Chapter One

374 16 15
                                    

Mine

"Pwede ba? Tigil tigilan mo na 'yang kapipilit mo sa akin kay Caleb, okay? We're just friends," sabi ko habang sumisimsim ako sa kape na nasa harapan ko.

Nasa coffee shop kami para makipagkita sa isang client.

"Friends with benefits," dagdag pa niya.

"Kapag hindi ka tumigil Fonda, ibubuhos ko sa 'yo 'to!" Ang init init na nga pinapainit niya pa ang ulo ko.

Tumikhim na lang siya at umayos nang pagkakaupo.

Kanina pa ako sumisipat sa aking relo. Anong oras na pero wala pa rin yung kliyente, sinasayang niya ang oras ko.

"I'm sorry, I'm late." Rinig ko sa pamilyar na boses. Agad kong nilingon kung sino 'yon.

"You? Alam mo Caleb kung joke time lang 'to pwede ba? Wala akong oras a ganito," naiinis kong sabi.

"Ma'am and Sir, should I go now?" Pagputol ni Fonda.

I glared at her and I rolled my eyes. Mamaya ka sa akin, Fonda. Mukhang kasabwat ka sa pakulo ng lalaking 'to.

"Relax, we should get some coffee," he suggested.

"Coffee mo mukha mo." I snarled at him. Naiinis ako.

"Simulan na natin ang dapat simulan para matapos na 'to." Singhal ko pa.

Nakita ko ang kimi niyang ngiti na para bang nanunukso. Hindi naman ako nagpatalo kaya sarkastiko akong ngumiti sa kanya.

"This is a secret date," he mischievously smiled again.

What? Is he insane? Is he dating with me?

Akma akong tatayo nang pigilan niya ako. Hawak hawak niya ang pulupulsuhan ko.

"I wanna eat with you, that's the only reason why I'm doing this." Paliwanag niya. Nagbago ang tono ng kaniyang boses.

Nang matapos kaming kumain agad din akong lumabas ng coffee shop para kunin ang sasakyan.

"I'll drive you to your office"

"No, I don't want," pinal kong sabi.

"I insist." Matigas niyang sabi dahilan para makita ang kanyang panga na nag-iigting.

I sighed deeply, I walked towards to his black ranger car.

Ano ba ang problema ng lalaki 'to? Sinasayang pati oras ko. Kahit kailan wala nang magawang matino.

Nakakabingi ang katahimikan sa loob. Abala siya sa pagmamaneho habang ako naman ay malayang nakikita ang daan na tinatahak namin.

"It's been a week since the last time you visited me on my unit. Is there any problem?" he asked me.

"Wala." Matipid kong sagot.

"Then why? Bakit hindi ka dumadalaw sa unit ko?"

"Busy ako sa trabaho, hindi lang naman ikaw ang iniintindi ko," sagot ko.

Nakita ko ang pagbabago ng kaniyang hitsura. Ang dating maamong mukha ay naging malungkot.

"Huwag ka mag-alala 'pag maluwag na ang schedule ko, dadalaw ako sa 'yo," dagdag ko pa.

Agad naman na nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha, umarko ang kaniyang ngiti.

"Promise?" he assured. I smiled and nodded at him.

Tumigil na ang sasakyan hudyat na nasa tapat na ako ng building kung nasaan ang opisina ko. Hindi na ako naghintay na pagbuksan pa ako ng pinto ng sasakyan.

"Bye, I'll fetch you later," sabi pa niya. Hindi na ako sumagot ayaw ko nang pahabain pa.

Pumasok na ako sa loob ng gusali at pinaulanan ako ng mga pagbati ng empleyado. Sinuklian ko naman ng ngiti ang mga kanilang pagbati.

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa aking opisina nakita ko si Fonda na abala sa pagtatrabaho kaya hindi ko na muna inabala mamaya ko na siya papaulanan ng sermon.

I entered in to my office. Sumalubong ang malamig na hangin sa akin mula sa loob ng opisina. Initsa ko ang dala kong gamit at pagod na umupo sa couch. I sighed deeply.

It's been years since I started to enter the world of business. I admitted manipulating a business is not easy. Pero bago 'yan bago ako pumasok dito marami problema ang napagdaan ko.

My parents died because of business issue. They killed merciless, that's why I'm here, to manage their business. Ang naiwan nilang business.
Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng hustisya para sa kanila. I'm the only one heir of their wealth, I have to keep in my hand.

Masakit para sa akin na mawalan ng mga magulang sa mura edad. Sa murang edad ko natutunan kung ano ba talaga ang buhay. Nag-iisa akong anak kaya sino ba ang aasahan ko para tumulong sa akin kung 'di ang sarili ko lang. Kaya napilitin akong patakbuhin ang naiwan na negosyo.

Sa tulong ng aking tumayong ama na kapatid ni papa siya ang dahilan kung bakit naging maayos kong patakbuhin ang negosyo.

Habang nag-aaral ako si Tito Papa ang namamahala hanggang sa makapagtapos ako ng kolehiyo. Hindi ko gustong magpatakbo ng isang negosyo pero kailangan kong gawin ito hindi lang para sa sarili ko para sa taong pinakamamahal ko, ang magulang ko.

Pinilig ko ang ulo ko saka tumayo at tinungo ang desk ko. Marahan akong sumandal ako sa swivel chair.

Binasa ko ang iilang business proposals at nirerebisa ko ang ilang mga nakasulat sa emails. Nahinto ang pagbasa ko at nabaling ang  atensiyon ko nang may kumatok.

"Come in." Sigaw ko. Binalik ko ulit ang atensiyon ko sa pagbabasa sa emails.

"Good afternoon ma'am, Katrina. I am 
Rico Fuentes, Caleb's secretary. Gusto ko lang pong sabihin na kailangan na MC Hotel and Restaurant ang mga stocks  niyo dahil nagkakaroon na ng shortage sa hotel and resort," pahayag niya.

Napahawak na naman ako sa sentido ko. Masyadong kumplikado, wala pa akong balita sa factory para mag produce ng stocks para sa hotel and restaurant needs and supplies.

"Sige, I'll send stocks as soon as possible, I will send sufficient stocks immediately," sagot ko.

"Copy ma'am." Pagkatapos noon lumabas na rin siya ng opisina ko.

Pagod akong umupo sa swivel chair at hinihilot ko ang sintido. Marahil ay nagkaroon na naman ng problema sa factory. Kaya kailangan kong maayos ito.

Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng opisina ko. Hindi na ako nag-abalang tignan kung sino 'yon dahil abala ako sa pag-aasikaso ng problema ko sa trabaho.

"I bought you some flowers and chocolates," he said with his manly voice.

Heto na naman siya, dagdag sakit ulo.

"Masyado ka 'atang maaga?" Tanong ko sa kaniya pero hindi ko pa rin kinukuha ang kanyang binili.

"Ayaw mo ba?" tanong niya na para bang nagtatampo.

"Tigilan mo ako sa kakaganiyan mo mamaya masanay ako."

"I'm doing this because I appreciate what I have."

"You have?" naguguluhan kong tanong.

"I have you, because you are mine."

+++

Chasing KatrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon