Chapter 24 - "Marry me."

16.8K 378 91
                                    

Chapter 24

 

THEO’S POV

 

Its been two weeks. Dalawang linggo na kami na halos mabaliw kakahanap kay Lexi. I punched Liam in the face the moment I saw him in the hospital room alone two weeks ago. Alam kong may nangyari. Hindi basta basta aalis si Lexi ng walang mabigat na dahilan.

Nagaalala na ko. She was hospitalized tapos nawawala siya. Baka kung ano nang nangyari sakana. Wag naman sana.

I love her. Sa maikling panahon na pagsasama namin. I just found myself falling for her.

Tuwing iiyak siya, I feel like kailangan ko siyang patahanin. Tuwing masasaktan siya, I feel like may kailangan akong gawin para mailigtas siya sa lahat ng sakit. Its like I was born to take care of her. And so I did. Sa lahat ng panahon na kailangan niya ko, lagi kong pinaparamdam na nandito lang ako. Na aalagaan ko siya.

Damn, tuwing iiyak siya sa harap ko. Gusto kong saluhin lahat ng luha niya. Umiyak na lahat, wag lang siya. Wag lang si Lexi.

Kung pwede ko lang saluhin lahat ng sakit na nararamdaman niya gagawin ko. Kaso hindi eh. And the least I could do is to be there for her whenever she needs me.

I heard my phone rang.

Baby calling...

Accept | Decline

I immediately pressed Accept.

Sa loob ng dalawang linggo, hindi namin macontact yung phone niya kaya naman nagulat ako na tumawag siya sakin.

“Baby!” Sigaw ko. Pasensiya na, naexcite lang.

“Theo.” Base sa boses niya, alam ko na agad na may problema. Hindi naman sa boses malungkot siya pero may iba. Parang walang emosyon.

“Where are you? Im sick worried about you.” Sabi ko sakanya. True enough, hindi ko pinabayaan ang Mon Amour pero pilit ko siyang hinahanap.

Nasa Mon Amour ako sa umaga. At naghahanap ako sakanya sa hapon hanggang madaling araw. Bilang na bilang sa isang kamay ko yung oras ng tulog ko simula nung mawala si Lexi.

“Meet me at my condo. Be there in 30.”

“Okay. Take care.”

Tapos binaba na niya yung tawag.

Nagmadali akong magdrive papunta sa condo niya. I arrived 25 minutes after. Nakita ko sa labas ng unit niya si Liam. Oo nga pala, magkatapat sila ng condo.

 

Napatingin siya sakin.

“Ang kulit mo rin noh? Wala nga si Lexi jan sa condo niya!” Sigaw niya.

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon