Reason no. 4: Shoulder |
I buried my face on his broad shoulders and cried. I buried my face on his broad shoulders and hide like a kid. To hid my blush in my cheeks. Minsan, humihilig ako sa balikat mo kapag pagod ako o inaantok. Alam mo kung bakit? Dahil ang balikat mo ang isa sa pinaka nakakapag comfort at nakakapag pagaan ng loob ko.
Have you ever not even liked someone in a romantic way and everything is cool. Until they do something small like touch your shoulder or say something cheesy or funny and you just kind of freeze and think.Oh no
Mid-February, 2018
Papikit-pikit ako habang pinapanood ang paligid mula sa bintana ng bus. Hinahaplos ni Ethan ang kamay ko at pinaglalaruan ang daliri ko. Napahikab ako at natigil si Ethan sa paglalaro sa daliri ko.
He turned to me and said, "You sleepy?"
Bumaling ako sa kanya at tumango. "Madaling araw na akong natulog. Medyo inaantok pa ako ngayon."
Tumawa siya at hinawakan ang pisngi ko. Hinaplos niya ito at tinitigan ako ng diretso sa mata ko. Mapupungay ang mga brown niyang mga mata sa akin. Napangiti ako at napapikit habang hinahaplos niya ang pisngi ko.
"Damn it! What do I have to deserve you? Kahit na inaantok ka ay ang ganda mo parin. I really love everything about you, Desteen. I love your flaws, your soul, your low self-esteem—everything. I'm truly grateful for having a girlfriend like you. I just want you to know that."
Humalakhak ako, "You're so cheesy, Ethan."
Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Marahan akong napamulat at nagkatapat ang mata namin. Our nose slight touched. He licked his lower lip and closed his eyes.
"I love you so much, Desteen." He brushed his nose to mine, "I really, really love you."
I giggled. "I love you most, Ethan."
Napamulat siya at hinalikan ang noo ko. Iginaya niya ako patungo sa kanyang balikat. Nakapikit na ulit ako habang nakangiti. Naamoy ko agad ang kanyang bango. Hinahaplos niya ang buhok ko habang nakaakbay sa akin. Ang isa kong kamay ay hawak niya parin.
He kissed the top of my head. "Matulog ka muna. Gigisingin nalang kita kapag nasa Serin na tayo."
I smiled. "Okay."
— I used to be the one—the only one that buries her face on your shoulder. But now everything turned upside down. Hindi na ako...Hindi na ako yung nakahilig sa balikat mo.
BINABASA MO ANG
13 Reasons Why
Truyện NgắnSadly the red strings were not meant for Desteen and Ethan, but there were thirteen reasons why Ethan was unforgettable. ✿❀✿❀ This is a short story of how Desteen fell for him, and how Ethan let everything fall apart. Enjoy reading!