Chapter 27
LIAM’S POV
Andito ko sa labas ng emergency room. Puno ng dugo ni Lexi yung damit ko, but I didnt mind changing. Mababaliw na ako kakaintay kung ayos na ba siya.
Eto na naman. Eto na naman yung feeling na halos mamatay ako kakaintay sa labas ng ER kung okay na ba siya.
Gantong ganto din yun. 11 years ago. Nung nagaway si Calex at Lexi. Nung kitang kita ng dalawang mata ko kung pano siya mag-agaw buhay.
Ayoko na sanang maulit to pero nangyari na naman. Nakita ko na naman kung paano siya mag-agaw buhay.
I was pacing back and forth. Hindi ako mapakali. Damn! Paano ako mapapakali kung yung babaeng mahal ko nasa loob at hindi ko man lang alam kung anong nangyayari sakanya dun. Bakit ba kasi hindi sila nagpapapasok sa loob ng ER. Hindi ba nila alam na nakakabaliw magantay sa labas ng pintong yan kung napano na yung mga taong mahal mo sa loob.
“Sander!” Tawag ni Calex. Napalingon ako sakanya. Nagtatatakbo siya papunta sakin. “Anong nangyari? Nagsuicide na naman ba si Jill?”
I was stunned for a moment. Ayaw ma-process ng utak ko yung sinabi niya. Nagsuicide na naman?
“Nagsuicide? Na naman?” Dahang dahang tanong ko.
Kailan siya nagsuicide? Bakit hindi ko man lang nalaman yun?
“Oo. So nagsuicide nga siya? Damn! Liam naman ano na naman ginawa mo!” Sigaw niya sakin.
Ano na naman ginawa ko?
So ako ang dahilan kung bakit siya nagsuicide dati.
“Please tell me na hindi siya nagsuicide siya dahil iniwan ko siya. Please.” Nagmamakaawang sabi ko. Ive had too much for today. Hindi ko na ata kakayanin kung malalaman kong ako ang dahilan ng pagpapakamatay niya dati.
“Well, sorry to break this to you but yes. Nagsuicide siya dahil sayo. Ay mali, madaming beses niyang sinubukang magpakamatay kasi iniwan mo siya. There.”
Napaupo ako sa nalaman ko. Hindi ko alam na umabot si Lexi sa ganun dahil sakin. Ang gago ko. Sobrang gago ko.
“Ngayon sabihin mo sakin, anong ginawa niya? Naglaslas na naman ba siya? Naglaklak na naman ba ng shampoo? Nagoverdose na naman ng gamot?”
“Stop.” Nagmamakaawang sabi ko. “Tama na. Tama na please.” Sabay sabay na tulo ng luha ko.
Umupo siya sa tabi ko. “Ano bang nangyari?” Kalmadong tanong niya.
“Kinakausap ko lang siya. We were just talking ng bigla siyang sumigaw at napaupo. Namilipit siya sa sakit. Puro dugo. Puro dugo yung nakita ko sa legs niya. H-Hindi ko alam. Basta ang susunod na nangyari hinimatay siya. T-Tapos dinala ko na siya agad dito. Calex. Hindi ko na alam.”
BINABASA MO ANG
Chasing Him
FanfictionAlmost Perfect Series III.2 Loving Him Book 2: 6 years ago, umalis siya. Umalis siya dahil akala niya pinili ko yung kakambal niya. But no, siya ang mahal ko. Siya at tanging siya lang. At sisiguraduhin kong pag bumalik siya, gagawin ko lahat bumali...