A

115 7 0
                                    

SEOKJIN'S POV

"Sir kailangan na po kayo sa office." Tangina naman oh, bakit ngayon pa! Kung kelan naman nag papakalasing na ako dun pa ako kailangan!

Dalawang araw. Dalawang araw nung huli kaming mag kita ni Irene, dalawang araw kong hindi nasilayan ang mukha niya, dalawang araw kong hindi narinig ang napaka ingay niyang boses, dalawang araw akong nag papakalasing.

Kasalanan ko naman talaga lahat ng yun, kasalanan ko kung bakit andon si Chansoon sa ospital. Kasalanan ko lahat! Lahat-lahat!

Tinignan ko ang envelop na nasa harap ko ngayon, ang embelop na dahilan kung bakit pumayag si Irene sa usapan namin na maging asawa ko siya.

Binuksan ko ang embelop at kinuha ang pepel na sinasabi niyang pirmahan ko.

Ano ba to?

Kumunot ang noo ko at binasa ang naka sulat sa papel. Ang bilin niya sakin huwag na huwag ko daw babasahin ang naka sulat sa papel na ito pero dahil makulit ako. Binasa ko.

Kumunot ang noo ko at nanlaki den ng kaunti ang mata ko dahil sa nakasulat. "Jinsok company?" Takang basa ko, kumplaya ko to hah? Bakit andito to?

Gago lasing ka lang.

Napangiwi ako. Baka nga lasing ako. Matagal kona din kaseng hindi dinadalaw ang sarili kong kumpanya, kampante naman kase ako sa mga tauhan ko don kaya ayos lang na wala ako don.

Binuksan ko ng ang malinaw na ilaw para mabasa ko ng maayos. Nanlaki nga ang mata ko. "Jinsok company?!" Tama ako! Hindi ako pweding mag kamali dahil kumpanya ko ito. Pero bakit?

Binasa ko lahat ng nakasulat don at mas lalong nanlaki ang mata ko. "What the.." Saad ko saka kinuha ang cellphone ko at muling tinawagan ang assistant ko.

"May nag aapply ba na Irene Dela rosa ang pangalan sa kumpanya?" Tanong ko, hinintay ko naman ang sagot niya.

"Yes sir, as a model po. Siya yung babaeng dapat na kakausapin niyo last week pero hindi po siya naka punta." Pag papaliwanag niya. "Siya po yung babaeng binigyan namin ng contract na dapat ipapirma sa tatay ng anak niya. Para makapasok na po siya." Dagdag niya pa.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Siya yung babae. Pero paanong siya? Pangalan ko ang nakasulat dito at alam kong sulat kamay niya ito. Pero paanong ako? Wala siyang anak at wala kaming anak pero paanong..

"Alam mo ba kung gaano kasakit yung nararamdaman ko ngayon.. masakit para sa isang ina na makita na naka higa dyan yung anak niya habang hirap na hirap."

"Wala sana dyan yung anak ko!"

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya sa ospital. Naalala ko nung minsan, tinawagan ako ni Wendy na sinasabing nanay ni Chansoon. Hindi na pweding mag kaanak si Wendy at siya mismo ang nag sabi sa akin non. Sinabi niya sakin na hindi siya pweding mag kaanak pero pinag tawanan ko lang siya non at sinabi ko na.

"Diba anak mo si Chansoon."

Sinabi ko iyon sa kanya pero natawa din siya.

"Ulul, hindi ko anak si Chansoon! Hindi ba na kwento sayo ni Irene yung totoo?"

Huling sinabi niya sakin saka biglang namatay ang linya. Totoong ano? Hindi anak ni Wendy si Chansoon.

Anak ni Irene si Chansoon.

Biglang bumalik yung eksena sa bar! Nung may nangyari samin! Tama! Siya lang ang hindi ko ginamitan ng condom! At aminado ako don! At alam ko buong sarili ko na pinutok ko iyon sa loob.

Ibig sabihin..

"A-ako ang tatay ni C-Chansoon." Para akong biglang nanghina pero hindi parin ako sigurado na ako nga ang tatay ni Chansoon.

WORLDWILD PLAYBOY [ KSJ ] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon