Chapter Five

121 6 4
                                    

Punishment

"Trina, pwedeng dito muna ako matulog sa inyo kahit sa sala lang ako. Ayoko kasi sa bahay mag-isa lang ako."

Simula nang umalis ang kaniyang mga magulang para asikasuhin ang negosyo nila doon eh, napapadalas na ang pagpunta ni Caleb dito sa bahay. Iilang bahay lang naman ang layo nh bahay namin.

"Oo ba, walang problema," sagot ko.

Sanay naman ako na lagi siyang nandito sa bahay. Mukhang galing siyang school gumawa 'ata ng thesis. Hindi kasi kami magka-grupo sa thesis.

"Talaga? Tutal wala naman pasok bukas. Manood kaya tayo ng pelikula," pag-aya niya.

Tumango-tango ako at ngumiti. Magandang ideya. Nakahiligan na namin gawin ang panonood ng palabas kapag walang pasok kinabukasan.

Nagsimula na ang palabas. Hindi naman siya mahilig sa romantic movies pero ito ang natipuhan ko kaya ito na pinapanood namin.

Ang mga lalaki nga naman hindi talaga marunong kiligin pero ako ay halos kinikiliti sa kilig.

Habang nanonood kami ay pasimple ko siyang sinusulyapan. Nakita ko ang paunti-unting pagbagsak ng kanyang talukap. Inaantok na siya pagod siguro sa thesis nila.

Hinayaan ko nalang siya at maya-maya pa ay naramdamdaman ko ang pagsandal niya sa balikat ko. Mas dinikit niya pa ang ulo niya papunta sa leeg ko.

"Gusto ko ikaw ang kasama ko, ikaw mag-aalaga sa akin at mag-aasikaso habang wala pa akong girlfriend, pwede ba?" tanong niya. Ang boses niya ay talagang inaantok na.

"Matulog ka na lang," sagot ko habang patuloy akong nanonood.

Hindi pa siya nakuntento, nilingkis niya ang braso niya sa braso ko habang nakapilig ang ulo niya sa balikat ko.

"Ayaw mo ba?" nagtatampo niyang tanong.

"Inaantok ka na, matulog ka na," suway ko pa sa kaniya.

"Mag-promise ka muna."

"Oo na, sige na, promise!" Pinisil ko ang ilong niya.

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakalingkis sa akin. Mahigpit niya rin na hinawakan ang kamay ko.

Natigil ako sa pag-iisip ko nang biglang magsalita si Fonda, dala dala niya ang mga iilang gamot ko.

"Oh, heto gamot. Inumin mo para gumaling ka agad." Inabot niya sa akin ang iilang tabletas.

Medyo maayos na ang pakiramdam ko. Kailangan ko nalang inumin ang mga gamot na ito para magtuloy-tuloy ang pag galing ko.

Kapag gumaan at umaayos na ang lagay ko. Pupuntahan ko si Caleb alam kong nagtatampo pa rin 'yon. Hindi niya sinasagot ang tawag at text ko.

Grabe talaga magtampo ang lalaking 'yon, daig pa ang babae. Masyadong feminine, patampo-tampo pa na nalalaman.

"Samahan mo ako kay Caleb, dadalawin ko. Nagtatampo sa'kin ngayon 'yon."

Napatakip siya ng bibig. Napakarumi talaga ng isip nito. Kung anu-ano ang iniisip.

"Bakit ba kasi nagtampo? Hindi ba naka-score?" Lumapit siya sa tabi ko at parang handang handa makinig sa susunod na sasabihin ko.

Inabot ko ang box ng isang gamot at binato ko sa kaniya. Hindi talaga ako magiging maayos kung siya ang makakasama ko. Nakakaloka 'tong babaeng 'to, hindi ko nga alam kung bakit ko ba naging sekretarya 'to.

Nang makapag-ayos na kami para sa pagpunta kay Caleb ay agad din kaming umalis ng bahay. Si Fonda na ang inatasan kong magmaneho.

Sa kahabaan ng biyahe nagitla ako nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag.

"Yes, sige papupuntahin ko ang secretary ko," sabi ko sa kabilang linya.

May kaunting papeles na kailangan kong i-forward ang iilang business works.

"Ihatid mo nalang ako sa tapat ng condo. Ako na ang bahalang bumisita sa kaniya at ikaw 'yung mga papers works nasa drawer ko. Be on time ha!" paliwanag ko.

Itigil na niya ang sasakyan sa tapat ng condo. Bumaba na ako at nagpaalam kay Fonda. Mabuti nalang kahit masakit sa ulo si Fonda ay naaasahan mo naman.

Paulit-ulit ko siyang tinatawagan pero walang sumagot. Tuluyan kong pinasok ang condo. Nakipagsiksikan din ako sa mga tao para makasakay sa elevator. Ilang saglit pa ay huminto na sa ikalabing-isang palapag na ako.

Tinahak ko ang mismong unit niya. Ilang katok ang ginawa ko pero walang sumasagot. I tried to enter his pin and it works.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto niya. Bungad sa akin ang makalat niyang unit para bang dinaan ng bagyo. Ano pa ba ang aasahan ko sa kwarto ng isang lalaki.

Matapang ang amoy ng unit niya. Pinaghalong amoy alak na amoy lalaki sobrang tapang. Nagkalat ang mga damit na gamit na habang ang mga baso at basyo ng alak at nagkalat.

Malaki ang unit niya pwedeng pwede ang isang pamilya dito. Kumpleto rin siya sa gamit. Lalaking laki ang disensyo ng kanyang unit nakakatuwang tignan ang iilan sa mga poster niya ay mga spongebob. Kalalaking tao mahilig sa ganito. Ang tanda tanda na ang hilig pa sa spongebob.

"What are you doing here?" Napalingon ako sa likuran ko. I saw him topless with his spongebob boxer brief.

My Gash! He's wearing spongebob boxer brief at his age. He's damn ridiculous. Napatitig ako roon.

"Fuck!" Rinig kong mura niya agad niyang tinakpan 'yon ng mga kamay niya at dali dali siyang pumasok sa loob ng kwarto niya.

Napailing nalang ako at mahina napatawa sa nakita ko. Ilang sandali pa ay lumabas din siya. He's wearing white sando and plain black boxer short. Salubong ang kanyang kilay ng lumabas.

"Dapat ko na 'atang palita ang pass code ko," sabi niya.

"Look, suot ko na yung bigay mo kwintas." Ngumiti ako habang hawak hawak ko ang hugis puso na pendant.

"Who told to come here?" malamig niya sabi. Nakapamaywang siya dahil sando lang ang kaniyang suot kitang kita ko ang mga malalaking muscles niya sa braso.

"I just want to say sorry," malumanay kong sagot.

"Tsk, hard headed woman," bulong niya.

"Hindi na mauulit." Pangako ko.

Hinawakan niya ang baba niya at hinimashimas ko 'yon para bang nag-iisip.

"Another punishment for your action!"

"What would it be?" bigla kong natanong.

Shocks! Ano bang nasabi ko at parang sumang-ayon na rin ako sa gusto niya. I shook my head. Argh!

"Hmmm!" Tumingala pa siya sa kisame at parang nag-iisip. Nakakrus ang kanyang mga braso.

Dahan dahan siya humahakbang papalapit sa akin habang magkakrus pa rin ang kanyang mga braso at tila ba nag-iisip.

Ito na ba yung panaginip ko? Mangyayari na ba? Deja vu ba 'to? Napapakit na lang ako at hinahantay sa susunod na mangyayari.

"Open your eyes." Ramdam ko ang mainit na hininga niya na tumatama sa mukha ko. Hindi ko pa man mabuksan ang mata ko alam ko na iilang dipa nalang ang pagitan namin.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Kitang kita ko ang mukha niya na sobrang lapit sa akin. Nakatitig ako sa mga mata niya habang nakakulong ako sa mga bisig niya.

Hindi ako mahinga para bang ang sikip sikip ng paligid ko. Nakita ko ang paglapit niya sa akin. Gahibla nalang ng buhok ang pagitan ng aming mukha.

"You will stay here, we will stay together here," pabulong niyang sabi.




Damn! Caleb, why are you doing this to me?

+++

Chasing KatrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon