Y

153 7 0
                                    

Kanina pa kami nag iiwasan ng tingin ni Jin dahil sa nangyari kanina. Kaharap ko siya ngayon kase lumipat ako ng upuan ang akward na kase. Nakikita ko na tumitingin siya sakin pero agad niya iyong iniwas.

"Seokjin!" Napatingin ako sa sumigaw ng pangalan ni Jin. Kumunot agad ang noo ko nung makita kong babae iyon maganda ang hugis ng balakang, matangkad, malaki ang pwet *ehem* pati narin ang *ehem* boobs.

Tumayo si Jin. "Stella! Long time no see?" Sabi ng gunggong inirapan ko nalang sila dahil ayoko ng nakakakita ng mga higad.

Hindi ko maiwasang hindi sila tignan lalo na nung nag tatawanan sila. Edi kayo na bagay putcha! Tatayo na sana ako pero nakita ko si V na tumabi sakin.

"Bakit mo hinahayaan yung mister mo na may ibang kausap na babae?" Nakangiting tanong niya, medyo loko tong V na to ah. Ang tipid na nga sa pangalan medyo may konti pa. Ano ba apilido neto W?

V, W? X, Y, Z?!

"A-ah hayaan mo siya." Sabi ko pero tumingin siya ng masama sakin. "Bakit?" Tanong ko dahil parang sinusuri niya ako.

"Hindi ganyan ang mga asawa, dapat hindi nila pinapayagan na may dumikit na iba sa mga mister nila." Sabi niya. Tumingin ako kay Jin pero naiinis lang ako kapag nakikita ko sila.

Inirapan ko nalang sila saka inis na tumayo. Tangina dinala-dala ako nung gunggong na yun dito tapos hindi niya man lang ako aasikasuhin?! Ano tingin niya sakin manika na kung saan nalang iiwan kailangan dun nalang? Putcha iba siya!

Inis akong dumaan sa napaka daming tao para makapag banyo. Tinignan ko ang itsura ko sa harap ng salamin. Bakit? Maganda naman ako ah, sexy ako? Pero bakit hindi niya parin ako pinapansin.

Bumagsak ang balikat ko. "Wala, maganda lang ako malandi sila. Ano pang laban ko.." Malakas akong bumuntong hininga saka lumabas.

"Irene?" Napatingin ako sa kanan ko nung marinig ko ang pangalan ko. Nanlaki ang mata ko nung makita ko si Franco.

"Franco?! Putcha! Kamusta kana!?" Tanong ko sa kanya. Si Franco close na close ko nung highschool, president kase siya ng section namin kaya kilala ko siya.

"Eto ayos naman, ikaw kamusta kana balita ko soon to be model kana ah."

"Ano kaba! Saan mo naman nakuha yang balitang yan!" Natatawang sabi ko. Mag sasalita na sana ako pero nakita ko si Jin na nakikipag halikan sa babaeng kausap niya kanina.

Biglang bumagsak ang katawan ko dahil don buti nalang nasalo ako ni Franco. "Ayos ka lang?" Tanong niya sakin, hindi ko siya magawang tignan dahil na kay Jin ang tingin ko. Tumango ako saka mabilis na tumayo at tumakbo palabas.

Bakit ganto ako?! Hindi dapat ako nagagalit sa kanya, hindi dapat ako naiinis sa kanya, dapat wala akong pake kahit na makipag sex pa siya sa harap ko. Napaupo ako sa sahig at napayuko sa mga tuhod ko at humagulgol sa iyak. Bakit ganto, naguguluhan ako. Bakit pa kase pumayag ako na sumama sa letcheng lugar na to eh alam ko lang naman na mag lalandi yung hayup na yun.

Ang tanga-tanga ko!

Tumayo ako saka inayos ang sarili ko. "Tangina ka Jin, bahala ka sa buhay mo. Tignan natin kapag gising mo may Irene ka pang makikita sa harap mo." Inis na bulong ko sa sarili ko saka mabilis na umalis sa imbernang lugar na yun.

Habang nag lalakad ako hindi ko maiwasang hindi mainis. Bakit ba kase ako nakakaramdam ng ganto? Nag seselos ba ako? Hindi. Hindi ako pweding mag selos kase wala naman akong karapatan walang kami. Wala.

..........

"Irene!" Akala ko panaginip lang yung boses ng gunggong na yun pero hindi pala.

Anak ng putcha naman oh. Bakit andito yung gunggong na yun, ano ba sa tingin niyang ginagawa niya!

WORLDWILD PLAYBOY [ KSJ ] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon