. And you just feel, you're the luckiest person in the entire world.

Well...I have.

I trailed my fingertips on his hands, I memorized every line, curve, indent and spiral. I have seen many pairs of hands. But none as warm, and soft as yours.

Nakakatuwa ngang isipin. Kung anong ikinagaspang ng kamay ko. Ay iyon naman ang ikinalambot ng kamay mo. Ang ganda ng kamay mo—ang sarap hawakan.

December, 2016

Dinig na dinig ko ang hiyawan at irit sa paligid. Nasa Amusement Park kami ni Ethan ngayon. Magkaibigan kami ni Ethan. Hindi ko aakalain na magiging magkaibigan kami. Para kasing kahapon lang ay naiinis ako sa ugali niya. Pero hanggang sa nakilala ko na siya ay mabait pala talaga siya.

Birthday ko kasi ngayon. Nagkahiwa-hiwalay kami ng mga iba pa naming kasama. Gabi narin ngayon. Medyo pagod na ang katawan namin dahil lahat ng rides ay nasakyan na namin. Ay mali, may isa nalang kaming hindi nasasakyan.

Ang rollercoaster.

Nag punta na kaming dalawa sa rollercoaster. Kahit kaming dalawa nalang ang magkasama. Pansin ko ang takot sa kanya. Pero ang sabi niya naman sakin ay kakayanin daw niya.

Nakapila parin kaming dalawa. Pinapaikot niya ang bimpo niya sa likod ko para makalikha ng hangin. Epektibo naman dahil lamig. May napansin ako ngayong araw. Kanina pa niya ko pinapaypayan ng bimpo niya. Namula ang pisngi ko habang iniisip ulit ang mga nangyari kanina.

Naputol ang mga iniisip ko nang humilig siya sa balikat ko. Natigilan ako doon at hindi malaman ang gagawin.

"Kinakabahan na ako..." Bulong niya sakin.

"Wag ka kasing kabahan. Hindi nakakatakot yan, promise." Sabi ko.

Nilagay niya ulit yung kamay niya sa likod ko at sa braso ko para alalayan ako mag lakad. Lahat na naman ng nakapila ay nakatingin sa amin. Nag bubulungan habang nakangisi. Napailing ako sa kanila, kung alam niyo lang. Magkaibigan lang kami nitong si Ethan saka napaka imposible para magustuhan niya ko.

Hindi rin nagtagal ay naubos narin ang nakapila. Sumakay na kami sa pwesto namin. Pansin ko ang butil ng pawis sa kanyang noo. Ang sabi niya sakin ay unang beses niyang sumakay sa mga ganitong rides.

Inayos na namin ang seatbelt naming dalawa. Nagsimula naring umandar ang ride. Dahan-dahan palang kaming itinataas sa tuktok. Sumulyap ako sa kanya. Baka nahimatay na itong kasama ko.

"Wag kang matakot..." Bulong ko sa kanya.

Sumulyap din siya sa akin ng nakangiti at hinawakan kamay ko, "Hindi na ako natatakot..."

Nagkatitigan lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung mag iiwas ako ng tingin. Pero basta ang alam ko. Kailangan kong namnamin ang moment na ito. Sa sobrang tagal ng titigan namin ay saka lang namin naramdaman ang biglang bilis ng ride. Naputol ang titigan namin at napalitan ng hiyaw.

"Fuck! Fuck! Fuck!" Sunod sunod niyang sigaw.

Humahalakhak lamanh ako. Kahit ang mga nasa likod namin ay humalakhak dahil kay Ethan.

Nang natapos na kami ay nag lahad ulit siya ng kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon. Bakit ganoon? His hand fits perfectly in mine. Ang lambot at ang init ang kamay niya. Nawala ang init sa aking katawan dahil doon. Napangiti na lamang ako.

Tiningnan ko ang relo ko. Gabing gabi na at kailangan na naming umuwi. Pero bumili muna siya ng mineral water. Uminom siya doon at inilahad sa akin. "Gusto mo?"

Tinaggap ko iyon at uminom, "Thanks!"

"Painom ulit..."

Iniabot ko sa kanya ang mineral water niya. Nakangisi siya habang umiinom naman doon. Nakakunot ang noo ko dahil diretso siyang nakatingin sakin habang ginagawa iyon. What's funny?

"Oh, uminom ka ulit."

Tinaggap ko ulit yon at uminom ulit, "Salamat."

"Painom ulit nakakauhaw, e." Natatawa niyang sabi.

Iniabot ko ulit sa kanya yung mineral water. Uminom na ulit siya doon at inubos na ang tubig. Pero hindi nawala ang ngisi at tingin niya sakin. Natawa na lamang ako at umiling.

Isinara na niya ang mineral water. "Hmmm." Humalakhak siya. "Ngayon lang ako nasarapan sa nainom konh tubig."

Binalewala ko iyon at napalinga linga sa paligid. Ang daming tao bigla. Kaya pala ang daming tao ay may nag peperform sa stage doon. Kaya rin pala nagsi walaan ang mga sumasakay sa rides ay dahil naandito—mga nanonood.

Hanggang sa hindi na ako nakasunod sa likod ni Ethan. Napalunok ako at napasapo sa aking noo. Anong nagawa ko? Nawalay pa ako sa kanya! Baka hindi ako lalo makauwi nito.

Nagsimula na akong kabahan. Dahil nilamon ako ng dami ng tao rito. May mga tumataas ng kamay at sumasabay sa nakanta. Gusto ko ring gumaya sa kanila pero hindi ito ang tamang oras para doon.

Gusto ko ng magpanic. Pero nawala rin dahil sa kulbit sa likod ko. Lumingon ako at doon tumambad sa harapan ko ang hinahanap ko. Nakahinga agad ako ng maluwag.

Napabuntong hininga siya. "Damn it! I thought I lost you."

"So—"

Hindi natapos ang sasabihin ko. Marahan niyang kinuha ang pulso ko. Ngumiti siya ulit sa akin at nanguna sa paglalakad. Pero lumingon ulit siya sa akin.

"Hawakan na kita, ha? Baka mawala ka pa ulit." He told me.

Hindi na ako nagprotesta pa. Tumingala ako saglit habang naglalakad kasunod niya. Napangiti ako, ang daming stars. Nag liliwanag din ang buwan. Kahit na ang lungkot ng kulay ng langit ngayon—it's dark. Napapaganda naman iyon ng mga kislap at liwanag ng mga stars at buwan.

Pero napansin ko habang tumatagal at lumalayo na kami ay bumababa ang kamay niya. Nakaabot na iyon sa kamay ko! Dahan-dahan niyang ibinababa ang kamay niya simula pulso ko hanggang sa kamay ko. Ngayon ay magka holding hands na kami!

Kita ko ang pag lingon ng mga tao sa kamay naming dalawa ni Ethan! Gusto ko nalang magpakain sa lupa ngayon. Hindi ko alam kung kinikilig ako o nahihiya. Marahan niyang pinipisil ang kamay ko. Ang hinlalaki niya sa kanyang kamay ay hinahaplos ang kamay ko.

Nakalabas kami ng Amusement Park ng magka holding hands. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa tumigil siya. Tumigil din ako at tumingin sa kanya. Nakatingala siya sa langit at inilabas ang kanyang cellphone.

Kumunot ang noo ko. "Anong gagawin mo? Hindi paba tayo uuwi? Nakikita ko na mga kaibigan natin doon sa tapat ng sasakyan natin, oh!" Tinuturo ko sina April na kumakaway sa amin.

Sumulyap siya sa akin. "May fireworks ngayon. Sayang naman kung hindi natin makikita." He smiled at me.

I shrugged. "Okay, sige. Panoorin narin natin."

Tumingala narin ako kagaya niya. Ang mga tao ay ganoon din ang mga ginawa. Magkahawak parin ang kamay namin. Kahit na malamig ang hangin ay hindi ako tinatablan. Dahil ang kamay ni Ethan ang nag bibigay sakin ng init.

Hanggang sa sinimulan na ang fireworks. I was about to cover my ears dahil ang ingay sa tainga. Pero nang mapagmasdan ko ang iba't-ibang kulay at disenyo non ay hindi ko na itinuloy. Napangisi ako.

"Ang ganda!" Humalakhak ako.

"Yup, ang ganda." Bulong niya sa akin. "Napaka ganda..."

Nakangiti lang ako hanggang sa biglang may narinig akong tunog ng camera. Dahan-dahan akong tumingin sa tunog na iyon. Nawala ang ngisi ko nang makitang sa akin siya nakatingin at hindi sa fireworks. Nakatapat din sa akin ang cellphone niya. Kagat niya ang labi niya habang ginagawa iyon.

— your hand fits in mine like it's made just for me, sadly it is not. It was also made for somebody else.

13 Reasons Why Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon