Chapter 9 - Baby Girl

14.9K 394 20
                                    

Chapter 9

 

Sabi nila pag daw sanay ka na sa sakit, mamanhid ka na. Yung wala ng lalabas na luha sa mata mo kasi naubos na sa kakaiyak mo.

Sabi nila pag nasanay ka na sa sakit, masasabi mo nalang palagi ay ‘Okay lang ako.’.

Pero hindi yun totoo, I’ve been hurting and crying for the past six years, bakit hanggang ngayon ramdam na ramdam ko parin yung sakit, bakit hanggang ngayon di nauubos yung luha ko. Bakit hanggang ngayon ang hina hina ko. Bakit hindi ko kayang sabihing ‘Okay lang ako’.

Nandito ko isang bar dito sa Bora.

Naalala ko yung tawa niya kagabi. How can he laugh like that?

 

Dati gustong gusto kong marinig yung tawa niya pero ngayon, when he laugh, its like I was hit by a big yellow school bus. Buti pa siya nagagawa niyang tumawa, buti pa siya masaya na, buti pa siya.

“M-masaya ka ba talaga kay Brianna?”

 

“Sobra.”

 

Ang sakit sakit lalo na kung naririnig ng sarili mong tenga galing sa bibig ng taong pinakamamahal mo na masaya na siya sa iba. Masakit isipin na wala na talaga.

“Isa pa nga.” Sabi ko sa bartender.

“Pero Mam nakakadami na po kayo.”

“So? The hell you care? Siya nga walang pakialam, ikaw pa kaya? Bigyan mo nalang ako, babayaran ko lahat, may tip pa.” Sabi ko sa bartender.

Wala siyang nagawa kundi bigyan ako ng drinks. I lost count kung nakakailan na ko. Im past caring. Wala akong pakialam kung anong mangyari sakin.

Sira na ang buhay ko. Wala ng mas isisira pa to.

May tumabi saking lalaki, familiar siya pero ang labo na ng paningin ko kaya di ko siya maalala.

Sabi niya pag may problema ka, ikwento mo sa hindi mo kakilala para kahit papano gumaan na yung pakiramdam mo, di ka pa niya huhusgahan.

“Hi.” Sabi ko sakanya.

Ngumiti siya. “Nakakarami ka na. Kaya mo pa ba?”

“Alam mo pamilyar yung ka, pero hindi kita kilala kaya kkwentuhan muna kita.” Sabi ko, uminom ulit ako ng isa bago magumpisa magkwento.

“Alam mo ba, may lalaki akong sobrang mahal. As in mahal na mahal na mahal na mahal ko siya. Sobrang perfect nga ng relationship namin eh. Nagaaway man kami pero hindi tatagal ng isang araw yung away kasi napaguusapan agad namin. We’ve been together for five fucking long years. Nagpropose siya sakin nun, inaya niya kong magpakasal. Ang saya saya ko nun. Kasi finally, eto na yung happy ever after ko. Alam ko kasi sa sarili kong siya na yung lalaking gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko. Alam kong siya na yung lalaking gusto kong maging daddy ng mga anak ko. Alam kong siya na happy ending ko. Akala ko lang pala lahat. Alam mo kasi nagkaamnesia ako nun. Nung bumalik yung memory ko, akala niya bumalik yung feelings ko para sa kambal niya. Ang tanga niya noh? Hindi man lang niya ko hinintay magexplain.”

I paused and drink another shot.

“Akala niya dahil lang pinuntahan ko nun yung kambal niya, eh siya na yung pinili ko. Tanga diba? In the first place, wala naman talaga kong dapat piliin kasi siya yung mahal ko, siya yung papakasalan ko. One month yun before yung kasal namin. Paguwi ko sa condo niya, wala na siya. He’s nowhere to be found. Hinanap ko siya. Ilang linggo ko siyang hinanap then one day may dumating na sulat para sa kakambal niya, ituloy daw namin nung kambal niya yung kasal kasi alam naman daw niyang mahal ko pa yung kambal niya. He’s so stupid. Kung sana hinintay niya ko, edi sana masaya kami ngayon diba.”

Tinignan ko siya. Nakikinig lang siya sakin.

“Six years na ang nakalipas. Six years ko siyang hinintay na bumalik. Six years na para akong patay. Six years. Six fucking long years. Tapos alam mo ba, kanina nakita ko siya.”

I tried to wipe my tears pero walang silang tigil sa pagpatak.

“May a-asawa na siya. May anak narin siya. Ang sakit sakit, alam mo ba yun. Anim na taon. Umaasa akong babalik siya at sasabihin niyang nagkamali siya na iniwan niya ko at yayayain ulit akong magpakasal. Pero pagbalik niya, may pamilya na siya. Fuck my life! Sana talaga natuluyan nalang ako nung nagsuicide ako dati eh.”

Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

“Nagsuicide ka Baby Girl?”

“Oo. Ive lost count kung ilang beses ko na sinubukan eh. Una nung araw dapat ng kasal namin. Tapos nung anniversary namin. Nung birthday niya. Nung birthday ko. And so on and so forth.”

Biglang nagsink in sakin yung tinawag niya sakin.

Baby Girl?

 

Isang tao lang ang tumatawag sakin nun.

Hinarap ko siya. I cupped his face using my both hands.

Theo?

Yes baby girl. Akala ko di mo na ko makikilala eh.”

 **************

PS. Sino si Theo? Hahaha.

PPS. I have to use the name Theo. Wala siya sa original plot ko pero crush ko talaga siya sa HTBWTBB. Harhar.

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon