Chapter 4 - Bestfriend

18.4K 404 6
                                    

Chapter 4

 

“Hindi mo na naman ako papansinin buong araw? Bakit ba laging ganto tuwing after mo maglasing?” Sabi ni Calex sakin.

Lunch time na. At hindi ko pa siya kinakausap simula kaninang umaga. It has always been like this. Every after ko magpakalasing, kinabukasan di ko siya papansinin.

Mainly because alam kong siya ang sumusundo sakin tuwing nalalasing ako. Siya ang naguuwi sakin. And I kind of hate it. Wala naman talaga kong naaalala pag naglalasing ako, its just that, bakit pa ba niya ko sinusundo. Pwede namang pabayaan niya na ko. Mamatay man ako dun, edi maganda diba. Para matapos na tong sakit na nararamdaman ko.

“Can you please atleast tell me kung bakit everytime na maglalasing ka, kinabukasan di mo ko kakausapin? You’ve been fucking doing this for 6 long years!”

Di ko parin siya pinansin.

Bahala ka jan magsalita ng magsalita. Nakakainis! Bakit mo pa ba kasi ko sinusundo pag naglalasing ako! Sana malasing nalang ako ng sobra tas mapapaaway ako tas mamamatay ako. Yung ganun. Bwisit.

 

“Fine. Dont talk to me. Kausapin mo nalang ako pag gusto mo na.” With that he left my office.

I massaged my temple. Hangover’s a bitch.

I closed my eyes.

When will he ever give up on me? I, myself, have given up. Bakit ba hindi nalang niya ko hayaan sa buhay ko? Simple lang naman yung gusto ko, matapos lahat ng to.

I’ve suffered way too much for the past 6 years. I know Im better than this. Of course I am. Pero kasi kulang ako. Kulang na kulang ako.

When Liam left, he brought a part of me. My heart to be exact. Kaya nga siguro hindi ako makamove on move on sakanya. Kung sabagay, ayaw ko rin naman magmove on. Umaasa akong one day babalik siya at sasabihin niyang ‘Tara pakasal na tayo.’

I know Im too dumb to still hang on to Liam. I mean, 6 years is 6 years. Hell I care, mahal ko siya at alam ko namang mahal niya ko. Kaya aasa at aasa ako.

Crazy right? Im still hoping for Liam to come back to me when all these years all I wanted was to die.

“Bessy!” I heard the loud voice of my bestfriend, Nicole.

“Ipapaalala ko lang na nasa company tayo, wala sa bahay. Kung makasigaw ka na naman, Nics.” I told her.

“Ms. Grumpy forever hmp.” Sabi niya na kunwari nagtatampo.

Si Nics, all these years she never left my side. Kahit may times na alam ko sa sarili kong natatake for granted ko na siya, hindi parin niya ko iniiwan. True friendship.

 

Nagulat ako ng biglang ligpitin niya yung mga gamit ko sa lamesa. Nilagay niya sa bag ko yung phone ko at lahat ng mga anik-anik sa table ko na kailangan ko. Tapos pinatay niya yung laptop at sabay kinuha ko ung bag ko.

“What the hell are you doing?” I asked her.

“WE are going to have our pamper day. Masyado kang stress, sa work at kay, you know who.” Sabi niya sakin.

“No. Madami pa kong gagawin. Cant you see? I cant leave. Ang dami ko pang ichecheck na papers for Mon Amour.”

“Isang araw lang. Magrelax ka naman, di yung puro ka trabaho.” Sabi niya sakin.

“But-“

“No buts. Lets go.”

May magagawa pa ba ko?

Nandito kami ni Nics sa Simple Pleasure Salon and Spa. Pamper day daw. So yun, nagdecide kami magpamassage muna.

“Balita ko naglasing ka na naman kagabi?” Sabi niya sakin. Magkatabi lang yung bed namin. Ganto talaga kami magpamassage, para narin makapagusap kami.

“Calex again.” I told her, concluding that its Calex who told her that I was drunk, once again.

“He’s freaking concerned, Jill. Di mo naman siya masisisi diba. He’s your bestfriend for as long as I can remember, he has all the rights to be concerned.”

“I dont need his concern. I need him not to meddle with my business. Ano bang problema kung magpakalasing ako? Its my choice to get wasted, not him.”

“What if may mangsamantala sayo habang lasing na lasing ka sa bar na yun? Rape-in ka at worst, patayin ka?”

“Better.”

“Baliw ka na talaga. Alam mo kung ako sayo hindi ko itatake for granted si Calex. Ikaw din, baka isang araw, mawala nalang siya sayo. Tsaka mo marealize lahat ng ginagawa niya.”

Napaisip ako sa sinabi ni Nics. Sobra ko na bang tinatake for granted yung kabaitan ni Calex sakin? Am I acting way too much para idamay ko siya sa lahat ng sakit at problema ko?

But on the second thought, siya naman ang nagpupumilit eh. Im not asking him to do all these stuffs for me.

Hay ewan. Ang gulo.

Bakit ba kasi laging may point tong bestfriend ko.

“Oh napaisip ka noh?” Sabi niya sakin.

“Ewan ko sayo.” Was the only thing I could say.

“Alam mo bessy, bakit kasi di mo subukan mag move on? 6 years nang wala si Liam. I think you have to move on. Si Calex, he’s always there for you. And I know, you know he’s still inlove with you.”

“Buti sana kung ganun kadali yun Bes.”

“Sinubukan mo na ba?”

Sinubukan ko na nga ba?

 

Sinubukan kong magpakamatay, ilang beses na. Pero yung kalimutan si Liam, hindi pa. Hindi ko kaya.

“Kaya mo.” Sabi ni Nics na para bang nabasa niya yung nasa utak ko.

“Hindi. Hindi mo kayang kalimutan kailanman yung one great love mo.” I told her.

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon