~ Fourth day~
"Irene. May nag hahanap sayo." Napadilat ang mata ko nung marinig ko ang boses ni mama. Agad akong tumayo at nag unat para lumabas ng kwarto.
Agad na bumungad sakin si mama bitbit si Chansoon. At mukha siyang badtrip.
"Bakit dyan ka natulog?" Tanong niya, sa kabilang kwarto kami natulog ni Jin dahil sa katangahan niya nalock niya yung pinto.
Flashback
Binaba ni Jin si Irene sa harap ng kwarto nito at nakangiting tumingin dito.
"Maliligo na muna ako amoy alak ako eh." Nakangiting sabi ni Irene dahil may gagawin na naman silang kababalaghan.
Gumihit ang isang ngisi sa mga labi ni Jin. "Ako din, gusto kong maligo. Ano kaya kung sabay na tayo?" Malanding sabi ni Jin kay Irene at natawa naman ang dalaga.
Akmang bubuksan ni Irene ang pinto pero napatingin siya dito nung maramdaman niyang naka lock ito. Tumingin siya kay Jin na bakas parin ang ka manyakisan.
'Gwapong manyakis..' sa loob-loob ni Irene.
"Nilock mo?" Takang tanong ni Irene sa kanya, kumunot naman ang noo ni Jin at pinatabi si Irene at sinubukang buksan pero hindi niya rin ito mabuksan dahil...
"Nakalock nga." Aniya, kumunot ang noo ni Irene sahil sa sinabi ng binata. Tumingin siya kay Irene. "Nilock mo." Biglang bumagsak ang balikat ni Irene dahil sa sinabi ni Jin.
"Paano ko ila-lock yan eh hindi naman ako pumasok dyan?" Tanong ni Irene, bigla siyang naramdam ng inis.
Inuna pa kase ni Jin yung pag sermon niya kay Irene kaya hindi niya namalayan na nalock yung pinto ng kwarto nito at naiwan pa sa loob si Chansoon. Kabadtrip diba?
"Hangga't hindi mo nabubuksan yan 'di ka makakaskor sakin." Bakas ang inis ni Irene sa sinabi niya. Bago pa makapag salita si Jin eh tinalikuran niya na ito at agad na pumasok sa kabilang kwarto.
"Badtrip naman talaga oh.." Bulong ni Jin.
End of flashback
Ang tanga naman ni Jin. Bakit siya natulog sa kabilang kwarto ng hindi nabuksan yung kwarto ko. Tse.
Pasimple kong hinanap si Jin sa buong bahay pero wala siya. Saan naman kaya nag punta yun bakit hindi ako ginising.
"Hoy, kinakausap kita." Napatingin agad ako kay mama. "Bakit dyan ka natulog?" Tanong niya, pasimple naman akong ngumiti.
"A-ah k-kase.."
*Ding! Dong!
Dahan-dahan humina ang boses ko nung marinig ko ang tunog na yun. Tumingin ako kay mama. "May nag hahanap sakin?" Tanong ko sa kanya tumango naman siya.
Agad akong pumunta sa pinto para buksan iyon. Kusang napaitaas ang kilay ko dahil sa nakita ko. Isang lalaking malaki ang katawan at naka salamin. Mukha siyang bodyguard.
"Sino ho sila?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya nag salita, lumapit siya sakin saka may inabot na sulat.
Pipe ba siya?
BINABASA MO ANG
WORLDWILD PLAYBOY [ KSJ ] ✔️
RomanceKIM SEOKJIN'S STORY Kim Seokjin, isang lalaking sikat na modelo at walang ginawa kundi magpaka sarap sa buhay. Lahat ng kagustuhan niya nakukuha niya ito sa iisang kurap lamang. Isa siya sa pinakamayamang tao sa kanilang bansa. Lalaking WILD PLAYBO...