Chapter 2

73.5K 1.7K 1.2K
                                    


Napangiti nalang si sapphire nang matanaw ang matalik na kaibigan pagdating ng Airport.

"Kristine!"

Masayang bati nya sa kaibigan na ikinangiti nito ng malapad habang masiglang kumakaway sakanila. Kristine Lao Imperial is her best friend for 5 years, ito rin ang babaeng tumulong sakanya nang mawalan sya ng malay noong araw na yun 5 years ago.

She helped her that time and since then, the two became really good friends. Kristine is a psychiatrist, who works in a mental institute.

Less than 3 years din nyang nakasama ito sa Canada. Dalawang taon na rin siyang nagtatago sa Canada at nakapanganak na doon nang magkita muli sila.

They didn't loose connection since Kristine helped her before. Three years ago, sumunod sakaniya si Kristine dahil nagkataong doon muna siya magtatrabaho.

But then 3 months ago umuwi ito at lumipat sa pilipinas sa kahilingan ng mga magulang nito.

"Oh my Saphire! Akala ko, ikaw talaga si emerald. Alam mo kung hindi ko lang talaga alam na ikaw ang dadating baka napagkamalan na kitang sya dahil sobrang identical nga talaga kayong dalawa."

Malapad ang ngiting saad nito na nagpailing nalamang kay saphire.

"Malamang, kambal kami."

Ngiwi niyang ikinairap lang nito.

"Anyways! hi baby Zaff!"

Hyper na saad nya habang malapad ang ngiting bati nya sa bata pero tinignan lang sya nito saka di pinansin.

Napanguso nalang tuloy si kristine.

"Hays ang snob ng batang yan! Pinaglihi mo ba sa yelo yang anak mo ha Saph?kaloka!"

Nakanguso paring sabi nito na nagpailing lang sakanya saka binuhat si ZM.

Zaffiro looks like his father, that man whom she only knows by his name and his face. Hindi na sya nag abala pang ipahanap ito sa kapatid at pinigilan din siyang sugurin ang lalaki noon.

Zaffiro Mathew Stone is the name his son uses.

Hindi katulad ng ibang bata ay tahimik ito at mas gugustuhing makipaglaro sa pusa nya. Mas enjoy din ito sa mind games at building blocks, hindi rin ito iyakin.

Bukod kay saphire, si Lucas, Emerald at Ruby lamang ang kinakausap nito, at ang pusa nya.

ZM has this problem, he hates communicating with other people except his mom and those three. Nagwawala ito at nagtatantrums sa tuwing mahahawakan sya ng ibang tao.

Ayon kay Kristine, nang ipacheck niya ang anak noon ay dulot ito ng nangyari sa nakaraan. Kaya nagkaganoon ang bata.

"Anyways daan muna tayo sa Imperial main building mamaya ha? May kukunin lang ako kay kuya."

Nakasimangot pang saad ni kristine habang nagmamaneho, na nagpangiti kay saphire na tumango. Inabot din sila ng dalawang oras mula sa Airport, patungo sa naturang building.

Nang makarating ay agad silang naglakad patungong parking lot habang buhat buhat parin ni Saphire si Zaffiro.

Isinuot niya ang cap at mask gaya ng nakasanayan habang nakikinig sa mga kwento ni Kristine.

"Kaloka buti ka pa talaga may Zaffiro ka na."

"Oh bakit naman?"

Kunot noong tanong ni Saphire habang naglalakad lakad, Kristine shrugged.

"Well I'm 29 and still NBSB sis malamang kailangan ko ng maging alert, hays hahanap nalang ata ako ng gwapong baliw sa mental hospital na willing buntisin ako"

Bachelor Series #1:A  Night With A Stranger (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon