Chapter 18
Minulat ko yung mata ko at napagtanto kong wala na ko sa sasakyan ni Theo, kundi nasa isang kama na ko.
Nasaan ako? Kaninong bahay to?
Dali dali akong bumangon. Naramdaman kong sumakit yung ulo ko.
Damn, hangover!
Nilibot ko yung paningin ko. Maganda yung tinutuluyan kong kwarto. Mukha siyang rest house kasi puro mga kahoy na narra yung mga kagamitan sa loob ng kwarto. Nadako yung tingin ko sa may kurtinang hinahangin.
Bumangon ako at pumunta sa terrace. Damang dama ko yung lamig ng hangin, amoy na amoy ko yung simoy ng dagat at tanaw na tanaw ko yung ganda ng sunrise.
Doon ko napantanto na ginising pala ko ng mga tunog ng dagat kanina.
Kila Theo kaya ang beach house na to?
Pinanuod ko lang yung sunrise.
Naalala ko na naman yung mga nangyari kagabi. It was crazy. No, it was maddening.
“At mahal na mahal ko ang pamilya ko.”
“At mahal na mahal ko ang pamilya ko.”
“At mahal na mahal ko ang pamilya ko.”
“At mahal na mahal ko ang pamilya ko.”
“At mahal na mahal ko ang pamilya ko.”
“At mahal na mahal ko ang pamilya ko.”
“At mahal na mahal ko ang pamilya ko.”
Unti unti na namang pumatak yung mga luha ko. Hinayaan ko lang sila magsibagsakan para pagtapos neto, wala na.
This will be my one last cry.
Panahon na siguro para ilet go ko lahat ng nararamdaman ko kay Liam. Kung kinakailangan ibaling ko yung nararamdaman ko kay Theo, gagawin ko.
But on the second thought, ayoko gawing rebound si Theo. He deserve more than just being a rebound. He’s been all good to me. Tuwing kailangan kong huminga dahil ang gulo gulo ng lahat, lagi siyang nanjan.
I have to move on from Liam. And then who knows, baka kung makalimutan ko na si Liam mahulog na ko ng tuluyan kay Theo.
I waited until my tears dried up on my cheeks. Tapos pumasok ako sa banyo at naghilamos. I looked at myself at the mirror. Ano bang ginagawa ko sa sarili ko?
BINABASA MO ANG
Chasing Him
FanfictionAlmost Perfect Series III.2 Loving Him Book 2: 6 years ago, umalis siya. Umalis siya dahil akala niya pinili ko yung kakambal niya. But no, siya ang mahal ko. Siya at tanging siya lang. At sisiguraduhin kong pag bumalik siya, gagawin ko lahat bumali...