Chapter 25 - On Bended Knees

18.8K 420 77
                                    

(PLAY THE MEDIA -> )

Chapter 25

 

LEXI’S POV

 

“Are you sure you dont want me to stay for the night to help you pack your things?” Tanong ni Theo sakin nung nasa labas ng siya ng unit ko.

“Yes. Sure na sure. You have to go home and go get some sleep.” Sabi ko sakanya. I kissed his cheek. “Goodnight. Sorry again for stressing you out this past few days nung nawala ako.”

I didnt accept Theo’s proposal. Hindi sa hindi ko siya gusto. I actually like him, siguro kung patuloy siyang magiging ganyan kasweet, I’ll fall for him in no time. Pero hindi naitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.

Isa pa, hindi niya deserve maging rebound. Theo’s such a good man. He deserve every good thing in this world. But Im not one of them. Hindi niya deserve ang katulad ko. Dont get me wrong. Im broken beyond repair. Paano kung hindi ko pala kayang ibalik sakanya yung pagmamahal niya sakin. Ayaw ko na balang-araw magsisi siyang nagpakasal siya sakin at inako niya ang anak ko.

Marraige is a lifetime commitment. At hindi yun basta basta lang.

I accepted his second offer though. Na sakanila ako manirahan. Dahil ayaw kong laging makita si Liam at kung magsstay ako dito, hindi imposibleng magkita kami lagi. Sabi pa niya, buntis ako at kailangan ko ng magaalaga sakin. I accepted the offer, mahina ang bata sabi ni doktora and I might need help during the whole pregnancy period. And I cant risk my baby’s life.

Hindi naman kasi ako pwede sa bahay namin, sa ngayon. Dahil wala sila Mommy dun. Nasa Cali sila and I think they’ll stay there for a few months.

He smiled. “Goodnight. Matulog ka na agad after mo magayos ng gamit. Tandaan mo –“

I cut him off. “Opo. Kanina mo pa sinasabi yan.”

We bid our goodbyes. And just before I closed the door, Liam entered.

Not again.

 

Nakatayo lang ako sa pinto ng unit ko. “Umalis ka na.” I told him.

He looked at me. “Anong nangyari Lexi? Last time I check, okay naman tayo. Bakit bigla kang nawala? At bakit ganyan mo ko pakitunguan ngayong pagbalik mo? May nagawa ba ko? Please tell me. Nakakabaliw tong ginagawa mo eh.” I saw a tear fell from his eyes.

I didnt look at him. I cant look at him if he’s acting like that.

Kahinaan ko ang luha ni Liam. Noon pa man, ayaw ko siyang nakikitang umiiyak. At ngayong umiiyak siya sa harap ko. Hindi ko alam ang gagawin. Baka bumigay na naman ako. Hindi na pwede. Tama na.

I closed the door. Sumandal ako sa pintuan. Nasa harap ko siya, nakatayo. I closed my eyes. “Nakakabaliw yung ginagawa ko? Mas nakakabaliw yung ginawa mo Liam.”

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon