N

169 8 1
                                    

"Ahh!" Singhal ko nung maramdaman kong naputok na namin pareho. Kita ko ang ngisi niya.

"Ibang klase ka talaga." Nakangising saad niya pero ngumisi lang ako.

Bigla akong napanganga nung halikan niya ang noo ko bago siya umalis. Hindi ko alam bakit yung tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Bakit niya kase ginawa yun?! Ayan tuloy mukhang nababaliw na naman ako!

Umahon siya sa pool saka nag twalya. Hinintay ko siya ng ilang saglit tsaka ulit siya dumating na may dalang twalya. Lumapit siya sakin.

"Abot mo nalang yung damit ko." Saad ko sa kanya. Una niyang kinuha yung damit ko tsaka niya inabot sakin. Palihim akong napapangiti dahil sa ginagawa niya, hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kilig.

Sumama ang tingin ko nung makita kong hawak niya ang panty ko. "Hoy! Ibalik mo sakin yan." Saad ko sa kanya dahil ang panty ko nalang ang kulang para maka ahon ako.

Natawa siya. "Remembrance." Aniyan habang naka ngiti.

Sumama naman ang tingin ko dahil akma na ako mag sasalita bigla naman siyang tumakbo.

Napapalo ako sa tubig dahil sa ginawa niya.

"Grrr!! Jin!!!" Inis na sigaw ko.

..........

~ Second day ~

"Hoy lalake!" Gising ko kay Jin. Mukha siyang dambuhala dahil sa itsura niya habang natutulog.

Sa upuan kase siya natulog at dahil maliit lang yung upuan kaya halos malaglag siya.

Flashback

"Whaaa!!" Sigaw ko nung makita kong tatabi siya sakin ng walang t-shirt.

Napatakip siya sa teinga niya. "Nakakabingi ka! Ano na naman bang problema." Tanong niya.

Gago ikaw problema ko since birth!

"Saan ka matutulog?!" Tanong ko sa kanya. Pinipigilan ko ang sarili ko na hindi mapatingin sa katawan niya.

"Saan paba edi sa kama ko." Aniya.

"Hindi pwede! Ako dito. D-dun ka sa.." Saad ko habang humahanap ng lugar kung saan ko siya papahigain. "Duon!" Turo ko sa upuan.

Tumingin siya don. "Sira ulo kaba, sa laki kong to dun mo ako papatulugin?!" Aniya.

"Oo, baka mamaya ikaw na mismo yung nakapatong sakin kapag gising ko. Kaya para safe dun ka!"

"Baliw kana talaga..." Bulong niya.

"Matagal na." Sagot ko naman. Humiga parin siya sa kama kaya napanganga ako.

"Alam mo para talaga tayong mag asawa kase sa kinikilos mo parang nang babae na naman ako kaya duon mo ako papatulugin." Natatawang sabi niya saka tumingin sakin.

"Hehe, wala akong pake kung mambabae ka buong araw, buong gabe buong taon wala akong pake!" Inis na sabi ko.

"Hahahahaha! Bakit ka namumula?" Tanong niya.

Napahawak ako pisngi ko at naramdaman kong nag iinit nga ito.

Napatingin ako ng masama sa kanya dahil nakita kong tawa siya ng tawa.

"Dun kana kase inaantok na ako!" Saad ko sa kanya pero umiling siya. "Puta." Bulong ko.

"Shhh.. Kababae mong tao nag mumura ka!" Aniya.

"Kalalake mong tao hindi ka mag bigay." Ganti ko.

"Sorry kama koto, kung gusto mo ikaw nalang yung dun."

WORLDWILD PLAYBOY [ KSJ ] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon