Chapter Fifteen

162 8 4
                                    

Old Park

Mainit na sinag ng araw ang tumatama sa aking pisngi. Dahan dahan kong minulat ang aking mata. Mabigat ang mga talukap ko pati na rin ang katawan ko. Para bang pagod na pagod ako kahit na kagigising ko lang.

Inilibot ko ang tingin at hinahanap ang orasan. Alas-otso na ng umaga kailangan ko nang mag-asikaso para sa umagahan ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko kaya hindi muna ako papasok.

Tatayo na sa na ako nang maalala ko kung ano ang nangyari kagabi.

"Please stay!"  he murmured.

Mahina 'yon pero sapat na para marinig ko. Hindi ko alam pero biglang tumigil ang sistema ko. Paulit-ulit kong naririnig ko iyon sa loob ng isip ko.

"Promise me you'll stay," sa pagkakataon na ito hindi na bulong mahina na ang pagkakasabi niya pero may mga parte na gumagasgas.

Nilingon ko siya, nakita ko siyang nakayuko habang nakaupo sa gitnang bahagi ng sofa.

Gusto kong magsalita pero walang salita na lumalabas sa bibig ko. Bakit hindi ko masabi ang gusto kong sabihinkaya kong manatili, pero bakit ako lang? Bakit ako lang ang mananatili? Gustong tanungin kong kaya rin ba niyang sumugal at manatili.

"Okay, alam ko na,  base sa boses niya ramdam ko ang pagbabago ng kaniyang tono.

Hindi ko alam ang isasagot ko pero nananatili akong nakatingin sa pwesto niya at nananatili pa rin siyang nakayuko. 

"Mananatili ako hanggang gusto mo, hangga't kaya ko pa," kaswal kong tugon.

Nangingilid ang mga luha ko. Pinipigil ko ang pagpatak dahil ayaw kong makita niya naapektado ako. Taksil ang mga luha ko, tuluyang lumandas dahilan kung bakit mas pinili kong talikuran siya.

I suddenly snapped out to the reality when I heard several knocks. Panigurado si Caleb ito. Binuksan ko ang pinto, bulto niya ang bumungad sa akin. Ganoon pa rin ang hitsura niya, walang pang-itaas na damit, at gulo-gulong buhok.

Kumunot ang noo dahil walang reaksyon ang mukha niya at wala rin salitang binibigkas. Blanko ang kaniyang ekspresyon. Ang aga aga ha, ano na naman ang paandar ng lalaking ito.  Sisirain na naman niya ang araw ko.

Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong sinunggaban ng yakap. Hindi lang yakap kung 'di mahigpit na yakap. Ilang segundo rin bago ko nasagot ang yakap niya. He's so weird.

"Ano na namang pakulo 'to?" nanunuya kong sabi habang nananatili pa rin kami sa posisyon na ganoon.

"I had a nightmare, iniwan mo raw ako," base sa tono ng pagkukwento niya ay talaga totoo.

Paano nalang kung magkatotoo.

"It was a dream, okay? Alam kong salbahe ka pero uso kasi magdasal," pabiro kong sabi.

"Huwag mo 'kong iiwan ha, you promised me right?" para siyang bata na nanghihingi ng kasiguraduhan. 

"Yes, I promise," ani ko. A

Huwag mo lang din akong iiwan, dahil mahirap lumaban ng mag-isa, Caleb. Mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya pero sino ba ako para magreklamo at manghingi linaw.

Lumuwag ang pagkakayap niya sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat habang malapad ang kaniyang mga ngiti.

"I'm sorry about last night— huwag mo nang isipin 'yon. Martha is just a friend of mine," he explained.

Bakit ba siya humihingi ng tawad? May karapatan ba akong magreklamo?  May karapatan ba akong magalit? He's free what he want to do. Ano lang ba ako? Isa lang naman akong umaalalay at sumusuporta sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing KatrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon