G

178 9 1
                                    

"Pakasalan mo ako.." Biglang huminto ang pag tibok ng puso ni Irene dahil sa malambing na sinabi ni Jin.

Tumayo si Jin tsaka dahan-dahan nag lakad palapit kay Irene habang si Irene nanatiling naka talikod at inisip ang sinabi ni Jin sa kanya.

"Irene.." Tawag ni Jin sa kanya kaya dahan-dahang lumingon si Irene. "Pakasalan mo ako.." Sa tono palang ng pag kakasabi ni Jin ay mapapa OO kana talaga pero ibahin niyo si Irene.

"G-g-gago kaba J-jin?" Namumutlang sabi ni Irene tangkang hahagkan ni Jin si Irene pero mabilis na niyang ihinarang ang kamay niya. "Hoy Jin! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!" Sigaw ni Irene sa kanya.

Napa ngisi si Jin at don niya lang na realize na ang dami niya na palang nainom na alak kakaisip sa sinabi sa kanya ng daddy niya.

Napa upo si Jin sa malambot niyang sofa saka napa hilamas sa mukha niya habang si Irene ay nanatiling naka titig sa kanya. Lumapit si Irene ng marinig niyang umiiyak si Jin, nalimot niya ang kontratang dapat pirmahan ni Jin dahil nang hina siya nung makita niya ang lalaking pinaka mamahal niya ay umiiyak mismo sa harap niya.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Irene pag ka upo niya sa lamesa para mag kaharap sila ni Jin. "May problema ka na naman ba gunggong?" Umangat ang tingin ni Jin dahil sa sinabi niya.

"Tulungan mo ako Irene." Saad ni Jin sa kanya, biglang kumabog ang puso ni Irene dahil sa sinabi niya. Hindi niya alam kung anong susunod na lalabas na salita sa bibig ni Jin kaya ganon na lamang ang naging reaksyon niya.

Napa tayo siya. "Nako Jin kung sex na naman yan, tama na." Saad niya habang pinag pupulot yung mga kalat na nasa sahig. "Pero kung pag lilinisin mo naman ako ng bahay mo. Tama na din." Saad ni Irene saka muling hinagis ang panty na napulot niya.

"Hey stop doing that." Nawala ang pag ka angel na tono ni Jin kanina nung makita niyang panay hagis ng mga nadadampot nitong damit.

Natawa si Irene. "Nag kokolekta kaba ng panty?" Tanong nito saka niya inangat ang isang pirasong panty pero agad niya din itong ihinagis palayo dahil nandiri siya.

Hindi na alam ni Jin kung sasabihin niya paba kay Irene yung problema niya dahil baka hindi siya matulungan nito at ang malala pa baka pag tawanan pa siya neto.

Napa hilamos muli si Jin sa mukha niya saka tumayo napa tingin naman si Irene sa biglang pag tayo niya.

"Hindi ba may ipinapa-pirma ka sa akin?" Napa tayo si Irene dahil sa sinabi ni Jin sa kanya, agad niyang naalala yung kontrana na dapat pirmahan ni Jin.

"Pipirmahan mona?" Tuwang-tuwang tanong ni Irene sa kanya.

"Oo, sa isang kundisyon." Biglang bumagsak ang balikat ni Irene dahil sa sinabi ni Jin, dahil sigurado siya na sex ang kundisyon na sinasabi niya.

Kung ang mga tao hindi mabubuhay ng walang tubig si Jin naman hindi mabubuhay ng walang sex. Para kase sa kanya sex ang nag sisilbing tubig niya kaya kung wala ito mamamatay siya.

Ganyan kapag tigang!

"Nako Jin tigilan mo ako dyan, kilalang-kilala kita. Sige alis na ako." Dismayadong sabi ni Irene saka pinulot ang kanyan bag sa sahig pero bago pa siya maka hakbang muli hinawakan na ni Jin ang kanyang braso.

"Alam mo, patapusin mo muna ako bago mo isipin na sex na naman ang kailangan ko!" Giit ni Jin habang dinuduro ang noo ni Irene. Pinitik naman ni Irene yung daliri ni Jin saka umupo muna sa sofa.

"Sabihin mona kase at para maka alis na ako sa imbernag lugar na to." Saad niya habang pinag mamasdan ang napaka duming paligid.

"Pakasalan mo ako—"

"Jin alam mo, gwapo ka mayaman ka pero wag ka naman mag biro ng kanyan kase kinakilabutan ako sayo eh!" Pigil ni Irene kay Jin. Muling na namang napa hilamos si Jin sa kanyang mukha.

"Ano ba! Kapag nag salita kapa hahalikan na talaga kita!" Sigaw niya pero hindi natinag ang dalaga kaya tumayo siya at nag pabewang.

"Wag ako Jin—"

Hindi naituloy ni Irene ang sinasabi niya nang bigla siyang halikan ni Jin. Agad niya itong tinulak palayo at pinunasan ang kanyang labi.

"Hindi ka talaga.." Dahan-dahan humina ang boses ni Irene nung tangkain ulit ni Jin na hahalikan siya.

"Yan, mas maganda kung tahimik ka lang, tsaka pwede ba patapusin mo muna ako." Pakiusap ni Jin sa kanya. Pag tango nalaman ang nagawa ni Irene dahil ayaw niya ng maulit yung kanina. "Nag back-out si Pamela sa kasal namin dahil ayaw niya, sa totoo lang ayaw ko din naman talaga mag pakasal sa kanya dahil sobrang pili niya, miski restaurant na kakainan namin kailangan private. Tsaka wala pang isang bwan ko yung kilala, kinausap ako ni Dad at ang sabi niya bago siya lumipat sa new york gusto niya na ikasal ako." Pag papaliwanag niya, kumunot ang noo niya dahil walang man lang naging reaksyon si Irene sa sinabi niya.

"Pwede na ba akong mag salita?" Alanganing tanong ni Irene. Gustong tumawa ng malakas ni Jin dahil sa tanong niya buti nalang napigilan niya at tumango na lamang siya. "So anong gagawin ko? Ipag hahanap kita ng babae?" Tanong niya.

Natawa si Jin. "Ako ihahanap mo ng babae? Limot mona ba na sa isang kurap kolang kayang-kaya ko mag karoon ng babae? Remember I'm the worldwild playboy." Pag mamayabang ng binata ngumuwi si Irene pilit niyang pinakalma ang sarili niya dahil baka makasapak siya dahil sa kahombugan ng binata.

"Wow, pinag malaki mopa." Sakrastikong saad ni Irene kininditan naman ni Jin si Irene. "Alam mo Jin, babalikan nalang kita kase may importante pa akong kailangang puntahan." Mariin na sabi ni Irene habang tumatayo dahil muntik niya ng makalimutan na kailangan niyang puntahan si Troy.

"Aalis kana?" Tanong ni Jin sa kanya medyo nagulat pa siya dahil sa lumabas sa bibig niya. "Ah sige! Bukas nalang." Iwas tingin na sabi niya lihim naman na napangiti si Irene sa isang sulok at tuluyan na siyang lumabas sa condo.

"Shit, Irene!" Bulong ni Jin dahil hindi na niya maiwasan na mag alala kay Irene dahil napapansin niyang napapadalas ang alis neto.

Hindi niya mawari ang nararamdaman niya basta ang alam niya lang sa sarili niya ay gusto niyang matapos na ang problema niya.

WORLDWILD PLAYBOY [ KSJ ] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon