T

184 9 0
                                    

IRENE'S POV

"Sige na, mag gagabi na baka kung ano pang mangyari sayo." Bilin sa akin ni Troy, pinalo ko naman siya sa balikat kaya natawa siya.

"Ano ba! Baka pag kamalan ng iba na tatay kita, over reacting ka kase kung mag alala sakin." Sabi ko, ngumuso siya kaya natawa ako.

"Tatay agad?! Hindi muna ba pweding boyfriend?" Natawa ako dahil sa sinabi niya. Tinapik kona siya saka nag paalam na aalis na.

Tumawag sa akin si gunggong at pinababalik ako sa condo niya. Sira ulo ba yun, halos hindi na nga ako makahinga kanina.

Mukha akong kamatis kanina dahil sa sinabi niya, alam kong gago siya pero mas lalo niyang pinatunayan na gago talaga siya, kung hindi ba naman sabihin na pakasalan ko siya?! Wtf Jin!? Oo dati, kung pwedi nga lang dati na mag lampaso ako ng sahig gamit ang dila ko gagawin ko para ayain niya ako ng kasal pero ngayon. ULUL NIYA.

Kahit na labag sa kabituk-bitukan ko na puntahan siya sa condo niya ginawa ko parin kase malay ko ba na mamaya matauhan siya at pirmahan na ang kontrata.

Akma akong kakatok pero natigilan ako nung may marinig akong nag uusap sa loob. Dinikit ko ang teinga ko sa pinto para mas lalong kong marinig.

Ganon kapag chismosa!!

"I'm sorry Pam, pero hindi kita kayang pakasalan." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Mas lalo kong dinikit ang teinga ko, ganyan kase kapag chismosa. "Besides Pam hindi kita mahal.."

"Wow, may pa drama si gunggong." Bulong ko medyo natawa pa ako dahil don.

"Babe, pakasalan mo ako please, mahal kita. Magagalit si Dad kapag hindi natin tinuloy ang kasalan kaya babe, you need to merry me." Dinig kong sabi ng babae.

"Sorry Pamela, mahal ko si Irene at siya lang ang pakakasalan ko."

Biglang nanlamig ang buong katawan ko, pakiramdam ko bangkay na ako dahil sa narinig ko. Nipag kurap ng mata ko ay hindi ko magawa. Hindi ako makahinga lalo na nung marinig kong palabas na sila kaya agad akong nag tago sa gilid.

"Thank you for saying the truth." Huling narinig ko bago ako ulit makadinig ng yapak nag huhudyat na may paalis.

Narinig ko ang malakas na buntong hininga saka dahan-dahan akong lumabas.

"Shit!!" Hindi ko inaasahan na bading pala tong gunggong na'to. Tinapik ko yung kamay niya na naka hawak sa dibdib niya.

Tinanggal niya iyon saka iritang tumingin sa akin, binigyan ko lang siya ng hindi interesado look.

"Sira ulo kaba!? Bakit ka nang gugulat!" Halos mabingi ako sa sigaw niya sa akin. "Ano kaba?! Gusto mo bang mag karon ako ng sakit sa puso hah!!" Gusto ko na siyang sapakin dahil sa boses niya.

"Oo para tuluyan ka nang mabura sa mundo bwisit na to!" Saad ko saka kumamot sa ulo ko dahil hindi ko na kinakaya ang boses niya. Namula ang mukha kaya natawa ako.

"Bigla ka kayang nang gugulat!" Sigaw niya. Napatakip ako sa teinga ko.

"Ano ba ano ba!? Alam mo para kang bading kung sumigaw!" Iritableng sabi ko, nawala ang pula ng mukha niya sa seryosong tumingin sa akin. Ang tingin na hinding-hindi mo matatanggihan.

"Ako bading?" Saad niya, nag pabewang pa ako.

"Oo, bakla, beki, girl-lalu, in short Bading!" Pag didiin ko, mas lalong nag seryoso ang mukha niya kaya umayos ako ng tayo at iwas tingin sa kanya.

"Bakla. Beki. Girl-lalu. In short. Bading." Bigla akong kinabahan dahil sa seryosong sabi niya, lumapit siya ng dahan-dahan sa akin kaya dahan-dahan din akong umaatras. "Ako bakla?" Mariin na sabi niya.

"O-Oo!" Sigaw ko sa kanya naramdam ko ang kamay niya sa likod ko at mabilis akong hinila papunta sa kanya nag dikit na naman ang katawan namin.

Dinikit niya ang mukha ko sa mukha niya kaya nag simula na namang mag wala ang puso ko.

"Isang beses mo pa akong sabihan na bakla hahalikan kita." Bulong niya, ngumisi ako. Duhh bakla ka naman talaga ni-hindi mo nga kayang panindigan yung anak mo. Sabagay hindi mo naman siya kilala.

"Oo bakla ka!" Sigaw ko, nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong halikan. Malakas ko siyang tinulak at muling sinampal. "Bastos!" Sigaw ko sa kanya, napa hawak siya sa labi niya.

"Sa twing hahalikan kita puro ganyan ang linya mo, hindi ka naba nag sasawa." Natatawang sabi niya saka binuksan ang pinto ng condo niya at tumingin sa akin. "Tatayo ka nalang dyan?" Nakangising tanong niya, tinaas ko ang gitnang daliri ko at ngumisi.

"Saludo talaga sayo gitnang daliri ko Jin." Natatawang sabi ko.

Inirapan niya ako. "What a girl." Bulung niya saka tumalikod sa akin at sinimulang mag lakad.

"Tanga, woman na ako hindi na ako girl. Tss."

Pumasok ako sa condo niya, halos mapamura ako nung makita ko na sobrang linis na dito ni-isang kalat ay wala akong matanaw. Natawa ako.

"Wow, kumuha kapa talaga ng katulong para linisin tong condo mo." Natatawang sabi ko saka inayos yung painting.

"Ako nag linis nyan." Dinig kong sabi niya mula sa kwarto, natawa ako dahil don. Himala marunong palang mag linis tong taong to.

Lumabas siya sa kwarto ng naka sandong puti at shempre as always pajamang puti din at hindi din mawawala ang pag kalalaki niyang naka bakat. Iwas tingin agad ako don.

Nag lakad ako papunta sa lamesa niya at hinila ang upuan para maka upo ako. Nakita kong binuksan niya ang ref at kumuha ng kunano na mukha siyang mag luluto?

"Mag luluto ka?" Tanong ko sa kanya tumingin siya sakin habang nag susuot ng apron.

"Mm, special." Sagot niya at sinumulang mag luto.

"Sana hindi mo muna ako pinapunta dito, magiging abala lang ako sa pag luluto mo." Sabi ko dahil sobrang tahimik namin, ayoko kase ng tahimik gusto ko laging maingay.

Napalingon siya sakin tsaka natawa. "Kaya nga kita pinapunta dito para tikman ako." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Pumulot ako ng mansanas sa lamesa saka ko iyon binato sa kanya.

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo ha!" Inis na sabi ko sa kanya. Natawa siya saka tinigil ang ginagawa niya at lumapit sakin.

"Este tikman ang luto ko." Nakangising sabi niya saka pinisil ang pisngi ko at bumalik sa ginagawa niya.

Aba gunggong na 'to, lakas mag trip ah. May pa hawak-hawak epek pa sa pisngi ko. Hoy hindi na ako tinatablan nyan, matagal na!

At mukhang tinatablan na naman ata ako ngayon.

Napahawak ako sa noo ko dahil sa sinabi ko sa isip ko. Mababaliw ako kapag kinilig ako sa gagong to. Kaya Irene chill ka lang. Wag kang mag papauto dyan sa gunggong na yan, remember, dahil lang naman sa kontrata kaya ka andito ngayon. Dahil sa kontrata. Kontrata.

WORLDWILD PLAYBOY [ KSJ ] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon