Reason no. 13: Love |
He was my first love—he was the one whom I gave my whole heart to. I didn't know when I would love again after him, but right now, when I saw the word love, he was still the first one that I though of.
And that sucks. Paano mag move on? Aaminin ko. Mahirap bumuo ng sarili after a heartbreak. May it be a relationship that lasted for months or years or kahit walang label. Basta kapag you have a broken heart. Sobrang hirap lang talaga ulit.
June, 2018
Avoiding Ethan was a harder than I'd imagined it would be. Hinayaan ko siya na hindi ako hanap hanapin ng ilang linggo. Ibinigay ko sa kanya yung space na kailangan niya. Dahil alam kong busy siya, he's busy with his own world, that little world that didn't include me in it. Dahil nga may iba na.
Pero ngayon? Nang naramdaman niyang paunti-unti na akong nawawala sa kanya. Saka niya lang napansin. Tumatawag siya at nag te-text sakin ng ilang beses. I turned off my cellphone. And then, he'll just call our house phone and ending ip disturbing the whole house.
Tuwing sinasagot ko minsan yung tawag niya. Ginagaya ko nalang din yung excuses niya na. "I'm busy." Kahit na hindi naman talaga busy. Gusto ko lang talagang iwasan siya. Kasi ang sakit parin. . . Sobrang sakit. Napapatanong din ako sa sarili ko. Makakaya ko ba siya uling harapin? Matapos kong makita yung nasa elevator? Makakaya ko ba siyang harapin ng hindi umiiyak? Kaya ko ba?
I felt like I didn't know Ethan anymore. The guy I'd met years ago. That guy, that same guy who annoyed his way through my heart was no longer there. The space between us had seemed to widen and I couldn't even figure out why.
Maayos paba namin ito? Kapag pala nasaktan ka na ng paulit-ulit. Magiging manhid ka nalang talaga. Nakakatakot narin magmahal ulit kapag nagka trust issues kana. Hindi ko parin matanggap na nagawa niya akong lokohin.
Bakit? Hindi pa ba ako sapat?
Napatulala lang ako sa loob ng locker ko. Nakadikit doon ang picture naming dalawa. Tingin mo yung mga ngitian naming dalawa doon, oh. Those smiles that I thought were only mine. Parang ginugupit sa maliliit na piraso ang puso ko.
Napasinghap ako at kinuha yung litrato. Hawak ko lang iyon at inilagay sa aking bulsa. I backed away from the locker when I heard someone calling out my name.
"Desteen, Desteen!"
Isinara ko ang locker ko. Lumingon ako para malaman kung sino ang tumatawag sa akin. I faked a smile, "Bakit?"
Huminga siya ng malalim. "Nasa labas si Ethan. Hinihintay ka raw sabi nung guard."
Biglang bumilis ang kalabog ng dibdib ko. Pinigilan ko ang sarili kong hindi mapahawak doon, "Ano? Naandito talaga siya?"
Tumango tango siya. "Gustong gusto niyang makapasok. Pero hindi pwede dahil puro mga Juniors muna ang pinapapasok ngayon. Bukas pa yung mga Seniors, e. Anong gagawin mo?"
Napabuntong hininga ako. "Hindi ko alam, April. I'm not. . . I don't. . ." Nagkibit balikat nalang ako. "Hindi ko siya kayang tingnan. Dahil naalala ko lang yung nakita ko sa mall."
Alam din ni April at June yung nangyari. Hindi ko alam kung paano nila napagaan yung loob ko nung umiyak ako ng umiyak sa mall.
"Talk to him. Stop running away," Sabi niya sa akin. "Hindi maganda yung nagtatanong ka lang nag tatanong sa sarili mo. Go ask him about it. Make him tell you the truth."
"That's the thing, April. Ayokong malaman yung totoo—masakit kasi. Gusto kong magtanong pero natatakot akong malaman ang isasagot niya." Umiling iling ako. "I don't. . . I don't want to get hurt."
BINABASA MO ANG
13 Reasons Why
Short StorySadly the red strings were not meant for Desteen and Ethan, but there were thirteen reasons why Ethan was unforgettable. ✿❀✿❀ This is a short story of how Desteen fell for him, and how Ethan let everything fall apart. Enjoy reading!