Chapter 22 - The Damn Truth

17.1K 400 82
                                    

(Play the music sa side para mas feel.)

Chapter 22

 

LIAM’S POV

 

I gently touched her cheeks.

“Sabi ko kasi sayo wag kang magpapakapagod sa trabaho mo eh. Tignan mo, hinimatay ka tuloy sa sobrang pagpapagod mo.” Kinakausap ko siya kahit di naman siya sasagot.

Ilang oras na ko dito sa ospital at di parin gumigising si Lexi. Tinawagan ako kanina ng secretary niya na hinimatay daw si Lexi.

Hindi daw niya macontact si Calex at Theo dahil nasa meeting daw sila ng Mon Amour kaya ako daw yung tinawagan niya. Pero buti narin yun. Ako naman talaga ang dapat niyang tawagan dahil ako ang boyfriend ni Lexi.

“Im sorry Lexi. Im so sorry.” Sabi ko kahit alam kong di naman niya ko naririnig. “I love you. So damn much.”

“Liam?” Tawag ni Brianna pagbukas niya ng pinto.

“Bri.” I went near her and hugged her.

“She’s suffering Liam.” Sabi ni Brianna sakin sabay tingin kay Lexi.

“I know. At alam kong dahil sakin nahihirapan siya.” I looked at Lexi. I felt my eyes water.

Sorry Lexi. Im so sorry. Kahit alam kong hindi kayang burahin ng isang sorry ko lahat ng nagawa ko sayo. Sorry parin. If only I could turn back time.

 

“She deserves to know the truth Liam. Kung hindi lang kita bestfriend, matagal ko nang nasabi sakanya yung totoo.”

“Sasabihin ko naman eh. Humahanap lang ako ng tyempo. Hindi kasi biro to eh.” Sabi ko sakanya.

She held my hand.

“Ayoko sanang sabihin na I told you so, kaso yun yung proper na sabihin ko sayo eh. I told you to tell her right there and then na hindi naman talaga tayo kasal. Na magbestfriends lang tayo. Na nakilala mo ko sa US. We’ve been bestfriends. Until one drunken night and then poof, Josh. Noon, alam kong maiintindihan pa niya. Pero ngayon, ewan ko. All this time akala niya kabit siya. Babae ako Liam. Alam kong hindi naman niya ginustong maging kabit. Mahal ka niya. Kaya sumugal siya. The least you can do is tell her the truth. You owe her the truth.”

“Bakit mo sinabi yun! Nababaliw ka na ba?! That’s f-cking Lexi right? Lexi your ex-fiancee?” Sigaw ni Brianna sakin pagalis nila Lexi.

 

Nagulat ako ng makita ko sila kanina. I was so shocked that I’ve said that Brianna’s my wife. Defence mechanism siguro.

 

“Cant you see? They’re together. Nagbunga yung pagsasakripisyo ko diba?” I smiled kahit na ang hirap ngumiti. Di parin ako nakakamove on. Ang sakit sakit parin.

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon