A

185 9 0
                                    

"Hmm, masarap."

Pinatikim niya sa akin yung niluto niya at sobrang sarap non. Dating chef si Jin at isa ako sa taga hanga niya noon dahil sa mga luto niya.

"Bakit hindi ka mag patayo ulit ng sarili mong restaurant—" Natigilan ako nung marealize ko yung sinabi ko.

Nakangiti siyang nakatingin sa akin kaya medyo nailang ako. Ano na naman kayang pumapasok sa isip ng gunggong na to.

"Actually, balak ko naman na mag tayo ulit ng restaurant, hinihintay ko lang si dad na bumalik papuntang new york." Sabi niya habang binababa ang pag kain sa lamesa. Tintigan ko lang yun kaya pinitik niya ang noo ko pero mahina lang. "Ano tititigan mo nalang yan?" Natatawang sabi niya.

Ngumisi ako. "Iniisip ko kase kung may lason ba yan." Sabi ko kumunot naman ang noo niya kaya lalong lumaki ang ngisi ko.

"Wag kang mag alala walang lason yan." Sabi niya, tutal kumakain naman ako ng mga luto niya dati kaya kumuha ako non at wala paring pinag bago, ang sarap parin.

Umupo siya sa harap ko at seryosong tumingin sa akin, nilunok kona ang kinakain ko saka tumingin din sa kanya.

Ang tingin na hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.

"Matinong usapan Irene." Paninimula niya.

Natawa naman ako. "Ikaw lang naman ang hindi matinong kausap." Sabi ko pero hindi nag bago ang reaksyon niya kaya sumeryoso na ako. "Sige, seryoso na ako." Sabi ko kahit natatawa pa ako.

"Kailangan ko ng tulong mo."

Natawa ako sa sinabi niya saka pinalo ang lamesa, I know it! Kailangan ako ng gunggong na to, hey bitch after three years na hindi ka nag paramdam sa akin, actually hindi talaga ako interesado sayo that time. Pero ang kapal talaga ng mukha ng gagong to, pag katapos niya akong hindi tinanong pag katapos nung nangyari sa amin ganyan lalabas sa bibig niya.

"Ayoko!" Saad ko, tumayo ako at ganon din siya.

"I'll give you one million just help me." Biglang umurong ang dugo ko dahil sa sinabi niya,

O-one m-million.

Kahit kailangan ko ng ganon kalaking pera hindi ko parin siya tutulungan. Tse!

"AYAW KO! Alam mo Jin, hinintay ko nga ang araw na to eh, ang araw na dumating ang karma mo. Akala ko hindi nadadating, na traffic lang pala." Nakangising sabi ko pero hindi nag bago ang reaksyon niya.

May mali ba akong nasabi?

"Alam mo Irene kung hindi ko lang talaga alam na makakatulong ka sakin, hindi na ikaw ang nilapitan ko." Sabi niya. Tumayo siya saka kumuha ng tubig. "Gusto ni dad bago siya umalis dito sa pinas ay mag karon na ako ng asawa." Dagdag niya pa saka tumingin sa akin.

Lumapit siya saka ako niyakap, hindi ko siya magawang itulak. Narinig kong umiiyak siya kaya dahan-dahan kong inangat ang kamay ko saka ko siya niyakap pabalik. Hinawakan ko ang buhok niya nung maramdaman kong lalo niyang hinigpitan ang pag kakayakap niya sa akin.

"One week bago umalis si dad gusto ko bago siya umalis kasal na ako, please Irene pumayag kana maging asawa ko in one week." Natulala ako dahil sa sinabi niya.

Gusto ko siyang tulungan para masuklian man lang lahat ng ginawa niya sa akin. Pag katapos ng nangyari samin nakatanggap ako sa bahay ng maraming grocery at marami pa. Alam kong siya ang nag papadala non kahit na hindi pa sabihin ni mama na hindi sa kanya galing lahat ng yun.

"Sa isang kundisyon." Saad ko, kumawala siya sa pag kakayakap niya sa akin saka tumingin sakin.

"Kahit na ano." Masayang sabi niya.

WORLDWILD PLAYBOY [ KSJ ] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon