N

114 6 0
                                    

~ Last kiss ~

"Bakit tayo andito sa condo ko?" Tanong ko dahil kanina pa ako nag tataka dahil andito kami sa condominium ko. Nasa harap kami ng pinto ng condo ko.

Hindi niya parin ako iniimik. "Oh." Abot niya sakin ng isang susi. "Dyan mo makikita yung totoong tatay ni Chansoon."

"Para saan tong susing to?" Tanong ko sa kanya pero ngisi ang ginanti niya sakin.

"Kapag bumukas yang kwartong yan, ibig sabihin ikaw ang ama pero kung hindi paaalisin mo na ako." Aniya.

Himinga ako ng malalim saka sinubukang buksan ang pinto ng kwarto ko pero nanlaki ang mata ko nung hindi iyon bumukas. Sinubukan ko iyon ng paulit-ulit.

"Baka naman mali tong susi na binigay mo." Tanong ko pero ngumisi naman ulit siya saka nag lakad palayo sakin. "Saan ka pupunta." Natigilan siya sa pag lalakad.

"Mali talaga yang susi na yan." Aniya saka nag lakad paalis. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

Hinagis ko ang susi. "Bwisit naman oh!" Inis na bulong ko saka mabilis na sumunod kay Irene.

..........

"Akin na yung susi." Parang hindi ko nakita ang gantong Irene. Ibang iba ang Irene na kaharap ko. Napaka seryoso niya ngayon.

Umiling ako. "Ako ang mag da-drive." Pag mamatigas ko. "Baka mamaya mabangga pa tayo." Ani ko.

"Oh, akala ko ba gusto mong makita ang totoong tatay ni Chansoon?" Tanong niya, tumango naman agad ako. "Pwes kung gusto mo talaga ibigay mo na sakin yung susi mo at ituturo ko kung saan yung tatay ni Chansoon." Aniya. Hinagis ko sa kanya yung susi saka na siya pumasok ng kotse.

Napaka wirdo niya ngayon.

Sinimulan niya ng paandarin yung sasakyan. "Tell me. Gwapo ba yung tatay niya?" Tanong ko habang nakatingin sa daan.

"Gwapo. Mas gwapo sayo." Napalunok ako dahil sa sinabi niya.

Putcha, may mas ga-gwapo paba sakin?

"Mabait ba siya?" Tanong ko pa ulit.

"Mas mabait kesa sayo. Gago nga lang."  Aniya natawa pa siya dahil don. Tse, nagawa pang tumawa.

"Bakit hindi mo sinabi sa tatay niya yung totoo?" Tanong kopa ulit.

"Kase ayoko ng gumulo ang buhay niya dahil samin." Napatingin ako sa kanya. Ganon ba talaga kagago yung tatay ni Chansoon. Sana ako nalang. Sana.

IRENE'S POV

Para akong nananaginip. Dahil sa nangyayari ngayon. Huminto ako sa isang tabe. Tumingin ako kay Jin. Ang mukhang ni Chansoon agad ang pumasok sa isip ko.

Sana alam mo Jin. Sana alam mo lahat. Pero wag kang mag alala. Malalaman mona lahat.

Tumingin siya sa daanan. Nanlaki ang mata niya. "D-dito? Eh b-bar to eh.." Dahan-dahang humina ang boses niya dahil sa sinabi niya. Agad siyang lumabas ng kotse para tignan yung lugar at agad na pumasok ulit sa kotse.

Napahagulgol ako. "D-dyan ko nakilala ang tatay ni Chansoon. Sa The Mark's bar."

Oo. Sa the mark's bar kami ngayon at sinadya kong pumunta dito para malaman niya na lahat. Lahat-lahat.

"Patawarin mo ako Jin.." Humagulgol ako sa iyak habang naka takip ang mukha ko ng dalawang palad ko. "Hindi ko sinabi sayo.. patawarin mo ako.." Ani ko, hinila niya ako saka niya ako niyakap.

"Irene..." Hinagod niya ang likod ko.

"Hindi ko sinabi sayo kase ayoko ng guluhin ang buhay mo..." Saad ko pa.

Kumawala ako sa yakap niya at tumingin ng daretso sa mata niya. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kamay niya saka ngumiti. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko saka ako hinalikan at muling tumingin sakin.

"Kanina pa tayo hinihintay ng anak natin." Nakangiting sabi ko.

WORLDWILD PLAYBOY [ KSJ ] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon