Chapter 23 - Tama na.

17K 385 23
                                    

Chapter 23

 

I felt the cold wind of Tagaytay. I embraced myself.

“B-baby? Anong sinasabi niyo doktora?” I asked her.

 

“Cris. Pag may naghanap sakin sabihin mo umalis na ko.” Sabi niya sa secretary niya tsaka niya ko inakay papunta sa parking lot ng ospital. Pinagbuksan niya ko ng pinto ng shotgun seat ng sasakyan niya.

 

“Jillian. Jillian right?” Sabi niya sakin.

 

I nodded. Masyadong magulo yung utak ko na wala na kong ibang nagawa kundi tumango.

 

“I dont know why are you crying but you have to relax. You’re 6 weeks pregnant at yun ang dahilan kung bakit ka hinimatay kanina. You’re stressed and you’re pregnant. You must take care of yourself Jillian. Maselan ang pagbubuntis mo. Hindi ganun kalakas ang kapit ng bata. You have to be strong for you and your baby.”

 

Lalong bumuhos ang luha ko. Mahina ang kapit ng bata sakin. Anytime pwede akong makunan kung hindi ako magiingat kaya lahat gagawin ko wag lang mawala ang anak ko.

 

“Alam ko pong malaking bagay ang hihingin ko pero pwede po bang makahiram ng oras niyo? Kailangan ko po makapunta sa condo ko. May kailangan po akong gawin.” Sabi ko sakanya. Pinilit kong tumigil sa kakaiyak. Baka makasama kay Baby.

 

“I’ll drop you at your condo. But please. Be careful and take good care of yourself.”

 

“One more thing doc. Pwede po bang wag lumabas yung tungkol sa kalagayan ko? Ayaw ko po sanang may ibang makaalam na nagdadalang-tao ako.”

 

“But your husband –“

 

“He’s not my husband doc.” Pagsabi ko nun nagumpisa na naman magsilabasan yung mga luha ko.

 

He’s not my husband. He’s my man. Im his other woman. Or so I thought.

 

“Okay hush Jillian. I’ll keep this thing. Hindi ako pwedeng magsinungaling, that’s a code of conduct for Doctors. Hindi naman ako magsisinungaling. Hindi ko lang sasabihin. I’ll tell him you’re stressed kung sakaling magtanong siya. Stressed ka naman talaga. Ako na ang bahala.”

 

I hugged her. “Thank you doctora. Thank you.”

 

We were on the road when she broke the silence.

 

“I just hope magkaron ng buong pamilya ang bata. I grew up having a broken family. Naranasan mo na ba yun?” I shook my head.

 

Kahit laging wala dati sila Mommy. Atleast kumpleto kami.

 

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon